Nasa gilid ako at nakatingin lamang sa kapatid ni Thauce na chinecheck ngayon si Seya. May kasama na itong dalawang nurse ngayon sa loob. Nakikinig lang ako sa usapan nila at hindi ko masundan kapag may mga binabanggit silang mga salita tungkol sa medisina.
Nasa sampung minuto na silang narito sa silid. Isa sa mga napansin ko kay Dr. Ariq ay iba ang aura niya kumpara kay Thauce. Palangiti ang doktor na nasa aking harapan. Mabiro rin ito at malambing ang boses.
Si Thauce rin kaya noon? paano niya kaya kinakausap noon ang mga pasyente niya? Ganito rin kaya? Ngumingiti siya?
Ay! ano ka ba, Zehra! pati ba naman iyon ay gusto mong malaman? Pati boses ay gusto mo marinig?!
"Arzen requested for a private nurse?" tanong nito sa dalawang kasama.
"Yes po, Doc."
Hindi ko inasahan nang lingunin ako ni Dr. Ariq. Ngumiti siya sa akin at tumango-tango. Nanghaba rin ang nguso niya.
"My stubborn brother," ang sabi nito habang umiiling.
Alam niya na si Thauce ang nag-opera. Nakaramdam ako tuloy ng kaba. Ang sabi ni Lianna ay magagalit daw ang ina nila dahil sa ginawa ni Thauce.
"Okay, mauna na kayo sa susunod na pasyente, kakausapin ko lang sandali si Zehra."
Lumabas na ang dalawang nurse na kasama ni Dr. Ariq. Akala ko ay si Thauce ang pupunta ngayon para matingnan ang kalagayan ni Seya dahil siya ang nag-opera dito. Pero malabo na ngang mangyari iyon.
Lumapit sa aking pwesto si Dr. Ariq at itinuro niya ang dulong bahagi ng silid na medyo malayo kay Seya.
"Wala naman negative reaction kaming nakita, pero under monitoring pa rin si Seya at dito muna siya ng ilang linggo para masigurado ang paggaling niya. Arzen also wanted to make sure that Seya is free from cancer. May mga notes siyang isinulat kung ano ang mga susunod na hakbang. He studied Seya's condition well, that fckng genius," sabi nito na napapailing pa.
"For a short period of time he was able to learn what to do to save your sister. Nakakapanghinayang lang talaga na tumigil na siya sa propesyon na ito."
Napakapit ako sa dulo ng aking damit. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Biglang pumasok sa aking isipan ang itsura ni Thauce habang nakasuot ng gown ng doctor.
Makikita ko rin kaya siya ng nakasuot ng pang-doktor?
Parang hindi...
"I am being talkative, Zehra. Ako talaga ang doktor ni Seya, ako ang magoopera pero nagkaroon ng conflict. Pero masaya ako na si Arzen ang gumawa non. Hindi ko ito inaasahan," ngumiti ito.
"Sayang, pagkakataon ko na sana rin para makita siyang mag-opera ulit pero hindi ko naisip na mangyayari ito at siya ang magoopera kay Seya. The people who was with him when the operation happened was lucky. I envy them. They saw how great my brother is. He's a monster in the operating room. At kung siya talaga ang nasa loob ay wala kang dapat na ipangamba sa kapamilya mo. He will definitely do everything to save a life. He's called the miracle doctor for a reason."
Nasalubong ko ang tingin ni Dr. Ariq. Nakita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata.
"Arzen was able to enter the operating room again because of Seya. Alam ko na totoo ang malasakit niya sa kapatid mo, Zehra. Kung hindi ay hindi niya pag-aaralan ang kondisyon nito. He will not invest his time studying her disease. He will not put himself in danger. Kilala ko si Arzen."
Totoo ang malasakit? H-hindi ba dahil sa kasunduan namin dalawa? Dahil sa pagmamahal niya kay Lianna?
Iyon ang dahilan na naiisip ko kung bakit ganito na lang ang mga ginagawa ni Thauce para sa amin.
BINABASA MO ANG
Three Month Agreement (SELF-PUBLISHED)
RomanceDalawa ang mahalaga sa buhay ni Zehra. Ang kapatid niya at pera. Simula pagkabata ay namulat sya sa hirap ng buhay. Kinailangang kumayod para makakain. Masipag siya, matiyaga at lahat ay papasukin niya para lamang sa minamahal na kapatid. Kaya't na...