"Diana will not agree to this, Thauce."
Napabaling kami pareho nang marinig ang mga sinabi na 'yon ni Errol. Hindi ko naman na nakita sa mga mata niya ang pagpupumilit sa gusto. Napailing rin siya at humalukipkip. Sa tingin niya na ngayon ay parang wala lang iyong muntikan na nilang pagtatalo kanina ni Thauce.
"And do you think I care--"
"She would succeed in taking your company if you stay here longer. Doon rin ay wala kang pakialam? sa oras na malaman niya ang tungkol kay Zehra mas manggagalaiti si Diana, your stepmother is an evil incarnate."
Ikinalunok ko 'yon. Natandaan ko ang pag-uusap ni Thauce at Dok Ariq sa telepono bago kami pumunta dito sa Isla. Na may ipinagkasundo nga ang step-mother niya na babae na pakakasalanan niya. Paano... paano kung ganoon nga ang mangyari?
"I don't care about her or the company, Errol. And get your ass out of this, tell your father also to stop doing shits behind my back. Once I get back and see all of them, there will be hell to pay for ruining my image in my own company."
Sa mga narinig ko ay napahawak ng mahigpit ang kamay ko sa braso ni Thauce. K-Kaya ba abala rin siya? at kaya umuwi si Dok Ariq ay dahil nagkakaproblema na sa kumpanya? kung ganoon ano pa ang ginagawa niya dito? kailangan na rin niyang umuwi!
Nang bumaba ang tingin niya sa akin ay hinaplos niya ang pisngi ko na parang sinasabi na huwag akong mag-alala pero huli na. Mayroon rin akong ideya sa kumpanya na 'yon dahil sa mga kwento ni Lianna at mahalaga 'yon kay Thauce.
"Don't worry about what he said--"
"Kaya umuwi si Dok Ariq. Thauce, malala na ang nangyayari, 'di ba? hindi pwedeng mawala sa 'yo ang kumpanya ng Dad mo. I-Iniingatan mo rin 'yon..."
Nagtagis ang bagang niya mukhang hindi niya inaasahan na alam kong umuwi ang kapatid niya.
"Actually, Ariq has been calling him. Pinauuwi na siya pero ayaw niya and his reason? Of course it's because of you, Zehra. Ayaw kang iwan dito ni Thauce because he's afraid I might touch or do something."
"Fckng shut up, Errol. Or do you want me to make you zip you mouth?"
Tinawanan lang yon ni Errol.
Pero Kahit sabihin ni Thauce sa akin na huwag akong mag-alala ay hindi niya maiaalis sa akin 'yon. Lalo pa at narinig ko sa kaniya mismo na nasisira ang imahe niya sa sarili niyang kumpanya--na maaari iyon mawala sa kaniya. At may ganito na pa lang nangyayari pero parang baliwala lang kay Thauce. Dahil sa tingin ko sa kaniya ay ayos siya. W-Wala rin naman siyang sinasabi sa akin.
Lumingon ako kay Errol, nang humakbang ako palapit ay hinawakan ni Thauce ang kamay ko pero hindi ako tumigil.
"K-Kailan pa tinatawagan ni Doc Ariq si Thauce?"
"Zehra Clarabelle," tawag niya sa akin, nasa boses niya na ang pagpapatigil pero hindi ko pinansin, ang mga mata ko ay nakay Errol lang. Bumuntong hininga naman ang huli at sumandal sa pader habang nakahalukipkip pa rin.
"Last week. But the problem in the company happened before we went here."
Ano?
Mabilis akong lumingon, hindi makapaniwala. Mas pinili niyang tumuloy sa kabila ng problemang kinahaharap ng kumpanya niya. Alam rin ba ito ni Lianna?
"Errol, don't test my patience. You've been telling my woman a lot of information and that's enough. Zehra shouldn't know about this, about Diana or what the fck is happening in my company."
Sumagot ako kaagad dahil hindi ko nagustuhan ang sinabi niya.
"At ba-bakit hindi?" napaawang ng bahagya ang mga labi niya sa akin ngunit walang lumabas na salita doon.
BINABASA MO ANG
Three Month Agreement (SELF-PUBLISHED)
RomanceDalawa ang mahalaga sa buhay ni Zehra. Ang kapatid niya at pera. Simula pagkabata ay namulat sya sa hirap ng buhay. Kinailangang kumayod para makakain. Masipag siya, matiyaga at lahat ay papasukin niya para lamang sa minamahal na kapatid. Kaya't na...