Chapter 46

9.4K 151 6
                                    


"I fell in love with you."

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari kagabi. Para bang isang panaginip. Ang mga salita ay naririnig ko pa rin ngayon. Kahit ang pakiramdam na nakapaloob sa mga bisig ni Thauce ay parang kanina lang naganap.

"Mahal kita, Zehra Clarabelle."

Malinaw sa aking isipan at wala akong ibang hinahangad na pagmamahal sa kaniya dahil nag-umpisa lang naman ang lahat sa isang kasunduan. Sino rin ba ang magmamahal sa isang katulad ko sa mundo ng mayayaman na katulad nila?

Tinanggap ko na rin na pagkatapos ng aming usapan ni Thauce ay tahimik akong aalis at hindi magpapakita. Iyong malayong-malayo sa kaniya. Hihintayin ko na lang ang pagbabalik ni Seya at mamumuhay kami ng magkasama. Pero nagbago ang lahat ng plano ko, lahat ng nasa isipan ko dahil sa biglaang pagtatapat ni Thauce ng kaniyang pagmamahal kagabi sa akin.

Napahinga ako ng malalim. Sunod-sunod sa aking isipan ang pagdaloy ng alaala kagabi. Umangat ang aking isang kamay at nailapat ko sa aking mga labi.

Ilang beses na rin niya akong nahalikan. Hindi lang isa at hindi lang dawala simula nang magkakilala kami. Una ay aksidente lamang at inakala niya na ako si Lianna. Ang mga sumunod na ay dahil naman sa matinding galit niya.

At ang kagabi ang masasabi ko na naiiba. Hindi ko na maalala kung ilang beses pero sa lahat, kagabi ko naramdaman na naiiba ang mga halik na iyon sa lahat. Walang panlilinlang. Iba na ang ipinaramdam ng pag-angkin niya sa mga labi ko at ang tagal non ay nararamdam ko pa rin hanggang ngayon.

Ang marahas ay naging marahan at may pag-iingat. Ang halik na mapagparusa ay napalitan ng pagmamahal.

Napaawang ang mga labi ko, nanuyo bigla ang aking lalamunan at biglang nanikip ang aking dibdib. Otomatiko na napaangat ang aking isang kamay at natutop ko ang aking bibig. Naramdaman ko ang pag-iinit ng aking mukha. Hindi na rin normal ang pagtibok ng puso ko. Naghuhuramentado sa pag-alala sa nangyari at kung paano ako kumapit at tumugon sa kaniyang mga halik.

Sinasabayan at ibinibigay ang gusto niyang paraan ng pagtugon sa akin.

At sa sinabi niya na manliligaw siya, naisip niya pa talaga iyon gayong sa unang pag-angkin niya sa mga labi ko kagabi ay hindi ko siya itinulak at nagpatianod na lang rin ako sa mga halik niya.

Ahhh! Zehra! hulog na hulog ka!

Napapikit ako ng mariin at kumilos na. Nag-inat-inat.

Nakagat ko ang aking mga labi at natapik ko ang aking magkabilang pisngi para gisingin ang sarili ko. Wala nang nangyari simula nang idilat ko ang aking mga mata kundi balikan ang mainit na tagpo kagabi. Kundi alalahanin ang bawat salita sa pagtatapat ni Thauce.

"Zehra? You can use the bathroom now. I am done already."

Nakuha ni Errol ang aking atensyon. Nakatingin siya sa akin habang kinukuskos ang buhok na basa. Katatapos lang niyang maligo. Nais rin daw niyang maaga na makaligo dahil nangangati siya. Ako ay dahil nga nais kong gisingin ang aking sarili. Mukhang iyon kasi ang kailangan ko. Kanina ay bago siya pumasok doon ay okupado na ni Thauce ang isipan ko at hanggang sa makabalik ay si Thauce pa rin.

"Sige, salamat, bababa ka na ba? nagugutom?" tanong ko sa kaniya. Maaga pa masyado, baka nga wala pang breakfast. Kung wala pa ay ako na ang magpiprisinta na magluto.

Tumayo na ako at kinuha ang aking tuwalya. Pagtingin ko sa oras sa kaniyang likod ay nakita kong maga-alas sais trenta pa lang. Maaga pa rin kasi akong nagising kahit na hindi ako nakatulog kaagad kagabi. Parang alas tres na nga ng madaling araw nang mapapikit ako at hilahin ng antok.

Three Month Agreement (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon