Chapter 108

4.6K 91 2
                                    


Hinila ko agad ang kamay ni Thauce at tumungo kami sa silid namin na dalawa. Hindi ko alam na hihintayin niya ako sa harap ng silid ng ganoon! tatlong oras mahigit siyang nakatayo at nakatingin lang sa harapan ng pinto? pero pansin ko ang gulo-gulo niyang buhok, at ang mga mata niya ay puno ng sakit at pag-aalala.

Nang makarating kami sa kwarto ay ipinaupo ko siya agad sa gilid ng kama, tahimik lang siya at nakatingin sa akin. Nang bitawan ko ang kamay niya para sana kumuha ng tubig ay hindi niya 'yon hinayaan.

"Tell me everything that Lianna told you, Zehra."

Ngayon ay nagu-guilty ako dahil wala naman mga maling sinabi si Lianna. Naupo ako sa tabi ni Thauce at tumingin sa kaniya. Mahigpit niyang hawak ang kamay ko ngayon habang hinihintay ako sa pagsasalita.

"A-Ang napag-usapan namin na dalawa ay tungkol sa inyo, nagkwento si Lianna ng mga naganap nong mga bata pa kayo. Ikaw siya at si Errol. Nasabi rin niya sa akin ang... t-tungkol sa 'yo nang mga panahon na minamahal mo siya. Ayos lang naman sa akin Thauce noong una, dahil alam kong magkaibigan kayo at a-alam ko na minamahal mo si Lianna pero... habang tumatagal na nakikinig ako ay hindi na ako nakakaradam ng tuwa..."

Seryoso ang mga mata niya na nakatingin sa akin, napalunok ako at napababa ng tingin. Hindi niya binibitawan ang kamay ko at mag humihigpit pa 'yon.

"Okay naman noong una... h-hanggang sa mapunta na kami sa usapan sa kumpanya at k-kay Seya... sinabi sa akin ni Lianna na na-nagpunta ka sa opisina niya, tinuturuan mo siya dahil 'yon ang gusto ng Daddy niya. Ang dami ko nang naisip non, nakaramdam ako ng selos dahil... h-hindi ko alam..."

Napapikit siya ng mariin, hinila niya pa ako para mas mapalapit sa kaniya at ang isang kamay niya ay nasa baywang ko ngayon.

"You are... jealous."

Tumango ako ng dahan-dahan.

"Lalo na nang magsabi siya tungkol sa pag-aaway ni Doc Ravasco at ni Doc. Ariq. Ilang beses ako nagtanong sa 'yo non kung may problema ba sila... d-dahil pakiramdam ko ay involve si Seya. N-Nakaramdam ako ng pagseselos dahil bakit si Lianna, a-alam? alam ko mababaw, pero hindi kasi mawala sa akin n-na... siya pa rin yung unang minahal mo. Marami nang pumasok sa isipan ko. Pati ang hindi mo pag-sasabi sa akin na p-pumupunta ka sa opisina niya... w-wala kang nabanggit na ganon."

Huwag kang iiyak, Zehra! kastigo ko sa sarili ko dahil nararamdaman ko na ang pag-iinit sulok ng mga mata ko. Ayoko nang umiyak, pero ang bigat pa rin ng pakiramdam ko.

"Hindi ka mababaw..." malumanay na sabi ni Thauce. Itinaas niya ang kamay ko at hinalikan niya ang ibabaw non.

"Naging masyado akong kampante dahil sa nakita kong relasyon ninyo ni Lianna. I saw how she treated you, nakita ko rin kung paano mo siya ituring na para na kayong magkapatid. And you know we're friends... close friends."

Tumango ako. I-Iyon nga...

"Thank you for telling me this, baby. But nothing's going on between us, ikaw ang mahal ko. Kasalanan ko na nakaramdam ka ng ganito dahil pagkakamali ko na hindi sinabi sa 'yo ang pagtuturo ko kay Lianna tungkol sa kumpanya. I was not on her office always, dahil siya ang pumupunta madalas sa opisina ko."

Napayuko akong muli nang marinig ang mga sinabi niya.

"But, don't feel bad because you are being jealous of her. Your feelings are important to me, Zehra. You have the right to feel everything because I am your man and I failed to assure you in this matter..." hinawakan niya ang baba ko at iniangat 'yon upang magkatingin kaming dalawa. Tipid na ngumiti si Thauce, ang mga mata niya at nakatuon lang sa akin.

"Hindi ko pa alam ang mga magiging kilos at desisyon ko na maaari kang masaktan, Zehra, but I want to avoid those. So, please tell me..."

"Hindi lang mawala sa akin na magselos, lalo at alam ko rin kung paano mo ipinaglaban si Lianna. Sorry, Thauce," sagot ko sa kaniya pero umiling siya. Inilapit niya ang mukha sa akin.

"Katulad ng sinabi ko ay ako ang may kasalanan kung bakit ka nagkakaganito, and I... too, is guilty because I thought it is okay."

"Lianna's Dad and my father were bestfriends, Zehra. Hindi ko mahindian ang gusto niya nang sabihin na tuturuan ko ang anak niya dahil siya rin ang tumutulong sa akin sa problema sa kumpanya ko. You know about the problem na maaaring mapunta sa iba ang kumpanya, hindi ba?" tumango ako dahil 'yon nga ang dahilan kung bakit sila umalis non sa isla. Iyon naman rin ang akala ko na dahilan ng pag-uwi ni Doc. Ariq, at kung iisipin malaking problema nga 'yon.

Gusto kong ipaglaban niya dahil para sa kaniya 'yon. At isa pa, alam kong mahalaga rin ang kumpanya.

"I saw how you are hurt now because of my relationship with Lianna... kaya sa tingin ko ay dapat mo rin na malaman kung ano ang mga nangyayari. I don't want to tell you this now pero ayokong maulit na iwasan mo ako ulit ng ganon."

Nagtataka akong tumingin sa kaniya dahil sa mga sinabi niya.

"A-Anong... kailangan kong malaman, Thauce?"

Hinawakan niya ang pisngi ko at hinaplos, mas humigpit ang hawak niya sa kamay ko habang nakatingin sa akin. Nahuli ko ang pagdaan ng pangamba sa kaniyang mga mata pero nanatili lang siyang nakatingin sa akin.

"Lianna's father wanted me to marry her in order to save my company."

Pagkarinig ko non ay napaawang ang mga labi ko. Ang bilis ng pagtibok ng puso ko ay ramdam ko. Ngayon ako naman ang mahigpit na nakahawak kay Thauce na lumipat pa ang mga kamay ko sa kaniyang braso. Pakiramdam ko, sandali akong nabingi sa mga binitawan niyang mga salita.

"But, I declined. Hindi ako makapapayag na makasal sa iba, Zehra. Katulad ng sinabi ko dati, hindi rin ako natatakot na mawala ang kumpanya ko."

"You are the one important to me."

"Walang kahit na ano ang mahalaga sa akin kung hindi ikaw lang."

Three Month Agreement (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon