Chapter 109

4.6K 73 1
                                    


Alam kong sa tingin ay ramdam ni Thauce ang takot sa akin. Mahigpit niya na hinawakan ang mga kamay ko. Nararamdaman ko ang pagbaon ng bawat daliri niya sa aking tagiliran kung saan siya nakayakap.

"Do you believe in me, Zehra?"

At dapat mabilis akong tumango, mabilis akong sumagot na oo, naniniwala ako sa kaniya pero hindi. Napapikit ng mariin si Thauce at umangat ang isa niyang kamay at inilapat sa aking pisngi. Doon ko na lang rin napagtanto na lumuluha na pala ako sa kaniyang harapan.

"They cannot force me to do something I don't want to do, Zehra Clarabelle. Ako ang masusunod sa buhay ko. And do you think that company is the only thing I have? they can get it, I am not afraid to lose the company--"

"S-Sa ama mo 'yon, Thauce."

Pagkasabi ko non sa kaniya ay nakita ko ang pagtatagis ng kaniyang bagang. Sumeryoso rin ang tingin niya sa akin na parang hindi niya nagustuhan ang mga sinabi ko.

"I don't like what I am thinking right now and tell me na hindi ako tama, Zehra. Are you going to leave me just because you want me to save my company? 'yon ang nakikita ko sa paraan ng pagkakasabi mo."

Hindi ako nakakibo. Napayuko ako at mas tumulo ang mga luha na namuo sa aking mga mata. Wala rin lakas ang mga kamay ko na dumulas sa pagkakakapit sa kaniya. H-Hindi ko siya gustong iwan... pero hindi ko rin g-gustong mawala sa kaniya ang kumpanya.

"Do you want me to marry Lianna?"

At nang marinig ko ang tanong na 'yon ay ang bilis ng pagtingin ko sa kaniya. Napaawang ang mga labi ko. Nasa mga mata ni Thauce ang galit, nagtatagis ang bagang niya at ang lalim ng bawat paghinga. Nang lumayo siya sa akin ng bahagya ay napahikbi ako.

"Just for the damn company, Zehra? Here I am telling you that I can afford to lose that fckng company because I am choosing you and still... 'yon pa rin ang iniisip mo? what? you heard from me, narinig mo nang kailangan kong pakasalan si Lianna and then you will say that it was my father's company? like you wanted me to... fck."

Napailing ako. Nanginginig ang aking mga kamay nang abutin siya.

"H-Hindi ganon, Thauce..."

"Then, what?" malumanay na tanong niya sa akin. Naroon ang pagod, ang kaguluhan at nahimigan ko rin ang sakit.

"What? Tell me..."

Nang magtagpo ang mga mata namin ay nakita ko ang paghihirap doon. Mas nadagdagan ang kirot sa dibdib ko. Alam ko na ngang namomroblema siya sa kumpanya pero ito at pinahihirapan ko pa siya. Binibigyan na niya ako ng kasiguraduhan sa mga salita niya, eh. A-At naiintindihan ko kung bakit siya nagagalit.

"M-Mahalaga ang kumpanya, p-pero ayoko rin na magkahiwalay tayo, Thauce. Hindi ko naman 'yon gusto... m-mahal na mahal kita–" pinatigil ako ng mabilis na halik niya sa aking mga labi.

"And I love you, too. I love you so much, Zehra Clarabelle..."

"Can you just believe in me? Wala akong kahit na sinong pakakasalan na utos ng ama ni Lianna o ng step-mother ko. Ako ang masusunod sa buhay ko. And if I the company falls from my hands, then so be it. I did my best, my father knows I am doing my best."

Nang lumapat ang palad niya sa pisngi ko ay mas hinila ako ni Thauce sa kaniya. Ang bigat ng paghinga ko, at ramdam ko na ganoon rin siya. Pareho kami ngayon na nakakaramdam ng takot na mawala ang isa't-isa.

"Huwag mo akong iiwan... I can lose everything. All this wealth, I can start again but I cannot lose you."

"Please baby, huwag mo naman akong takutin sa mga salita mo na parang iiwan mo ako."

Humigpit na rin ang kapit ko sa kaniyang braso lalo nang ipwesto niya ako sa kandungan niya. Otomatiko akong napayakap at naibaon ko ang mukha ko sa kaniyang leeg.

"A-Ayokong pakasalan mo si Lianna..." pagkasabi ko non ay naramdaman ko naman ang paghagod niya sa likod ko pati ang halik niya sa gilid ng aking ulo.

"I know, baby, I know. I am sorry, I got mad. Aayusin ko ang kumpanya, at kung hindi na magagawaan ng paraan, I don't care if Diana will get it. I still have a lot of things in my hand. Hindi lang ang kumpanya ng Dad ang mayroon ako."

Alam ko naman

"Sorry... s-sorry, Thauce..."

"Don't scare me like that again."

Tumango ako habang nakayakap sa kaniya.

Pagkatapos ng naging pag-uusap namin na 'yon ni Thauce at sa pagtatapat niya ng tungkol sa gustong kasal ng ama ni Lianna ay kinabukasan nakatanggap ako dito. Mukhang inisip rin ng inisip ni Lianna ang tungkol sa biglaang pagbabago ng mood ko kahapon.

"I am so sorry, Zehra. Naiipit kayo ni Arzen... pasensya ka na rin kung hindi ko sinabi agad sa 'yo dahil nga para sa akin ay mas tamang kay Arzen mo 'yon marinig. And I think, he didn't want to tell you dahil mag-aalala ka. Baka sasabihin niya sa 'yo kapag ayos na."

Sinabi ko na rin sa kaniya na alam ko na ang tungkol sa kasal na nais ng kaniyang ama. Narito pa rin ang kaba sa akin lalo pa at wala pang pinal na pag-uusap tungkol doon.

"Ayos lang. Nag-usap naman na kami ni Thauce. Baka nga, kilala ko rin naman siya na ayaw niya akong nag-iintindi. Nabigla lang rin ako sa... n-nalaman ko."

Muli siiyang humingi ng tawad kahit alam kong hindi naman dapat. Hindi naman niya rin ginusto. Ito lang rin ang hirap sa kanilang mayayaman, minsan, wala silang laya na piliin ang kung sino ang makakasama nila.

"Sinabi ko na kay Dad, alam niya at ng Tita Diana na may karelasyon si Arzen, but I got no answer from Dad. Pero huwag kang mag-alala, Zehra. No wedding that will going to happen between us. Magulo lang ang... a-ang sitwasyon ngayon but let us handle this, okay?"

"Maraming salamat, Lianna."

Nakatulong naman ang pag-uusap namin na 'yon ni Lianna para kumalma ako at hindi na mag-isip. Muling bumalik sa dati ang mga nangyayari at mas naging abala si Thauce sa trabaho niya. Ginagabi na rin siya ng uwi at nauunawaan ko 'yon dahil nga mayroon siyang inaayos sa kumpanya.

At habang nasa bahay niya ako ay ako sinisiguro ko naman na sa tuwing uuwi ay siya ay nakahanda na ang lahat. Ang pagkain, ang mga damit niya pamalit at ganoon rin sa umaga. Hindi naman nakakalimutan ni Thauce araw-araw na iparamdam sa akin na ako pa rin ang pinili niya.

Kahit na abala rin siya ay pag nasa trabaho, tumatawag naman at nagmemensahe. Pati kapag naroon si Lianna. Talagang pinapanatag niya ang loob ko at pinapakita sa akin lalo na pagkatiwalaan ko lang siya.

Three Month Agreement (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon