Ibinaba ni Errol ang mga pagkain sa lamesa. Mas nagiging mahirap para sa akin ang nais na ipagawa ni Thauce dahil sa ipinapakitang kabutihan ni Errol. Pero wala na akong magagawa pa dahil nakapirma na ako sa kontrata, narito na sa ospital si Seya at ilang araw na lang ay ooperahan na.
"Hindi ka na sana nag-abala pa, Errol," sabi ko at naupo ako sa tapat niya. Nakangiti lamang siya habang isa-isang iniaalis ang mga pagkain sa loob ng paper bag.
"You know that this is the only thing that I can do for you and for Seya. Hindi mo kasi tinanggap ang tulong na nais kong ibigay sa 'yo... sa ganitong paraan manlang ay maiparamdam ko sa inyong magkapatid na nandito ako at maaari ninyong masandalan."
Napalunok ako sa kaniyang sinabi. Mahirap na desisyon ang ginawa kong pagtanggap sa alok ni Thauce sa akin. Katulad ng sinabi niya kanina bago siya mag-iwan ng isang daang libo ay hindi niya iyon ibinigay sa akin para tulong lamang.
Para iyon sa ipinapagawa niya.
Iyon ang pagkakaiba nilang dalawa.
"Errol..."
Hindi biro ang gagastusin sa pagpapagamot kay Seya at hindi ko kayang magpakawala ng ganoon kalaking pera si Errol lalo na at alam kong hindi na niya iyon papabayaran sa akin. Nakikita ko sa kaniyang mga mata ang kagustuhan na tumulong at sobra ang pagpapasalamat ko.
Mabuti siyang tao, ramdam ko ang kagustuhan niyang tulungan kami ni Seya, pero tama na ang mga nagawa niya sa amin, hindi na kailangan pang gumastos siya ng ganoon kalaking halaga.
Hindi ko kayang tanggapin.
"Naiisip ko nga Zehra kung may relasyon kayo ni Thauce..."
"E-Errol... w-wala," mabilis kong sinabi sa kaniya.
"Do you like him?"
Sunod-sunod ang pag-iling na ginawa ko sa tanong niya. Maaaring isipin ng kahit na sino iyon kaya hindi na ako nagtaka. Tinanggap ko ang tulong ni Thauce gayong wala naman itong koneksyon sa akin o kay Seya. Sinabi ni Lianna na dahil iyon sa kabutihan ni Thauce pero alam ko na hindi iyon maaaring idahilan kay Errol.
Kilala niya ang kaniyang pinsan. Mukhang alam rin niya na hindi ito basta-basta nagbibigay ng tulong.
"H-Hindi, wala akong gusto sa kaniya. Katulad ng sinabi ni Thauce ay magta-trabaho ako para sa kaniya, Errol. Ang pera na magagastos para sa pagpapagamot kay Seya ay pagtatrabahuhan ko hanggang sa makabayad ako."
Ngumiti siya at kinuha ang kutsara at tinidor. Iniabot niya iyon sa akin.
"I don't like... the idea of you working for my cousin, Zehra. Kilala ko si Thauce."
"Hindi ko alam pero iba ang pakiramdam ko nang sabihin niya na magtatrabaho ka para sa kaniya. Please, tell me, Zehra..."
Kilala nga niya ang kaniyang pinsan. Pero hindi ko maaaring sabihin sa kaniya ang kapalit ng ginagawa ni Thauce dahil siya mismo ang dahilan.
"Dahil naman iyon sa pera na pangpagamot ni Seya, Errol. Pagtatrabahuhan ko ang pamamalagi ni Seya dito. Hindi libre. Walang..." napahinto ako dahil sa tingin niya sa akin, "walang ibang dahilan. N-Nag-alok ng trabaho si Thauce para sa pagpapagamot ni Seya, d-doon pa lang sa bar nagkausap na kami," pagsisinungaling ko.
"K-Kaya't kaagad kong tinanggap ang alok niya at pumayag."
"Iyon rin naman ang gusto kong gawin, Errol. Ang magtrabaho para maipagamot si Seya at tuluyang gumaling ito pero alam ko na hindi ko kikitain ang ganoong halaga sa isang buwan. Kailangan na kailangan na ni Seya maipagamot kaya tinanggap ko ang trabahong alok ni Thauce."
"Paghihirapan ko na maibalik ang pera sa pagtatrabaho ko para sa kaniya."
Tumango siya sa akin.
"Tell me, Zehra, kaya ba hindi mo tinanggap ang tulong na iniaalok ko ay alam mo na hindi ko na iyon pababayaran sa 'yo? na wala akong balak?" tanong niya.
BINABASA MO ANG
Three Month Agreement (SELF-PUBLISHED)
RomanceDalawa ang mahalaga sa buhay ni Zehra. Ang kapatid niya at pera. Simula pagkabata ay namulat sya sa hirap ng buhay. Kinailangang kumayod para makakain. Masipag siya, matiyaga at lahat ay papasukin niya para lamang sa minamahal na kapatid. Kaya't na...