Chapter 32

8.9K 158 16
                                    


"E-Errol..."

"Good night. See you next week, Zehra," sabi niya ng nakangiti at pumasok na sa loob ng sasakyan. Napatingin pa ako doon hanggang sa makaalis na iyon at mawala sa paningin ko.

Naibaba ko ang mga paper bag na hawak ko at napataban ako sa aking mga labi.

Naipikit ko ng mariin ang aking mga mata nang may mapagtanto ako pagkatapos ng ginawa ni Errol.

Kahit ang halik na iyon...

Hindi manlang napabilis ang tibok ng puso ko.

Naglakad ako papasok sa eskinita at imbis na pumunta sa aking apartment ay tinungo ko ang bahay nila Lea. Nagulat pa siya nang dumating ako. Nagpadala na rin ako ng mensahe kay Adriano ngunit wala pang limang minuto ay nakita ko na siya sa labas ng bahay nila Lea.

Ang bilis naman niya?

Ngayon nga ay nakauwi na kami sa bahay ni Thauce. Wala siyang mensahe sa akin hindi katulad nang pumunta ako sa bahay nila Lea. Mukhang galit pa rin siya hanggang ngayon. Napabuntong hininga ako. Nagpasalamat ako kay Adriano at pagkatapos ay umakyat na ako sa aking silid. Pikit na pikit na ang aking mga mata ngunit nakatapos pa ako na maglinis ng katawan at magpalit ng damit para makatulog.

Ibinagsak ko ang aking sarili sa kama. Hindi na rin ako nakapagmensahe pa kay Lianna upang magpasalamat dahil sa matinding antok na nararamdaman.

Pagod na pagod talaga ako.

Hindi ko alam na ganoon pala ang mga mayayaman kung magshopping. Parang gusto nang ubusin ang laman ng mall.

"Ahh... nakakapagod pero... masaya."

Iyon ang mga salita na nabanggit ko bago ako tuluyan nang makatulog.

"Zehra."

Hmm... Thauce? Kanina ko pa hinihintay ang tawag at mensahe niya!

Naidilat ko ang aking mga mata nang marinig ko ang pagtawag niya sa akin. Ganoon na lang ang gulat ko nang makita ko siya sa aking harapan. Nasa aking ibabaw at nakatingin ng diretso ang mga mata sa akin. Hinawakan niya ang aking pisngi at pinadaan ang mga daliri niya doon pababa sa aking leeg.

"Anong--" at bago ko pa makumpleto ang tanong ko sa kaniya ay bumaba ang kaniyang mga labi sa akin at mariin akong hinalikan. Napakapit ko sa kobre kama nang maramdaman ko ang pagkilos ng mga labi niya sa akin. Ang mahigpit na hawak ng isa niyang kamay sa aking baywang.

Ang paraan ng kaniyang paghalik ay hindi marahas.. banayad ang pagkilos ng kaniyang mga labi at maingat ang mga hawak niya sa akin. Nang hilahin niya ako at maupo siya ay hinawakan niya ako sa aking batok upang mas mapalalim pa ang halik.

B-Bakit... t-teka lang...

"Hmm..." kumawala ang ungol sa akin nang kagatin niya ang aking pang-ibabang labi. Naibuka ko ang aking bibig at nagkaroon naman siya ng pagkakataon upang maipasok ang kaniyang dila. Dahil sa paraan ng paghalik niya sa akin ay napakapit ako sa kaniyang buhok at napaupo sa kaniyang kandungan.

"T-Thauce..." ang kaniyang mga halik ay bumaba sa aking leeg. Ramdam ko ang pagtaas ng mga balahibo sa aking buong katawan habang ang kaniyang mga kamay naman ay mahigpit at mas hinapit pa ako sa aking likod.

Nang umangat ang tingin niya sa akin ay nagtama ang aming mga mata. Nakita ko ang pagnanasa doon. Binasa ko ang aking mga labi dahil sa nararamdaman na kiliti sa aking tiyan ngunit sa kaniya ay alam kong imbitasyon iyon para sa isa pang mas malalim na halik.

"Damn it."

At hindi nga ako nagkamali. Hinapit niya ang aking batok at muli akong hinalikan. Buong puso ko nang tinugon ang kaniyang halik sa akin. Nang mahiga siya ay ako naman ngayon ang nasa kaniyang ibabaw. Hindi namin parehas nais na maputol ang halik. Ang tunog ng aming mga labi na nagtatama ay rinig sa aking silid pati na rin ang paghahabol namin sandali ng hininga upang masundan muli ang mainit na mga halik.

"Ahhh... T-Thauce," hindi ko napigilan ang aking pag-ungol at pagsinghap nang maramdaman ko ang kaniyang kamay sa loob ng aking damit. Hindi ako nakasuot ng bra kaya malaya ang kaniyang kamay sa pagmasahe sa aking dibdib.

Ramdam ko na rin ang pangangatal ng aking mga labi pero patuloy pa rin ako sa pagtugon sa kaniyang mga halik. Patuloy pa rin ang aming halikan na akala mo ay iyon na ang huli.

"Hmmm..."

Nakakahilo, nakakalunod. Mas matagal na halik at sa tuwing hihiwalay ako upang sumagap ng hangin ay hahabulin ni Thauce ang aking mga labi upang muling halikan.

Nang siya na ang umibabaw sa akin ay inililis niya ang suot kong pantulog at napahawak ako sa kaniyang ulo nang dalhin niya sa kaniyang bibig ang tuktok ng dibdib ko.

Para akong nakuryente. Napakapit ako sa kaniyang ulo habang patuloy siya sa ginagawa.

"Uhhh..."

Napaangat ang aking likod nang maramdaman ko ang paglalaro ng kaniyang dila. Ang init ng kaniyang bibig. Nakakabaliw...

"A-Ahhh!" napatingin ako sa kaniya dahil sa pagpasok ng kamay niya sa loob ng aking pajama. Ang sumunod ko na naramdaman ay ang daliri niya sa aking gitna. Dahan-dahan ang ginagawang pagkilos.

"T-Thauce..."

"Hmm?"

Habol-habol ko pa rin ang aking hininga habang namimilog ang aking mga labi. Hindi ko na alam kung saan ko pa ikakapit ang aking mga kamay sa kakaibang sensayon na nararamdaman ko.

Umangat si Thauce at pagkatapos ay hinalikan ako sa aking leeg. Itinapat niya ang bibig sa aking tainga habang nilalaro ang aking hiyas.

"Aahhh... a-ahhh!"

Mabilis ang kilos ng kaniyang mga daliri at para akong mababaliw sa ginagawa niya sa akin.

"Zehra..." bulong niya sa aking tainga. Ang mainit niyang hininga ay tumatama sa parteng iyon. Mas nakakabaliw lalo. Naliliyo na ako sa bawat paghagod ng kaniyang mga daliri sa aking gitna. Para akong lalagnatin sa init na nararamdaman ko.

"You are so wet... damn, you moan so sexy..."

"Ohhh... T-Thauce..."

Napaangat ang aking likod nang hindi ko makayanan ang bilis ng pagkilos ng daliri niya habang patuloy ang pagbulong sa aking mga tainga.

"Thauce! ahhhh!" mahigpit akong napakayap sa kaniya nang maramdaman kong malapit na ako.

Napahigpit ang kapit ko at lumakas ang ungol na pinakapakawalan ng bibig ko nang malapit na akong labasan dahil sa ginagawa niya. Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi at naitukod ko ang aking mga paa dahil sa sarap na dulot ng paglalaro niya sa aking gitna.

"T-Thauce... hmmm.... Ahhh... a-ang sarap..."

"Fck."

"Yes, keep on moaning my name... only my name... ang pangalan ko lang, Zehra Clarabelle."

Napabalikwas ako ng bangon. Hinihingal ako at pawis na pawis. Napahawak ako sa aking mga labi, sa aking dibdib at sa gitnang bahagi ng aking katawan.

"Panaginip?"

Mabilis akong naglakad at humarap sa salamin. Hinaplos ko ang aking leeg. Nanlalaki ang aking mga mata.

"Zehra! nanaginip ka! at napanaginipan mo si Thauce na... n-na..."

Natampal ko ang aking noo at tinungo ang banyo. Hindi ako makapaniwala! ganoon ko na siya kagusto? na dumating sa puntong pinagnanasaan ko na siya? ano ba ito! hindi dapat ganito! hindi talaga mainam na narito ako sa bahay niya!

Sinasabi ko na nga ba ang nararamdaman ko sa kaniya ay lalala!

Lumabas ako ng banyo at tiningnan ko ang oras sa aking cellphone.

9:00 am. Tanghali na!

"Kumalma ka, Zehra."

"Hingang malalim..."

Nakahawak ako sa aking dibdib at lalabas na sana ng aking silid upang makainom ng malamig na tubig ngunit napatigil ako nang makita ko ang nakaawang na pinto. Salubong ang aking mga kilay nang lumapit ako doon.

"Naiwan ko ba itong bukas kagabi?"


Three Month Agreement (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon