Chapter 105

5.1K 99 5
                                    


Ang bilis ng pagtibok ng puso ko dahil sa kaba habang nakatingin kay Lianna. Alam ko na mabait siya at malawak ang pang-unawa niya pero hindi pa rin maalis sa akin na mag-isip sa magiging reaksyon niya.

"What is it between you and Arzen? at bakit involve rin si Seya?" mahinahon na tanong niya. Umayos siya ng upo paharap sa akin at ako naman ay napayuko sandali.

"Wala akong trabaho kay Thauce na... n-na kahit ano katulad ng alam mo. Hindi rin niya ako tinulungan dahil naawa siya sa amin tulad ninyo ni Errol..." parang bawat salita na sinasabi ko ay nahihirapan akong bitawan dahil sa pangamba.

"Zehra, I don't understand..." ngumiti siya sa akin ng tipid at napailing, hinawakan rin niya ang mga kamay ko at alam ko na ramdam niya ang panlalamig ng mga 'yon.

"Na-nagkaroon kami ng kasunduan ni Thauce. Tatlong buwan ang... a-ang pinirmahan ko sa kaniya kapalit ang lima h-hanggang sampung million."

Nakita ko na natigilan si Lianna, napalunok siya at bahagya lumuwag ang hawak niya sa mga kamay ko. Nag-iinit ang sulok ng aking mga mata pero hindi ako maaaring umiyak sa harapan niya. Magmumukha akong nagpapaawa para makuha ang patawad niya kung sakaling magalit siya at iba ang maging tingin sa akin.

"Sampung million at p-pagpapagamot kay Seya. K-Kaya rin nailipat agad si Seya ng hospital, lahat ng 'yon ay si Thauce ang nag-ayos. Pati ang mga p-pera na ipinanggastos ko sa araw-araw namin na pangangailangan, mula sa gamot, s-sa pambili ng pagkain. Lahat-lahat ay galing kay Thauce dahil sa kasunduan namin. At ang kapalit non..."

"What is it, Zehra?" diretsong tanong niya sa akin. Nanikip ang dibdib ko nang makita ang pagbabago ng reaksyon sa kaniyang mukha. Nakatingin na siya sa akin ngayon ng blangko.

"Kailangan kong lumapit kay Errol, k-kailangan mahulog ito sa akin at mahalin ako para makuha ka ni Thauce... nalaman k-kasi ni Thauce na interesado na sa akin si Errol kaya ang ginawa niya ay inutusan niya ako para mapalapit pa rito para makuha ka niya."

"W-What?" hindi makapaniwalang tanong niya, nasa kaniyang mga mata rin ang gulat. Ang hirap pero kailangan kong sabihin sa kaniya lahat.

"Pero na-naguilty ako, nakita ko yung kabaitan ni Errol sa akin, yung malasakit ninyong dalawa na nung mga panahong nag-aagaw buhay si Seya hindi ninyo ako iniwan."

Mas lumapit ako sa kaniya, hindi ko na napigilan ang mga luha ko at sunod-sunod na 'yon na tumulo lalo nang ilayo ni Lianna ang tingin sa akin. Binitawan rin niya ang kamay ko na kanina lang ay hawak niya ng mahigpit.

"Nang sabihin ko k-kay Thauce na hindi ko na itutuloy ang kasunduan namin, na pagtatrabahuhan ko na lang ang mga nagastos niya kay Seya a-ay nagalit siya ng sobra, sinabi niya na kung hindi ko na kaya ay iba na ang gawin kong trabaho sa kaniya. Doon i-inofferan niya ako ng ibang gagawin na... na hindi ko naman kaya--"

"At anong trabaho 'yan?" ang bilis ng lingon niya sa akin pagkatanong non. Hindi ako kaagad nakasagot dahil pakiramdam ko ay hindi ko na dapat pang sabihin pero ang tigas ng tingin sa akin ni Lianna.

"Zehra, tell me," at kahit ang tingin niya ay hindi nagpapatalo.

"S-S'x slave..."

Napasinghap siya at natutop niya ang bibig niya. Kita ko ang unti-unting pag-ahon ng galit sa mga mata ni Lianna.

"Arzen said that?! he... oh gosh!"

"P-Pero nadala lang siya ng galit niya non, Lianna! n-naramdaman ko naman! nagalit siya dahil may pirmadong kasunduan na kami at yun nga ay ang mapalapit ako kay Errol, umatras ako kaya naiintindihan ko--"

"No!" sigaw niya at napatayo siya. Natakot ako dahil ngayon ko lang siya nakita na ganito kagalit. Ni hindi ako makalapit nang lumayo siya at tumalikod. Naglakad papunta sa may kama niya.

Three Month Agreement (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon