"Medyo natagalan ka."
Ngumiti ako ng tipid kay Lianna pagkaupo ko.
"May nangyari lang."
Nakakaramdam pa rin ako ng inis dahil sa naganap sa comfort room pero kahit papaano naman ay masasabi kong hindi na ako nagpaapi kay Rita.
Hindi niya talaga ako tinitigilan, pero sa mga binitawan kong salita, sa nakita kong takot sa mukha niya, mukhang alam na ni Rita ang mangyayari sakaling ulitin niya pa na maliitin at insultuhin ako sa harapan ng ibang tao.
Zehra Clarabelle Cervelli.
Marunong akong umunawa ng sitwasyon, kaya kong palagpasin ang mga ginagawang hindi mabuti sa akin pero hindi sa lahat ng pagkakataon.
"Nangyari? Ano 'yon? Palabas na nga rin sana ako para sundan ka, eh."
"Pasensiya ka na, Lianna. Nagugutom ka na ba?" nasa harapan na rin kasi namin ang mga pagkain. Nauna siguro ng ilang minuto bago ako dumating.
"No. But, I was worried about you."
Napabuga ako ng hangin. "Si Rita kasi, naroon rin sa cr kanina. Nagkaroon lang kami ng... kaunting kumprontahan."
Namilog ang mga mata niya at nagulat ako nang nakakuyom ang kamay niyang pinatama iyon sa lamesa.
"What?! So that btch is here? Tell me what she said? Or what she did to you?"
Napangiwi ako. Napatingin rin sa mga kalapit na table namin. Hindi naman marami ang mga tao dito sa restaurant at yung iba kanina ay nakaalis na.
"K-Kumalma ka, Lianna. Wala, okay na. Hindi ko naman hinayaan na basta na lang niya akong apihin tulad ng dati. At, binanggit ko rin sa kaniya ang tungkol sa ginawa niyang pagkausap sa stepmother ni Thauce. Pero kanina, may dalawa siyang babae na kasama at narinig ko na naman ang pang-iinsulto niya kaya hindi na rin ako nakatiis at ipinagtanggol ko ang sarili ko."
"Kit was so mad at Rita after the vacation, Zehra. I think that's the reason why she hates you so much. Yung galit niya sa 'yo nadagdagan pero that's her fault too! She's crazy. Tell me next time kapag lumapit pa siya sa 'yo, ha?"
Naku, ito talagang si Lianna. Hindi na siya pwedeng makipag-away tulad ng dati saka... kanina nang naipagtanggol ko ang sarili ko, ang gaan sa pakiramdam.
Napangiti ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niyang nakakuyom sa ibabaw ng lamesa.
"Huwag ka nang mainis, maapektuhan niyan ang baby mo. Saka, kaya ko na si Rita. Tingin ko ay may epekto na ako sa kaniya ngayon."
Tumaas naman ang mga kilay ni Lianna na parang na-curious sa mga sinabi ko.
"Binanggit ko lang naman sa kaniya ang buong pangalan ko. Sabi ko huwag niyang kalilimutan, at dahil ata sa apelyido ni Thauce kaya nakaramdam siya ng takot."
At sa mga sinabi ko ay natawa naman bigla si Lianna. Napagdikit rin niya ang mga palad niya.
"Rita is really afraid of Arzen, that btch really thought that you are just nothing. That's better na you introduced yourself as a Cervelli. Takot talaga si Rita, lalo na ngayon, todo ang pagmamakaawa ng ama niya kay Arzen because their business is falling. Nangyari 'yon pagkatapos ng mga naganap sa bakasyon."
"Talagang binalikan ni Arzen si Rita para ipagtanggol ka in a way she would lose everything, and Kit who actually was a victim, kahit siya hindi pinalagpas ng asawa mo."
Binasa ko ang mga labi ko sa mga narinig kay Lianna. Kaya nga kung minsan, ako na ang pumipigil sa mga desisyon ni Thauce kapag sa tingin ko ay sumosobra na.
BINABASA MO ANG
Three Month Agreement (SELF-PUBLISHED)
RomanceDalawa ang mahalaga sa buhay ni Zehra. Ang kapatid niya at pera. Simula pagkabata ay namulat sya sa hirap ng buhay. Kinailangang kumayod para makakain. Masipag siya, matiyaga at lahat ay papasukin niya para lamang sa minamahal na kapatid. Kaya't na...