"Iniisip kaya ni Thauce na kung makikipagkita ako kay Lianna ay baka kasama nito si Errol?"
Posible rin kasi 'yon. Ang ayaw naman niya ay makausap ko pa si Errol. Pero hindi naman pwede, kailangan ko pa rin maamin dito at kay Lianna ang tungkol sa kasunduan.
Nang sinabi ko kay Lianna na ako na ang bahala kay Thauce ay nagreply lang siya ng sige. Hindi na ako nag message pa non at naggayak na ako ng damit ko. Simpleng straight cut navy blue jeans and white top ang kinuha ko.
Sa tuwing mapapatingin ako dito sa mga damit ko ay napapangiti na lang rin ako. Katabi nito ay yung kay Thauce na. Ang totoo, pagkarating namin dito sa bahay niya nang mangyari nga yung aksidente ay lahat ng gamit ko sa guest room ay narito na. Pati mga sapatos, skincare na binili niya, toothbrush, lahat-lahat ng mga gamit ko. May mga alahas pa nga, may sarili rin akong laptop. At yung mga damit ko mula sa pang-alis, pambahay, pang formal pa nga ay nakaayos na rin sa cabinet.
"Para na kaming mag-asawa nito talaga."
Kasal na lang ang kulang. Iyon naman ay hindi pa namin napag-uusapan at para sa akin ay... maaga pa. Hindi naman sa hindi ko nakikita si Thauce na mapapangasawa ko, ramdam ko na 'yon, kung paano niya ako alagaan at ibigay ang mga kailangan ko. Kung ano-ano nga ang natatanggap ko na mula sa kaniya. Pati itong personal card niya ay nahahawakan ko na rin. At ang bahay niya ay sa tuwing babanggitin na niya 'bahay natin'.
Nakakatuwa, pero ayoko rin magmadali. Sa ngayon, masaya ako sa nangyayari sa aming dalawa at nakikita ko na ganoon rin si Thauce.
Pagkagayak ko ay kinuha ko na ang handbag ko at inilagay sa loob ng wallet ang card ni Thauce. Bumaba na rin ako agad at pagkasarado ng bahay ay tinungo na ang garahe, naroon na at naghihintay si Adriano.
Pagkatingin ko sa oras sa relong pambisig ko ay 10:45 am na. Siguro bago mag alas-dose ay naroon na ako sa DapDap West.
"Ma'am Zehra."
Tumango ako at ngumiti kay Adriano. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng likod ng sasakyan at sumakay na ako. Nang maalala ko naman ang nais ni Thauce na tumawag ay idinial ko agad ang numero niya. At hindi pa nga nagtatagal ang ring ay sumagot na siya kaagad!
"How is my baby?"
Ang lambing ng pagkakatanong niya, ha.
"Okay lang ako. Paalis na kami ni Adriano sa bahay. Ikaw? busy ka?"
Umandar na ang sasakyan at ako naman ay nakikinig sa kabilang linya. Tahimik naman, boses niya lang ang naririnig ko, walang iba hindi katulad nong nakaraan.
"I am not busy. Katatapos ko lang pumirma ng mga papeles. Did Lianna call you? she kept pestering me to let you come with her, pero ayoko."
At ayun na nga, nabannggit na nga niya. Napangiti ako at tumingin sa labas ng bintana.
"Oo, kanina, nag-message siya sa akin. Bakit naman ayaw mo, Thauce? ilang araw mo na nga akong..." bago ko itinuloy ang salita ay napatingin ako sandali kay Adriano, nakaramdam ako ng hiya.
"Nasolo... pagbigyan mo na ang gusto ni Lianna, saka, nakita ko sa social media yung lugar na gusto niyang puntahan, maganda doon."
Sinusubukan ko na siyang kumbinsihin. Natahimik naman siya sa kabilang linya, hinihintay ko ang sasabihin niya pero ang tagal. Nang magsasalita na ako ay saka ko muli narinig ang boses niya.
"Papayagan kita kung kasama ako."
Naku.
"Thauce, babae ka ba? kami lang ni Lianna."
"What? then, No."
Kita mo rin talaga ang katigasan ng ulo niya at ang maipilit rin.
"I will not let you then."
