Chapter 3

12K 210 2
                                    




Madalas nang pumunta si Thauce sa Bar. Palagi ko itong nakikita na nakatingin sa àkin. Hindi pa rin ako nito tinitigilan tungkol kay Errol.

"Ate, nandito naman si Ate Lea, pasok ka na sa trabaho mo, baka mahuli ka," sabi ni Seya sa akin.Tumingin ako sa orasan. Tumayo ako at hinalikan siya sa noo. Malaki ang ibinagsak ng katawan ni Seya.

Gabi-gabi ay tahimik akong umiiyak at nananalangin dahil sa malaking pagbabago sa katawan niya. Nasasaktan ako ng sobra, kung maaari ko lang akuin ang sakit niya ay ginawa ko na.

"Oo nga, Zehra, mahalaga ang trabaho mo, 'di ba? saka mabait ang amo mo," sabi ni Lea sa akin. Tumango ako at ngumiti sa kaniya.

"Salamat, Lea, ha? salamat sa pagbabantay kay Seya, makakabawi rin kami sa kabutihan mo at ng pamilya inyo nila Letty," sabi ko.

Ngumiti siya sa akin, "Huwag mo nang isipin ang bawi-bawi na 'yan. Pamilya na tayo dito, Zehra, hindi ka man namin matulungan financially, sa ganitong paraan manlang ay maipakita namin ang pagmamahal sa inyo ni Seya."

Niyakap ko sya at muling nagpasalamat. Nagpaalam akong muli sa kapatid ko at tinungo na ang bar. Maaga pa naman, hindi ako mahuhuli. Matapos ng dalawampung minuto na byahe ay narating ko na rin ang Jio's Bar. Dalawang buwan ko na ngayon. Mababait ang mga ka-trabaho lalo na ang boss namin.

"Zehra! naka-book ang bar ngayon hanggang bukas, may party ang mga kaibigan ni Sir Jio. May dumating silang kaibigan galing ng Canada," sabi ni Alice sa akin.

Nasa locker room kami at nagsusuot ako ng uniform.

"Oo, kaya hindi tayo masyadong mapapagod ngayon saka baka maaga rin silang umuwi agad," sagot ni Alice.

Kung ganoon ay mabuti pala. Maaga rin akong makakauwi kay Seya. May magbabantay sa kaniya. Nahihiya na rin kasi ako kina Lea, talagang hinihintay nila na makauwi ako ng trabaho bago iwan si Seya. Napakabait nila sa amin.

Nakatayo na kami sa gilid ng counter. Patingin-tingin ako sa pinto. Ang sabi ay alas otso ang dating ng mga kaibigan ni Sir Jio.

"Puro lalake kaya? alam mo, Zehra, guwapo lahat ang kaibigan ni Sir Jio! type ko nga iyong isa, eh," sabi ni Alice.

Ngumiti lang ako bilang sagot. Bigla ay naalala ko si Errol. Gwapo na mabait pa.

"Ay, ayan na sila!"

Bumalik ang tingin ko sa pinto. Una kong nakita ay si Errol. Napangiti ako nang magtama ang mga mata namin. Kumaway siya at naglakad palapit sa akin. Nang batiin niya ako ay nahagip ng mga mata ko ang nasa likuran niya. Isang magandang babae... at nasa gilid nito si Thauce.

"Zehra! how are you? long time no see!" sabi sa akin ni Errol. Nagulat ako nang humalik siya sa aking pisngi.

"A-Ayos lang, Errol-- Sir Errol. Kayo po?" tanong ko.

Dito sa trabaho, sir dapat ang itawag ko sa kaniya.

"Drop the sir, Zehra. You don't need to call me sir. Anyway, kumain ka na ba?"

Bakit... bakit niya ako tinatanong kung kumain na ako?

Napatingin ako sa dalawang tao sa likod niya na pinakikinggan ang sinasabi niya sa akin. Napansin ko ang tingin sa akin ng babae. Nakangiti ito. Napakaganda niya. Mahaba ang buhok at kulot ang dulo. Matangkad rin siya pero mas mataas ako ng kaunti.

"Oo, k-kumain na ako," sagot ko.

Sumunod na pumasok ay tatlong kalalakehan. Mga kaibigan ni Sir Jio. Nakita ko rin ang boss namin na si Sir Jio.

"Sige, Zehra, see you later. After our party, let's drink coffee sa dreamland. My treat," sabi ni Errol.

Nakita ko na naman ang mapanghusgang mga mata ni Thauce na nakatingin sa akin.

Three Month Agreement (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon