Chapter 61

8.2K 142 0
                                    


"Good morning, baby. I know you will wake up late. Just take all the 'rest' that you need. Alam kong pagod na pagod ka dahil sa nangyari kagabi."

Iyon ang mensahe ni Thauce na nabasa ko sampung minuto na ang nakalipas. Maaga niyang ipinadala 'yon, 7:10 am at ngayon ay 10:20 am na. Mayroon pang isa at sinabi niya doon na nasa dagat siya kasama sila Wayne. Kakasend niya lang pagkagising ko.

"Wala ka pa talagang balak bumangon diyan, ha? Zehra?"

Napangiti ako bigla. Kahit nang magising ako ay nanatili pa rin ako sa kama. Hindi ko nga alam kung ilang oras nang nakadilat ang mga mata ko at nakatingin lang sa kisame ng silid pagkabasa ko ng message ni Thauce. Ang paghinga ko rin ay hindi normal habang ang mga naganap kagabi sa pagitan namin ay tuloy-tuloy kong naaalala na parang daloy ng tubig sa ilog na walang tigil sa pag-agos.

Aahh, Zehra... gustong-gusto mo rin kasi.

Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi ng mariin, sariwa pa rin sa isipan ko na parang katatapos lang ng ginawa namin.

Kahit kailan ay hindi naman sumagi sa isipan ko na maaaring mangyari 'yon, kahit nga halik na siya mismo ang magkukusa. Pero simula nang maging kami... ang dami kong natutunan, ang dami pa lang alam ni Thauce.

Kung ano-anong klase ng mga halik at haplos ang ipinaparamdam niya sa akin. Kakaibang klase. Pati ang init ng kaniyang katawan ay parang naging pamilyar na sa akin dahil sa tuwing magkikita kami ay halos wala nang hangin ang dumaraan sa pagitan namin.

At pagkatapos nga ng naganap sa amin sa maliit na kweba na 'yon na ang totoo ay hindi ko alam na mayroon pala malapit dito, hindi pumayag si Thauce na hindi niya ako maihahatid sa harap mismo ng silid ko at ni Errol.

Kahit nang ipilit ko na huwag na sa takot na may makakita nga sa amin ay hindi talaga siya pumayag. Hindi niya rin ako binitiwan at ang kamay niya ay nanatili lang sa baywang ko hanggang sa harap na mismo ng pinto.

"I am not rushing things but I want you to know that I am also an impatient man, Zehra Clarabelle. Kung hindi rin dahil sa gusto mong ilihim natin ang relasyon dito ay sasabihin ko sa kanila agad na sa akin ka. Lalo na kay Kit at Errol na palagi na lang nakalapit sa 'yo."

Natakpan ko ang aking mukha ng mga palad ko nang makaramdam ako ng init. Napabiling rin ako sa aking kaliwa habang bumibilis na naman ang pagtibok ng puso ko. Alam ko, anumang oras sa mga araw na susunod maaari nang maputol ang pasensiya ni Thauce at handa naman na ako sa kung ano ang maaaring mangyari kung malaman ng mga kaibigan niya ang tungkol sa amin.

"Haharapin ko ng may tapang at--"

"Zehra."

Napatigil ako sa pagsasalita at napabangon nang bigla kong marinig ang may kalakasan na pagtawag na iyon sa labas, sa tapat ng pinto mismo.

"Are you awake?" Nabosesan ko agad si Errol.

Mabilis akong bumaba ng kama, hindi na ako nag-abala pa na ayusin ang sarili ko at binuksan ang pinto na naka-lock.

May susi siya, silid rin naman niya ito kaya bakit hindi pa siya pumasok?

"Good morning," bati niya pagkabukas ko.

"Magandang umaga rin," sagot ko naman. Nilakihan ko pa ang awang ng pinto dahil akala ko ay papasok siya pero ngumiti lang ng tipid sa akin si Errol, para bang sinasabi niya na ayos lang.

"Nakatulog ka ba sa room nila Kit?" dagdag tanong ko pa pero umiling naman siya. 'yon kasi ang sinabi niya sa akin na sa silid muna nila Kit siya matutulog. Okay naman na si Errol, may mga oras na hindi kami nagpapansinan at may mga oras naman na katulad ng dati 'yong turing niya sa akin.

Three Month Agreement (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon