Chapter 128

5.4K 80 2
                                    


Halu-halong emosyon. Iyon ang naramdaman ko sa nakaraang linggo pagkatapos kong malaman kay Thauce na buntis ako. Ako mismo na may katawan ay hindi 'yon naramdaman. Pero doon ko rin napagtanto na ang lahat ng nangyayari sa akin, lahat ng kilos at galaw ko ay inoobserbahan niya.

At ngayon nga na kumpirmado na namin na dalawang linggo na akong buntis ay mas naging doble pa ang ipinapakita at pinaparamdam niyang pag-iingat sa akin. Ngayon ko lang rin naunawaan ang dahilan ng pagbabago ng mga desisyon niya sa aming dalawa. Ang pag-aaral ko na magsisimula sa susunod na taon at home schooling na. Alam na niya pala non na maaaring buntis ako. Ang hindi niya pagpayag na lumabas ako basta-basta, ang pagsa-suggest niya na kumuha na kami ng kasambahay na tinanggihan ko.

Hinintay niya rin talaga na ako ang makaalam na buntis na ako at sa pakiramdam ko, hindi na rin siya non nakatiis kaya niya nasabi.

Nang makaramdam ako ng pag-ikot ng sikmura ay bumangon ako ng dahan-dahan at bumaba sa kama. Tulog pa si Thauce dahil alas kwatro pa lang ng madaling araw. Wala siyang pasok ngayon kahit friday dahil nag-leave siya. Ang sabi niya ay lalabas daw kaming dalawa. Natuwa nga ako, simula kasi nang makabalik kami mula sa bakasyon ay naging abala na rin siya sa kumpanya lalo nang makulong si Ma'am Diana.

"Anak, ang aga mo naman manggising," nakangiti kong sabi nang makapasok sa loob ng banyo. Mahigpit akong kumapit sa sink nang mas maramdaman ko ang pag-ikot ng sikmura ko.

"Hmm..." hinimas ko ang aking tiyan, napangiti ako dahil kung ang nakaraang linggo ay hindi ko pa ramdam ang pagbubuntis ko at wala akong kaide-ideya ay ngayon ito na. Muli akong napayuko, nalaglag ang may kahabaan kong buhok at halos umabot 'yon sa lababo habang nahihirapan ako sa pagduwal.

Ang bigat ng paghinga ko, at nang muli akong mapayuko ay naramdaman ko ang pagpasok ni Thauce sa loob ng banyo. Sumunod non ay ang paghawak niya sa buhok ko. Inipon niya 'yon sa kaniyang kamay para hindi sumayad sa lababo.

"Are you okay, baby?"

Binuksan niya ang gripo at ako naman ay nagmumog. Inabot rin niya ang face towel na nasa cabinet sa loob at pagkatapos ay dahan-dahan akong inihinarap sa kaniya.

"You didn't wake me up. If you feel bad, tell me..." malumanay niyang sabi sa akin. Ngumiti naman ako at umiling.

"Hindi na, kaya ko naman at narito lang rin naman ang banyo sa loob ng silid natin. Saka, alam kong pagod ka, anong oras pa lang," sagot ko habang marahan niyang pinupunasan ang bibig ko.

Inipit ni Thauce ang buhok ko sa likod ng aking magkabilang tainga, pinunasan rin niya ang sintido ko ng face towel na hawak niya.

"You are sweating, how long have you been here?"

"Wala pang limang minuto, nagising ka na nga agad, eh. Halika na, matulog ka na ulit."

Ang aga pa naman ng plano namin na pag-alis ngayong umaga. Alas diyes. Marami kaming pupuntahan na nakalista na sa akin, ako ang pinagdesisyon ni Thauce at dahil nga sabik rin ako na maglibot ay marami akong sinabi sa kaniya na lugar. Gusto kong magpunta sa isang flower farm, gusto kong sumakay kami sa bangka, gusto kong makapunta sa mabundok na lugar. At dahil maganda ang panahon, mahangin ay mukhang magagawa naman namin 'yon lahat ngayon.

Hinila ko na siya palabas ng banyo. Nang makabalik kami sa kama ay naupo siya at ako ay nakatayo sa harapan niya habang nakatingala siya sa akin.

"Are you sure you are okay?" tumango ako agad. Hinimas ko ang ulo niya, pinaglaruan ng mga daliri ko ang kaniyang buhok. Nakatitig lang ako sa gwapong mukha ni Thauce habang nakatingala siya sa akin at parang sinusuri ang ekspresyon sa mukha ko.

Three Month Agreement (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon