Chapter 50

9.4K 171 10
                                    


Pero iba ang nakikita ko sa kaniya sa mga naririnig kong sinasabi niya. Mukhang mapuputol na ang pasensiya niya anumang oras at nilalabanan lang niya iyon. Ikinukubli sa dahilan na magtitiis siya para sa akin.

"After confessing, I never thought it would be this hard. Kung iisipin ay mas tamang sa kaniya ka, hindi ba? dahil sa lahat ng mga sinabi at ginawa ko sa iyo, mas kapili-pili siya."

Parang may kumurot sa puso ko nang marinig ko ang mga iyon kay Thauce. Ang lahat ng alaala simula noong limang taon na pagkikita namin. Ang galit sa mukha niya, ang mga matatalim na salita na natanggap ko, ang insulto sa pera. Lahat nang luha nang magsimula ang kasunduan.

At kahit na ganoon, siya pa rin ang pinili ko. Siya ang mahal ko.

"Pero... hindi ako nagrereklamo. Hindi naman ako magrereklamo."

Umangat ang mga kamay ko at hahawak na sana sa kaniyang mga braso nang mapatigil sa muli niyang pagsasalita.

"I am sorry. Am I making things hard for you, Zehra Clarabelle? Masyado ba akong demanding na manliligaw?"

Napakurap-kurap ako sa kaniyang harapan. Para akong kiniliti sa sikmura nang marinig ang kaniyang mga sinabi.

"Uhh, hindi... naman."

Kagat-kagat ko ang aking pang-ibabang labi. Sinusupil ang ngiti kahit pa nakakakawala na iyon sa akin. Alam kong magiging mapang-akin si Thauce dahil na rin sa nakita kong ugali niya, pero hindi ko alam na ganito kasobra.

"Pero kasi... parang hindi naman ganito ang isang manliligaw..." sagot ko sa kaniya.

Kumunot ang noo ni Thauce sa akin. Parang hindi naunawaan ang maigsing linya na sinabi ko sa kaniya.

"Huh?" rinig ko na may halong kaba.

Mabilis ang naging paghawak ni Thauce sa mga kamay ko. Dumaan rin ang pag-aalala sa kaniyang mga mata habang nakatingin sa akin.

"W-Wait. What? Hindi? What do you mean? Mali ang ginagawa ko? Then, how?"

Talagang wala siyang ideya kung paano pero hindi naman iyon mahalaga. Parehas naman kami ng nararamdaman. Nakakatuwa lang na sinusubukan niya.

"Kung manliligaw pa lang ay hindi mo dapat pagbawalan ang iba na lumapit sa akin. Ang may karapatan lang ay iyong kasintahan na--"

"Then, can you answer me now?"

Pinagmasdan ko si Thauce pagkatanong non sa akin. Napanganga ako at ilang sandali ay napatawa. Nahimigan ko ang kagustuhan kaagad ng sagot.

"What?" Takang-taka pa siya na nakatingin sa akin!

"Did I say something wrong?"

Hindi ba at ang sabi lang niya nitong nakaraang ilang araw ay hindi niya ako minamadali. Ang sabi pa ay bibigyan niya ako ng oras para makapag-isip, pero ngayon ay ito at hinihingi na kung ano ang sagot ko! kakaiba!

"Thauce, kinain mo rin ang mga sinabi mo noong magtapat ka..." natatawa kong sabi sa kaniya.

Tumikom ang bibig niya pagkatapos ay lumabas ang kaniyang dila at binasa naman ang mga iyon. Pumikit rin siya na parang nahihirapan.

"Okay-okay... I will be honest right now. I can't do that. I can't wait, Zehra. I really can't. This is hard. So hard that I can't even sleep peacefully at night knowing that you are in the same room with Errol. I also wanted everyone to know that you are not his woman when our friends are teasing the both of you."

"I want to make him stay away. I don't want him being so close, I don't want him holding you. Or even talking to you. I don't want you smiling at him. I want him out."

Three Month Agreement (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon