Alas diyes ng umaga na at nanonood lang ako dito sa sala habang hinihintay ko ang tawag ni Seya. Ala una ng hapon doon ngayon at sinabi niya na maliligo raw muna siya at siya na ang tatawag sa akin mamaya. Nagtataka nga ako, dalawang araw ata kami na hindi nakapag-usap at narinig yung boses niya.
Puro mensahe lang, at limitado ang mga sagot ni Seya. Nag-aalala ako, nang kausapin ko si Thauce kagabi bago kami matulog ay sinabi niya sa akin na huwag akong mag-alala at ayos lang naman daw ang kapatid ko. Pero pakiramdam ko talaga ay may mali, hindi naman ganon si Seya.
Inilipat ko ng channel ang tv nang matapos ang palabas na pinanonood ko, at nang makuha ang atensyon ko ng isang steamy movie at saktong nasa mainit na tagpo ang mga bida ay napalunok ako. Napatikhim at kaagad kong inilipat ulit.
Iba na ang pakiramdam ko simula nang may mangyari sa amin ni Thauce, lalo na at may kapilyuhan rin siyang taglay. Hindi lilipas ang araw na hindi siya nakahalik sa akin. At hindi halata kung ano ang paborito niyang parte ng katawan ko dahil halos araw-araw... iyon ang pinagkakaabalahan niya, bago matulog at minsan ang pakiramdam doon ang gumigising sa akin.
Ang sabi ni Thauce, biro lang naman daw yung araw-araw, pero baka daw pwede na mag request na 3x a week. Natawa talaga ako don, hindi naman siya palabiro bilang sa pagkakakilala ko, pero simula nang maging kami para siyang naging sobrang ibang tao. May mga bago pakong napansin sa kaniya nang makauwi na kami dito sa bahay niya.
Dahil nga magkasama na kami at natutulog sa iisang silid ay ang dami kong napansin. Hindi siya nagdadamit pag tulog, gusto niya lagi nakayakap sa akin, at tuwing umaga naman hindi siya kaagad babangon, tititigan lang niya ako hanggang sa ako naman ang magising. Tapos babatiin niya ako ng magandang umaga at halik sa noo at mga labi. O hindi kaya ay iyong sinasabi niyang... paborito niya rin na gawin.
Isang linggo na at iyon ang mga nangyayari. Masaya ako, totoong masaya ako kasama si Thauce at hindi ko maisalin sa salita kung gaano ako kasaya kasama siya. At imbis ba na ako ang mag-aalaga sa kaniya ay siya itong palaging nag-aasikaso sa akin kahit galing siya sa trabaho. Isang linggo na mahigit ang lumipas nang mangyari ang trahedya sa akin pero kung magsalita at alagaan ako ni Thauce ay parang kahapon lang. Ramdam ko rin ang pag-iingat niya, na kahit naikikilos ko na ng maayos ang braso ko ay palagi pa rin siyang nakamasid at nakaalalay.
Hindi pa rin kasi tanggal ang cast ko at siya pa rin ang nagluluto ng pagkain namin pagkauwi galing sa trabaho. Sabi niya ay sa susunod na araw ay maaari nang tanggalin ito, nasasabik na rin ako na magkikilos sa kusina dahil gusto ko na rin siyang ipagluto.
Naalala ko tuloy yung sinigang noon na idinala ko sa opisina niya, unang beses ko pang luto 'yon sa kaniya pero iba ang nadatnan ko kaya ibinigay ko kay Shirley na secretary niya. Napanguso ako nang maalala. Mukhang isa 'yon sa sinabi ni Thauce na way niya noon para matukoy kung ano ang totoong nararamdaman niya para sa akin.
"Pero nakakainis pa rin..."
Napabuntong hininga ako at pinatay ng lang ang TV. Ang totoo ay nakakainip, wala akong magawa bukod sa panonood. Hindi rin kasi gusto ni Thauce na lumabas ako kasama si Lianna, sinubukan kong magpaalam kasi nitong nakaraang araw lang pero sabi niya kapag magaling na daw talaga ako.
At... kailangan kasama siya.
Hindi ko alam na ganito siya ka-possessive. Napaka protective rin. Iniisip pa rin niya ata si Errol. Nalaman na rin kasi nito ang nangyari sa akin at tumawag sa cellphone ko, ang nakasagot? si Thauce. Naliligo ako nang mga oras na 'yon. Pinagbabaan daw niya agad ng tawag ang pinsan niya. Hindi na ako nagsabi ng kung ano dahil napansin ko na bad mood na siya non eh. Kapag si Errol ang usapan, umiinit pa rin ang ulo niya kahit naman wala akong naranasan na masamang trato kay Errol.
"Ma'am Zehra, lunch ninyo po."
Nang marinig ko ang boses ni Adriano sa aking likod ay napalingon ako. Tumayo ako at lumapit nang may hawak na siyang paper bag.
"Ohh, salamat. Kumain ka na ba?" tanong ko pero bago makasagot si Adriano ay nag-ring ang cellphone ko na nasa loob ng bulsa ko. Kinuha ko 'yon at pag-angat ay nakita ko ang pangalan ni Thauce sa screen.
Pinagdikit ko ng mariin ang aking mga labi at tumikhim bago sinagot ang tawag.
"Thauce."
"Your lunch arrived. Inutusan ko si Adriano. Huwag mo siyang aayain kumain kasama ka, Zehra Clarabelle."
Nabasa ko ang aking mga labi. Pigil na pigil ko ang mapangiti ng malawak dahil ang sungit ng pagkakasabi niya. May lahi ba siyang manghuhula?! katatanong ko pa lang kay Adriano at kung sinagot nito ay hindi pa, talagang aayain ko! pero hindi ko naman ipapasabay sa akin na kumain dahil alam ko kung ano ang ugali niya.
"Mainit ang ulo mo," sabi ko na lang.
"You're going to invite him."
Hindi tanong 'yon. Napatawa ako at sinulyapan si Adriano.
"Pakilagay na lang sa kusina. Maraming salamat," sabi ko sa kaniya at bumalik ako sa sofa para maupo.
"Zehra, don't test me. I know you are just being kind pero alam mo rin kung ano ang mga ayaw ko. At ayokong nalalapitan ka ng kahit na sinong lalake--"
"Eh, bakit si Adriano ang inutusan mo? alam mo naman rin ang ugali ko, Thauce," pagpuputol ko sa kaniya. Narinig ko sa kabilang linya ang marahas niyang pagbuntong hininga. Nakakarinig rin ako ng boses ng lalake pero hindi malinaw kung ano ang sinasabi nito. Parang tinatawag si Thauce. Teka, nasa trabaho pa ba siya?
"I trust him that's why. He will be your bodyguard also. Siya rin ang magdadala ng pagkain mo simula ngayon hanggang sa matanggal ko ang cast sa braso mo. Just this request, baby. Huwag naman masyadong mabait sa ibang lalake. Can I be selfish in that way, too? sa akin na lang."
"Gusto ko ako lang."
Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi sa mga narinig kong sinabi ni Thauce. Tama na ang pang-aasar mo, Zehra. Huwag mo nang patulan ang ibang mga salita at seryoso na siya!
"Seloso," sagot ko na lang rin at wala na akong binanggit tungkol sa tanghalian at kay Adriano.
Pero napaisip ako, bakit naman may bodyguard? andito lang rin ako sa bahay.
"Kumain ka na?"
"After this call, baby."
"Sabay na tayo!" mabilis kong sagot, nasasabik pa ang tono ko at tumayo akong muli para pumunta sa kusina. Iniloud speaker ko ang cellphone ko at ipinatong sa may gilid. Inilabas ko na rin ang mga pagkain na nasa loob ng paperbag habang nakikinig kay Thauce.
"Oh, but..."
Nang marinig ko 'yon ay napatigil ang kamay ko.Kinuha ko muli ang cellphone at inilapit sa bibig ko.
"Bakit? may gagawin ka pa? lunch naman na, 'di ba? tatawag sana ako ng video call para sabay tayo na kumain."
Narinig ko naman ang mura niya sa kabilang linya. Kasunod non ay ang tunog ng isang bagay at daing ng isang tao. Sino ba yun? pero lalake naman ang boses.
"Get the fck out of here."
"I didn't know you were a very UNDERstanding person, Arzen."
Pero 'yon ay malakas na! rinig na rinig ko ang boses. Sino kaya 'yon? kaibigan niya? pero hindi kaboses ng mga nakasama namin sa island. Tapos Arzen rin ang tawag sa kaniya, kung iisipin, mga malalapit na tao lang ang tumatawag non kay Thauce.
"Fck you, Elleazar!"
Elleazar?
BINABASA MO ANG
Three Month Agreement (SELF-PUBLISHED)
RomantizmDalawa ang mahalaga sa buhay ni Zehra. Ang kapatid niya at pera. Simula pagkabata ay namulat sya sa hirap ng buhay. Kinailangang kumayod para makakain. Masipag siya, matiyaga at lahat ay papasukin niya para lamang sa minamahal na kapatid. Kaya't na...