"Amen."
Pagkarinig ko ng sinabi ng mga tao sa buong audi ay naitulak ko si Thauce palayo sa akin. Nabigla ako sa kaniyang tanong masyado at hindi kaagad nakapagsalita. Direktahan ang kaniyang tanong kung gusto ko ba siya, nakatingin sa mga mata ko ng diretso at mukhang kaya niyang malaman kung magsisinungaling ako sa kaniya.
"Wala."
Bulong ako pero tingin ko ay ako lang ang nakarinig. Hindi pa rin ako tumitingin sa kaniya kahit nang pababa na at wala nang halos matira sa entablado. Napalunok ako at bahagyang iginalaw ang aking ulo upang makita siya sa gilid ng aking mga mata. Ang kaniyang mga daliri ay nasa kaniyang pang-ibabang labi at sa tingin ko ay natutuwa pa siya.
"W-Wala akong gusto sa iyo."
"Really?" tanong niya pa.
Napalingon ako sa kaniya nang muli niyang hilahin ang aking braso, hindi marahas, maingat na at ang kaniyang paghawak ay may kasamang pagpisil na parang sa ginawa niyang iyon ay maaaring magbago ang aking sagot.
"Hi-hindi na tayo nakapagdasal. Bakit ba kasi ang isip mo ay nakay Adriano pa rin--"
"Ngayon wala na sa kaniya," pagpuputol niya sa aking mga sinasabi. Nagbago ang ekspresyon ng kaniyang mga mata habang nakatingin sa akin. Napaatras ako sa aking kinauupuan dahil sa intensidad non. Naging seryoso, may nais malaman ang kaniyang tingin.
Kahit anong mangyari ay hindi ko sasabihin sa kaniya at hindi ako aamin na nagugustuhan ko siya! kahit anong mangyari!
"O-oh, 'di hindi. Basta wala akong gusto kay Adriano at lalong-lalo na sa iyo. Sinabi ko lang na mas g-gwapo ka sa kaniya iyon lang! masyado ka naman nag-isip."
Kita ko ang pagsasalubong ng mga kilay niya. Ilang sandali pa ay biglang nagbago ang tingin ni Thauce sa akin at binitawan ang aking braso. Palihim akong napahinga ng malalim. Parang biglang nahinto ang paghinga ko mula kanina nang masabi ko na mas gwapo siya kay Adriano. Nagdire-diretso kasi ang pagsasalita ko at hindi nakapagpigil.
Kailangan kong kumalma, masyado akong nadadala sa aking emosyon ngayon, hindi ko dapat makalimutan na masasaktan lang ako sa nararamdaman ko na ito kay Thauce at wala itong patutunguhan.
Maaaring ngayon ay sinusubukan lang niya ako, kanina sa dining area dito sa Orphanage ay sinabi niyang hindi ako maaaring magkagusto sa iba, tama naman. Hindi dahil dapat ang atensyon ko lang ay nakay Errol.
Ang sinabi niyang iyon ay syempre, kasama siya.
"Pupunta muna ako sa comfort room."
Tumayo ako at naglakad na paalis. Hindi naman talaga ako tinatawag ng kalikasan, nais ko lang na makahinga at mailabas ang gulat at nararamdaman ko dahil sa biglaang pagtatanong na iyon ni Thauce. Lalo ang paghawak at paglapit niya sa akin sa kaniya. Nawawala ako sa pag-iisip kapag ganoon siya kalapit sa akin, ang mga salita sa aking utak ay para bang naghahalo-halo ang mga letra. May nais akong sabihin ngunit hindi ko masabi dahil sa tingin at hawak niya.
"Zehra... delikado ka na talaga kay Thauce."
Hindi bale, pagkatapos ng bakasyon ay wala na akong ibang iintindihin na baka makita ko siya araw-araw. Hindi na rin ako titira sa kaniyang bahay. Kung gusto niya akong ipa-monitor kay Adriano kung ginagawa ko ba ang napag-usapan namin ay gawin niya. Wala akong problema doon. Sa ngayon, ito ang iniisip ko. Baka kung ano na naman ang masabi ko sa kaniya dahil sa mga kilos niya.
Nakakabwisit! ako kasi mismo ang naglalaglag sa sarili ko sa kaniya!
"Aaahhh! kainis!" napapadyak ako nang huminto ako sa paglalakad. Nandito ako ngayon sa may malawak na palaruan ng Orphanage. Malamig ang hangin dito sa lugar na ito dahil maraming mga puno at halaman.
BINABASA MO ANG
Three Month Agreement (SELF-PUBLISHED)
RomanceDalawa ang mahalaga sa buhay ni Zehra. Ang kapatid niya at pera. Simula pagkabata ay namulat sya sa hirap ng buhay. Kinailangang kumayod para makakain. Masipag siya, matiyaga at lahat ay papasukin niya para lamang sa minamahal na kapatid. Kaya't na...