At doon ko na nga ginamit ang 'power' ko sa kaniya. Ang tigas rin kasi ng ulo niya, ang maipilit. Wala naman masama kung kami lang ni Lianna ang aalis, ah?
"Nagpapaalam ako ng maayos, Thauce," pinaseryoso ko ang boses ko sa kaniya.
"Magkaibigan kami ni Lianna at gusto ko siyang makasama. Gusto ko rin marating yung lugar na sinasabi niya. Gusto kong mamasyal. Kung ayaw mo ay tutuloy pa rin ako basta ang mahalaga ay nasabi ko sa 'yo."
Saka, bakit? pasyal ang ipupunta namin ron hindi kung ano.
Narinig ko ang pagda'ing ni Thauce sa kabilang linya. Nakarinig rin ako ng pagkatok ng ballpen sa lamesa.
"Zehra Clarabelle..."
"Huwag mo akong tawagin ng ganiyan. Wala naman akong gagawin na hindi maganda bakit ayaw mo akong payagan? Si Lianna naman rin ang kasama."
Kunwari ay naiinis pa rin ako. Hindi na siya nakakibo. Ayan rin, pag-alam niyang galit ako o naiinis medyo tumitiklop na siya. Alam ko naman na may kapangyarihan rin talaga ang mga salita ko sa kaniya.
"At kung hindi mo ako papayagan ay hindi ako uuwi ngayong gabi."
"W-What?"
Medyo tumaas ang boses niya. Ako naman ay nakangiti. Siguro kaunti pa? nakikita ko kasi na itong si Thauce pagdating nga sa akin ang gusto ata ay ikulong lang ako sa bahay niya. Nakuha ko nang hindi niya ako papayagan na magtrabaho, pero ang minsanan na pagpasyal naman ay hindi siguro masama lalo na at si Lianna naman ang kasama ko.
"Hindi ka naman bingi, Thauce."
"B-But, baby... you can go with Lianna pero sasama ako."
"Ayoko nga. Kami lang yun, lakad lang namin saka marami kang trabaho."
"I am the boss. I can leave--"
"And I am the boss, too."
Pagkasabi ko non ay natahimik siya sa kabilang linya. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko, mapupunit na ata dahil rin sa lawak ng ngiti ko. Hindi ko nakakalimutan yung sinabi niya sa isla na 'You are the boss, baby.' ipapakita ko talaga sa kaniya 'yon.
"Fck, Zehra. I really like it when you take control of me."
At natuwa pa! akala ko ay nainis na siya! napailing ako at natatawa.
"Siguro ay tapos na ang usapan natin tungkol sa paglabas namin ni Lianna?"
Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya. "Yes, baby. Yes. But..."
Tumaas ang mga kilay ko dahil may 'but' pa yung sinabi niya.
"Anong but?"
"Hmm... but I'm upset, and I hope my boss will do something tonight to make me happy."
At dahil sa mga sinabi niya na 'yon na hindi ko inaasahan ay napatawa talaga ako. Lalo sa tono ng boses niya na akala mo nagpapa-baby pa. Napatingin naman si Adriano sa akin sandali.
"Thauce! napakahilig mo!" mahina ko lang 'yon sinabi sa kaniya. Malutong naman na halakhak ang narinig ko sa kabilang linya mula sa kaniya.
Bakit ang galing ni Thauce sa ganito?! Naisisingit niya kahit sa anong usapan!
"What? When I tasted you, I couldn't get enough and I wanted more. Gusto ko talaga na araw-araw pero ikaw, eh. Hmm, is there a way to change your mind? and can we do it at least 6x a week?"
Napatanga ako.
"Thauce!" sita ko sa kaniya na sinagot niya lang ulit ng pagtawa.
Nahiya pa siya sa isang araw na pahinga!
BINABASA MO ANG
Three Month Agreement (SELF-PUBLISHED)
Roman d'amourDalawa ang mahalaga sa buhay ni Zehra. Ang kapatid niya at pera. Simula pagkabata ay namulat sya sa hirap ng buhay. Kinailangang kumayod para makakain. Masipag siya, matiyaga at lahat ay papasukin niya para lamang sa minamahal na kapatid. Kaya't na...