Sa mga sinabi ko kay Thauce ay mas nasaktan pa ako ng sobra. Parang nais ko pang bawiin ang mga salita ko na huwag na huwag na siyang lalapit sa akin.
Ang tanga mo rin, Zehra.
Harap-harapan ka nang sinasaktan pero iyang pagmamahal mo pa rin ang iniisip mo.
Napapikit ako ng mariin. Kinakalma ko pa rin ang aking sarili habang naglalakad papasok sa loob ng rest house. Mabuti na lang at wala akong nakakasalubong mukhang wala na talagang mga narito kung hindi kami na lang.
"A-Are you... scared of me?"
Parang ibang tao siya kanina, parang biglang nagbago. Huminga ako ng malalim at nakagat ko ang loob ng aking pisngi nang muling mapahikbi. Naiinis na ako dahil walang tigil sa pagtulo ang aking mga luha.
"Z-Zehra... kaya mo, kayanin mo. Hindi si Thauce ang para sa 'yo."
Mahirap man pero kailangan ko na ituloy ang lahat para sa kalayaan ko at para na rin matapos na ang lahat ng ito. Ngunit ang sakit. Hindi ko matanggap. Kahit hanggang ngayon na nakalayo na ako kay Thauce at nakapasok na ako sa loob ay pakiramdam ko na hawak-hawak pa rin ako ng mga kamay niya. Pakiramdam ko ay nakapaloob pa rin ako sa mga bisig niya at hinahalikan niya ng marahas.
"Gumi...sing ka, Z-Zehra. A-Ang tanga-tanga mo..."
Iyon mga kamay niya na kahit hindi maging mahigpit ang kapit ay masasaktan at masasaktan pa rin ako dahil sa mga alaala ng hindi magandang tagpo sa pagitan namin.
Tumingala ako at napatigil ako sa paglalakad nang malapit na ako sa hagdan paakyat sa mga silid. Huminga ako ng malalim, ilang beses.
"Zehra? are you okay?"
Pinalis kong kaagad ang mga luha na walang tigil sa pagtulo nang marinig ang boses ni Lianna. Siya pa ang nakakita sa ganitong kalagayan ko.
"Ahm, L-Lianna..."
Bumaba siya at lumapit sa akin. Sinusuri ang aking itsura.
"Hey, are you okay?"
Hinawakan niya ako sa aking mga siko, salubong ang kaniyang mga kilay habang nakatingin sa akin.
"O-oo, ayos lang. Aalis ka na ba? susunod ka na sa kanila?"
Tumingin siya sa likod ko, hindi ako nakakilos kaagad sa takot na baka si Thauce iyon. Hindi rin ako lumilingon.
"Ahm, Lianna, akyat lang ako sa kwarto. Magbibihis lang ako tapos sunod na lang ako, ha?" nagmamadali ang aking pagsasalita at naglakad na paakyat sa hagdan.
Kung si Thauce ang nasa likod ko ay mas lalong nais ko nang makarating sa aking silid.
Ayoko siyang makita ngayon, kahit sa malayo ay ayoko pa rin.
Habang naglalakad ako ay naramdaman ko naman na nakasunod lang sa akin si Lianna, nang nasa tapat na ako ng pinto ng silid namin ni Errol ay pipihitin ko na sana iyon nang hawakan ni Lianna ang aking kamay. Napatingin ako sa kaniya, nakangiti siya sa akin, ang kislap ng kaniyang mga mata ay nagpapakita ng pag-aalala. Parang sinasabi niya na kung may problema ako ay narito lang siya.
Mas masakit lalo sa totoo lang. Napakabuti ng babaeng minamahal ni Thauce. Wala akong nakita o naramdaman na pekeng pakikitungo sa akin ni Lianna. Sobrang... s-sobrang bait niya.
"Errol went out. Do you want someone to talk to? I'm free, Zehra. Hindi ba at noon ko pa sinabi sa iyo? kung may problema ay narito lang--"
Hindi ko na siya pinatapos sa kaniyang pagsasalita. Kaagad ko siyang niyakap ng mahigpit at muli ay inilabas ko ang lahat ng sakit na nararamdaman ko sa aking dibdib.
BINABASA MO ANG
Three Month Agreement (SELF-PUBLISHED)
RomanceDalawa ang mahalaga sa buhay ni Zehra. Ang kapatid niya at pera. Simula pagkabata ay namulat sya sa hirap ng buhay. Kinailangang kumayod para makakain. Masipag siya, matiyaga at lahat ay papasukin niya para lamang sa minamahal na kapatid. Kaya't na...