Chapter 15

9.1K 154 8
                                    



"Ate Zehra..."

"Seya!"

Napabangon ako nang marinig ang boses ni Seya. Luminga ako sa paligid. Nakita ko si Lea na natutulog sa sofa sa kabila. Sa aking gilid naman ay nakita ko si Lianna. Napabangon ako at napatingin sa orasan sa gilid.

3:00 am.

G-Ganoon katagal akong tulog?

Nanlaki ang aking mga mata. Hapon nang atakihin si Seya at dinala sa emergency room. Higit sampung oras na ang nakalipas. Ang natatandaan ko ay lumabas ako ng silid niya at tinungo ang ER.

Seya Clara Mineses Time of death 6:24 pm.

H-Hindi...

"S-Seya... Seya..."

Nag-init ang aking mga mata at ilang sandali pa ay namalisbis ang mga luha. Ang sakit na nararamdaman ko sa aking dibdib ay walang kapantay. Napahikbi ako at natutop ko ang aking bibig. Ang matinding sakit ay hindi ko alam kung saan nanggagaling. Pakiramdam ko ay muling bibigay ang katawan ko. Nangapa ang aking mga kamay upang maghanap ng kakapitan. Sobrang sakit. Ang sakit-sakit n-naman po.

P-Parang awa ninyo na... h-huwag naman po ang kapatid k-ko.

"N-Naku, Zehra," napalingon ako nang marinig ang boses ni Lea. Kaagad akong lumapit sa kaniya. Nais kong malaman... n-nais kong marinig na ang kapatid ko ay buhay pa at makikita ko pang muli. Makakasama at mahahawakan. Mayayakap ko pa ng sobrang higpit.

Seya... Seya...

Diyos ko po... h-huwag naman... huwag ninyo sa akin kunin si Seya.

"S-Si Seya? si Seya... n-narinig ko ang boses ng d-doktor. H-Hindi ako naniniwala na wala na si Seya. S-Sabihin mo sa akin..."

"Zehra... Zehra, calm down," nilingon ko naman si Lianna na nagising na rin. Niyakap niya ako at hinagod ang aking likod upang mapakalma ako. Pero hindi iyon ang nais kong marinig mula sa kanila. G-Gusto kong malaman na buhay pa ang kapatid ko.

B-Buhay pa si Seya, hindi ba?

"You fainted. Pagod na pagod na ang isip at katawan mo, Zehra. Please... please, calm down, okay? ang baba ng dugo mo. May mga nararamdaman ka na sa katawan mo pero hindi mo sinasabi. Zehra, huwag mo naman pabayaan ang sarili mo, please?"

Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat. Tinitigan ko siya ng diretso sa mga mata. Patuloy sa pagdaloy ang mga luha ko at nagmamakaawa akong nakatingin sa kaniya. Mahigpit kong hinawakan ang mga kamay niya.

Taas baba ang aking dibdib at nahihirapan ako sa aking pahinga dahil sa matinding sakit. Sobra naman po... a-ang dami ko nang isinkaripisyo. H-Hindi ko kaya na pati si Seya mawawala pa sa b-buhay ko.

"Z-Zehra, please?"

Nanginginig ang mga labi ko pati ang aking mga kamay. Nanlalabo ang aking paningin at nakakaramdam ako ng pagkahilo pero ang buong isip ko ay nasa aking kapatid. Ano ba ang ginawa ko?

A-Ano ang ginawa ko para ibigay ang lahat ng pagsubok na ito sa akin?

M-Masama ba akong tao? b-buong buhay ko puro na lang sakit at p-paghihirap. P-Puro na lang pagluha. Tapos ang kaisa-isang dahilan kung bakit ako nagpapatuloy ay kukuhanin pa sa akin.

"B-Buhay si Seya... b-buhay siya, 'di ba? Lianna... s-sabihin mo sa akin, ang kapatid ko... a-ang kapatid ko... m-makakasama ko pa, hindi b-ba?"

Nakita ko ang pagtulo ng luha sa kaniyang mga mata. Rinig ko na rin ang iyak ni Lea sa aking tabi. Napalunok si Lianna at naging matatag ang kaniyang itsura. Hinawakan niya ako sa aking pisngi at pinalis niya ang aking mga luha gamit ang kaniyang mga daliri.

"L-Lianna..."

Nang tumango siya ay napahagulgol ako at napaluhod.

"Z-Zehra!" dinaluhan nila ako ni Lea. Ang bigat at sakit na nararamdaman ko ay iniiyak kong lahat habang nakaluhod sa sahig.

Walang tigil ang aking pag-iyak.

"The operation w-was successful. Inabot ng higit walong o-oras b-but it was successful. L-Ligtas na si S-Seya, naririnig mo ba ako Zehra? litas na ang kapatid mo. S-She's alive."

Hindi ako makapagsalita. Nakahawak ang isang kamay ko sa aking dibdib habang umiiyak at nakalapat ang isa sa sahig. Nanghihina ang katawan ko, para nang muling bibigay ngunit nang marinig ko ang mga sinabi ni Lianna ay nabuhayan ang aking loob.

D-Diyos ko maraming salamat po... m-maraming salamat po... b-buhay si Seya. H-Hindi ako iniwan ng kapatid ko.

"Z-Zehra, narinig mo ba iyon? buhay si Seya! s-sabi ko naman sa 'yo, 'di ba? kakayanin ni Seya! malakas at matapang ang kapatid mo kagaya mo! manang-mana sa iyon, eh!" ang boses ni Lea ang sunod kong narinig.

Ramdam ko ang mahigpit na kapit ni Lianna sa aking balikat at si Lea naman ay hinihimas ang aking likod. Wala akong tigil sa pag-iyak hindi na dahil sa takot na baka mawala ang aking kapatid, kung hindi dahil na sa pagpapasalamat sa Diyos dahil buhay ang kapatid ko.

B-Buhay si Seya. L-Ligtas siya.

"Errol was talking to the doctors right now, si Seya ay nasa recovery room at mino-monitor ng mga doctors at nurses. We are s-so happy, Zehra. Kay Ariq kami may tiwala at aaminin ko na natakot ako nang malaman ko na hindi siya ang mag-oopera kay Seya. I've known Ariq for so long dahil magkaibigan ang pamilya namin. I trust him and I know he can save your sister that's why I also lose hope when I learned that he's in another operation."

"B-But indeed, d-doctors in this Hospital was great. Hindi nila tayo binigo, nailigtas nila si Seya."

Umangat ang aking mukha at tumingin ako kay Lianna. Pulang-pula ang kaniyang mga mata at pati na ang kaniyang ilong. Tumingin din ako kay Lea at ganoon rin ang kaniyang itsura. Lahat kami ay walang tigil sa pagluha.

Napahikbi akong muli. Hinawakan ko ang kanilang mga kamay at yumuko.

"M-Maraming-maraming salamat...s-salamat sa i-inyo," nahihirapan man sa pagsasalita ay nasabi ko sa kanila ang pasasalamat ko. Hindi ko kakayanin kung ako lang, k-kung kami lang ni Seya. Sobrang laki ng tulong nila sa amin.

Kahit sa maigsing panahon na nakilala ko siya ay naramdaman ko ang pagiging mabuting tao ni Lianna. Hindi siya nagdalawang isip na tulungan kami. Kaagad siyang nagpaabot ng tulong. Ang pag-aalala na ipinapakita niya sa akin ngayon, ang bawat paghawak niya sa akin ay pakiramdam ko tunay ko siyang pamilya.

"Wala 'yon, huwag mong intindihin, ha? we promised to be by your side. Sa tabi ninyo ni Seya, hindi namin kayo iiwan kahit na natapos ang operasyon niya. We will make sure that she's free from cancer at hindi na muling babalik iyon. We are going to do everything for her and for you. You are not just a friend, malapit ang puso ko sa inyong magkapatid."

"I-I saw how you fight for your sister, Zehra. Hangang-hanga ako, n-napaka lakas mong babae, napakatatag. If I were on your situation b-baka hindi ko kayanin. You are so strong... you deserve every beautiful thing in this world after what happened to Seya, s-sana... sana ay huwag mong ipagkait sa sarili mo ang kaligayahan pagkatapos ng paghihirap mo na ito."

"Give yourself a break, Zehra. Take all the time to rest. Kami ang bahala sa inyong magkapatid."

Tumango ako ng sunod-sunod. Hindi ako tumigil sa paghingi ng pasasalamat kay Lea at kay Lianna.

"Ngayon na nalaman natin na nasa mabuting kalagayan na si Seya ay dapat ibalik mo ang lakas ng katawan mo, Zehra, kumain ka," tumayo si Lea.

Hinawakan nila ako ni Lianna sa magkabilang kamay at tinulungan ako na makatayo. Bumaba ang tingin ni Lianna sa aking damit. Humawak siya doon.

"Take a bath, clean yourself, eat and then we will wait for Seya outside the recovery room. I'm sure she's also waiting for you, Zehra."

Tumango ako at yumakap sa kanilang dalawa.

Walang hanggang pasasalamat sa Diyos at sa kanilang mga narito sa tabi ko. Hindi nila kami iniwan ng aking kapatid sa mga oras na kailangan na kailangan namin ng pamilya.

Seya... S-Seya... hintayin mo si ate, ha? 

Three Month Agreement (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon