Bumili ako ng mga regalo katulad ng sinabi ni Thauce bago ako makarating sa Dapdap West. Nakapag-withdraw na rin ako ng pera nang huminto kami ni Adriano kanina sa isang convenience store. Ngayon ay kararating lang nga namin, hawak ko ang mga paperbag ng mga damit na mabilis ko lang pinili kanina at si Adriano naman ay mga bilao ng pagkain. Mga kakanin at ilang putahe ng ulam na nakita ko kanina sa palengke.
Habang naglalakad kami papasok ay na-miss kong bigla itong lugar. Parang isang taon na yung nakalipas at parang ang tagal na ng huling punta ko dito. Tanda ko ay yung pags-shopping namin ni Lianna kasama si Errol. Pagkatapos non ay wala na akong balita pa sa Dapdap. Hindi ko na rin nakausap si Lea.
At nang makarating na nga kami sa harapan ng bahay nila Lea ay tumanaw ako sa loob. Aba! mayroon nang gate itong harapan nila at maayos na maayos na. Lumago na rin itong tindahan nila sa looban. Kamusta kaya yung sa palengke?
"Pabili po," kunwari ay sabi ko. At hindi nga nagtagal ay nakita ko ang kaibigan ko na ginamit rin ni Thauce noon sa aming kasunduan.
"May pang sinigang po kayo?" tanong ko pa. Nakangiti.
"Mayroon po, ilang kilong baboy--hala ka!" nang mapagtanto ni Lea na ako na yung kausap niya ay mas lumawak ang ngiti ko sa kaniya. Tumango ako.
"Kamusta ka, Lea?"
Tumili siya at pagkatapos ay nagtatalon na lumabas ng bahay nila at lumapit sa akin. Diretso niya akong niyakap ng mahigpit. Natatawa naman ako na hinagod ang likod niya. Dumulas na rin sa mga kamay ko ang hawak na mga paperbags.
"Zehra! hala! ikaw nga! akala ko kung sino lang na maganda! napasyal ka? si Seya ay kamusta?" sunod-sunod ang kaniyang mga tanong pagkatapos ay humiwalay siya ng yakap sa akin.
"Maayos naman si Seya, mabuti ang lagay niya sa Australia. Ikaw? mukhang gumaganda na rin ang lagay ninyo, ah?" sagot ko at pinasadahan ng tingin ang kanilang tindahan, pati ang bahay. Maayos na maayos nang talaga at halos wala nang hollowblocks. Sementado na ang buong bahay at may pintura.
"Oo! naku! sinwerte talaga doon sa pwesto sa palengke," sagot naman niya sa akin, nang mapatingin siya sa mga bitbit ko at sa tao sa likod ko ay saka hinila ni Lea ang kamay ko.
"Pasok muna! sorry! natuwa ako ng sobra at nakalimutan ko na kayong papasukin!"
Naglakad kami pareho papasok, nakasunod naman si Adriano. At nang nasa loob na ay ibinaba ko sa maliit na lamesa sa gilid ang mga paperbags at kinuha ko naman kay Adriano ang mga pagkain.
"Maraming salamat. Babalik ka na lang mamaya para sumundo sa akin?" tanong ko sa kaniya. Sa gilid ng mga mata ko ay ramdam kong nakatingin si Lea. Siguro ay hindi pa niya rin nakakalimutan si Adriano! tanda ko pa nung gwapong-gwapo siya dito, eh.
"Opo, Ma'am Zehra. Mag mensahe na lang po kayo."
Pagkatango ko at pagkapasalamat ay lumabas na ito at umalis. At nang humarap naman ako kay Lea ay pinalo ako nito ng mahina sa braso.
"Bakit umalis?! sana ay pinag meryenda muna natin! nang natitigan ko ng matagal-tagal!"
Loka talaga siya.
"Gumaganiyan ka kasi wala ang nanay at tatay mo, ano?" sagot ko at naupo sa sofa. Natatawa naman si Lea na lumapit at tumabi sa akin.
"Abala sila sa palengke, mamayang gabi na ang uwi. Maaabutan ka nila kung padilim ka na aalis--ay teka, saan ka na nga pala nakatira? lumipat ka na rin talaga ng apartment dahil sa trabaho na ibinigay sa 'yo ni Thauce?"
Trabaho...
Oo nga pala at walang alam si Lea sa mga nangyari sa Isla. Umiling naman ako. Ngumiti ako ng tipid sa kaniya.
"Sa... bahay na ako ni Thauce nakatira."
Pag-amin ko. Napasinghap siya at hindi ko inaasahan na sasama ang mukha ni Lea. Humalukipkip siya at pagkatapos ay nagsimulang magsalita ng hindi maganda tungkol kay Thauce.
"Alam mo, Zehra? kampon rin ng kadiliman yung si Mr. Cervelli, eh. Ano nga ang ginawa sa 'yo? ha? ginawa ka bang katulong? inaalila?"
Natatawa naman akong napailing.
"Lea--"
"Noon talaga ay konsensiya na konsensiya ako na tinanggap ko ang utos niya kapalit ng malaking halaga! naku, Zehra! pasensiya ka na talaga! naalala ko na naman ang tungkol doon! walang-wala lang rin talaga akong makapitan--"
"Lea, boyfriend ko na si Thauce."
Hindi ko na siya hinintay na matapos. Sinabi ko 'yon at mahigpit ko siyang hinawakan sa braso. Ang pagtingin niya sa akin ay ganoon na lang. Dahan-dahan rin na napaawang ang bibig niya sa gulat.
Pinagdikit ko ng mariin ang aking mga labi nang sa tingin ay parang nais niyang itanong kung totoo ba.
Kaya naman tumango ako. Ngumiti muli.
"May relasyon kami... inamin niya sa akin ang nararamdaman niya sa isla, sa resthouse nila Lianna. Napakaraming nangyari doon at kasama na ang pagtatapat ni Thauce ng pagmamahal sa akin."
Kahit sinundan ko na ang unang mga sinabi ko ay si Lea hindi pa rin nagsasalita, nasa mukha pa rin ang gulat at nang makabawi na ay lumapit naman siya sa akin.
"Z-Zehra, gumana ba yung sinigang mo? oh my gosh... h-hindi ka naman marunong mag-joke, Zehra. A-At hindi ka rin naman ilusyonada. So... n-nagsasabi ka ng totoo."
Napasimangot akong sadya sa kaniya.
"Lea naman..."
"Hala ka! nakabingwit ka ng napakalaking isda! congratulations, Zehra! sht. Ang gwapo non ni Mr. Cervelli, ha! nakakatakot ang itsura pag tumingin. Malalim ang boses! mukhang siya rin yung tipo ng lalake na kapag dinala ka sa kama mapapahiyaw ka sa sarap--"
Napasinghap ako sa mga sinabi niya at natampal ko talaga ng malakas ang braso niya. Paanong biglang napunta doon?!
Naramdaman ko ang pag-iinit ng aking buong mukha hanggang batok.
"L-Lea!" sita ko na ikinatawa niya lang sa akin.
"Base sa mga sinabi mo ay marami na ang nangyari sa isla pa lang nang magtapat sa 'yo si Thauce tapos ngayon nakatira ka sa bahay niya..." hindi niya itinuloy ang mga sinasabi, papahina pa iyon ng papahina. Nang sundutin ni Lea ang tagliran ko ay napalayo ako.
"Siguradong may nangyari na sa inyong dalawa! grabe, naunahan mo pa akong mawala ang virginity, Zehra!"
"Lea, naman!" sabi ko pero natatawa na siya ngayon.
"Pero, biro lang. Kung masaya ka ngayon at kung tinatrato ka ng maayos ni Mr. Cervelli ay iyon ang mahalaga, Zehra. Isa pa, marami na rin nga ang nagawa niya noon para sa inyo ni Seya lalo at napansin ko rin na iba na rin siya tumingin sa 'yo. Kaso sabi mo nga ang mahal na mahal ay si Lianna."
Iyon rin naman ang itinanim ko sa isip ko, kaya rin nang ipagtapat ni Thauce sa akin ang pagmamahal niya ay nagulat ako. Hindi makapaniwala pero lahat naman rin ginawa niya para mapatunayan na nagsasabi siya ng totoo.
"Mahal ako ni Thauce. Ramdam na ramdam ko iyon, Lea."
Wala akong pagdududa sa mga ipinapakita niya sa akin. Kahit pa alam ko na nagkakausap pa rin sila ni Lianna madalas ay hindi na ako nagseselos tulad ng dati sa isla. Natanggap kong kaibigan niya pa rin ito at normal lamang iyon.
Siguro ganoon kapag naroon na talaga sa taong mahal mo ang buong tiwala mo?
"Hay! nakakatuwa naman, Zehra. Akalain mong hindi rin pala makakaligtas sa 'yo ang isang Mr. Cervelli. Ganda mo, friend!"
Natawa na lang ako sa huling hirit ni Lea bago siya tumayo at inayos ang mga dala kong pagkain. Naghanda na rin siya ng tanghalian nang sabihin ko na hindi pa ako kumakain. At marami naman kaming napag-usapan na dalawa. Binuksan rin niya ang mga regalo na dala ko at sinabi ko na si Thauce rin ang nagsabi sa akin na bilhan ko sila ng pamilya niya.
"Nahawaan mo na ng kabaitan si Mr. Cervelli, Zehra."
Ngumuso ako sa kaniya habang tinutulungan siyang magtupi ng mga damit na regalo Para sa nanay at tatay niya at para rin sa kaniya.
"Mabait naman si Thauce, hindi lang halata, Lea."
At ganoon na lang ang pag-iling niya na parang napakalaking kasinungalingan ng sinabi ko.
"Ay, hindi! nakakatakot kaya! naalala ko nung nag-usap kami sa gusto niyang ipagawa sa akin pakiramdam ko pigil ko ang paghinga ko sa buong pag-uusap. Para rin kung tumingin ay tinataningan ang buhay mo. Bilib nga ako sa 'yo non, nakakayanan mo na makipag-usap ng matagal doon."
Ganoon ba? parang hindi naman.
BINABASA MO ANG
Three Month Agreement (SELF-PUBLISHED)
RomanceDalawa ang mahalaga sa buhay ni Zehra. Ang kapatid niya at pera. Simula pagkabata ay namulat sya sa hirap ng buhay. Kinailangang kumayod para makakain. Masipag siya, matiyaga at lahat ay papasukin niya para lamang sa minamahal na kapatid. Kaya't na...