Chapter 43

8.4K 150 2
                                    


Nakababa na kaming lahat ng bangka. Nailibot ko ang aking mga mata sa paligid. Kaganda nga sa lugar na ito at malinis. Mukhang alaga tapos walang ibang nakakarating dito dahil nga private island.

Nagsimula na kaming i-tour ng kasama namin. Panay ang tingin ko sa buong lugar. Sayang nga at wala dito si Th–

Zehra!

Mariin akong napapikit.

"Saan ba pwede mag-snorkeling dito, kuya?" rinig kong tanong ni Wayne sa tour guide.

"Zehra, come! tingnan mo ang ganda dito! ang linaw ng tubig! mababaw lang!" yaya sa akin ni Lianna. Nakalahad ang isang kamay niya kaya kinuha ko iyon.

"A-Ang lamig ng tubig dito..." sabi ko nang mailublob ko na ang aking mga paa. Napangiti ako, sobrang linaw nga ng tubig!

"Let's swim!" sambit ni Lianna at nilingon ako pero ang pagtangka niyang paglangoy ay napatigil.

"Ay, wait! remove your shorts muna! dapat kasi hindi ka na nagmaong shorts! We are all wearing swimsuits naman na!"

Napahawak ako sa tali ng suot kong swimsuit. Kulay blue itong suot ko at medyo matingkad lang ang kay Lianna pero same style lang ang amin.

Hindi kaya matanggal itong tali? mahigpit naman ang pagkakabuhol ko, eh.

"S-Sandali..."

Hindi naman kasi ako sanay na magsuot ng ganito talaga. Nakakahiya lalo at iba ang mga kasama namin.

"Lianna is right, Zehra. There's nothing to be ashamed," si Errol na tinapik ang aking braso at tumalon sa may tubig. Narinig ko pa ang kaniyang sigaw kung gaano kalamig iyon.

Hmm, sige na nga. Kami-kami lang rin naman ang narito.

"Errol, stop! Stop throwing water on me!" sigaw ni Lianna.

"Weak!"

Nakakatuwa naman at nagkakasiya silang dalawa.

"We are live! hello guys!" napalingon ako sa isang kaibigan nila Lianna nang marinig ang sinabi nito. May hawak itong cellphone at parang ipinapakita ang paligid.

Teka, live?

"A friend invited me on this private island in Palawan and the place was so great!"

Kaaalis ko lang ng short ko nang biglang tumingin sa akin si Tristan. Naalala ko naman iyong pangalan niya.

"Hey, Zehra!" sigaw niya sa akin at itinapat sa akin ang cellphone niya. Nanlaki ng bahagya ang mga mata ko at iniiling ko ang aking ulo. Naka-live siya! nakakahiya!

"Oh, our new friend is here..."

Nang makalapit si Tristan sa akin ay nabigla ako nang akbayan ako nito ng walang pasabi. Iniharap niya sa amin ang camera at nakita ko ang sarili ko sa screen.

H-Hala, ang dami niya pang viewers. Sikat ba siya? nasa 8k ang viewers at tumataas pa!

"N-Nakakahiya, Tristan..."

"Tristan, stop it! hindi sanay si Zehra sa social media!" sigaw ni Errol.

"Why? I will just introduce her. Hey, everyone this pretty sexy woman right here..." lumayo sa akin iyong Tristan at itinapat muli ang cellphone. Nailang ako dahil pinapalakad rin niya ang tingin sa aking kabuuan.

"She is Zehra... say hi to her, say hi also, Zehra!"

Napangiwi ako. Itong kaibigan nila na ito ay iba ang trip.

Binalingan ko si Lianna at nang tumango siya sa akin at nag-thumbs up ay itinaas ko ang aking kamay.

"H-Hi..."

Three Month Agreement (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon