Chapter 100

5.4K 78 3
                                    


Kung iisipin nga, iba ang paraan ng pakikipag-usap ni Thauce kahit sa mga kaibigan niya, kahit nga kay Lianna. Nakita ko rin ang kaibahan sa tuwing kakausapin niya ako simula nang magkarelasyon na kami. At nauunawaan ko na iba talaga siya sa akin sa reaksyon ni Tristan non at sa gulat rin sa mukha ni Doc. Ariq nang makita kung gaano ka-clingy sa akin ang kapatid niya.

"Don't tell me hindi ka natakot noong una kay Mr. Cervelli? oo, gwapo siya talaga, makalaglag panty pero, Zehra, iba talaga yung aura niya! yung parang mga mafia-mafia sa mga binabasa ko na novel. 'One word and I'll kill you' ganon ang sinasabi ng mga mata niya."

"Ay, hindi naman, Lea. Pero oo, inaamin ko noong una may takot rin ako kay Thauce. Totoo naman 'yon, masungit kasi siya at suplado."

Pero hindi 'yon naging naging hadlang para hindi mahulog ang loob ko sa kaniya.

"Naku, siguro sa 'yo!"

Napainom akong bigla tuloy sa juice. Naisip ko, kung tutuusin sa mga ginawa ni Thauce sa pang-iipit sa sitwasyon namin ni Seya, sa paghalik niya ng marahas sa akin noon sa opisina niya at sinabi pang maging s'x slave na lang niya ako ay dapat kamuhian ko na siya ng sobra.

Naku, ang nangyari ay mas nahulog lang ako.

"Kaso hindi rin kita masisisi, Zehra. Gwapo talaga, eh. Mayaman pa. Umiigting ang panga kapag naiinis. Pero friend, iba siya sa relasyon ninyo? seryoso ba? I mean, siya ba yung tipo ng boyfriend na mapapatahimik ka na lang pag nagsalita at mapapasunod ka?"

Hindi ako sumagot agad, inisip ko ang mga nakaraang araw, linggo, yung mga oras na kasama ko si Thauce.

"Hindi naman..." sagot ko dahil parang baliktad. Sa tuwing seryoso na ako ay si Thauce na ang nananahimik. Naroon na rin yung kaba sa mukha niya at takot.

"Kapag may sinasabi ako, sinusunod naman niya. Seloso nga lang ng sobra. Kahit iyong si Adriano pinagseselosan, parang lahat ng lalake na napapalapit sa akin kaya nga minsan naiinis na ako at--" napatigil naman ako bigla sa pagsasalita nang haplusin ako ni Lea.

"Saint Zehra Clarabelle, bigyan mo rin ako ng isang Mr. Cervelli."

Napatawa ako sa tinuran niya.

"Loka ka talaga, Lea. Huwag mo nga gawin biro 'yan," naiiling na sabi ko.

"Eh kasi naman, ikaw na ang pinagpala. Grabe. Pero sana nga Zehra for lifetime na kayo. Nakakatuwa naman. Akalain mo na yung nakakatakot na si Mr. Cervelli mahuhulog sa 'yo. Iba ka talaga. Sabagay, iyang mukha na iyan, iyang bait at responsableng ate, iyong tulad mo na walang kaarte-arte ay talagang bibiyayaan ng gwapo at mayaman na bebe."

Hindi rin naman naging madali yung pinagdaanan ko sa relasyon namin ni Thauce nung una. At katulad ng reaksyon nilang lahat, malabo sa isipan ko na maging kami noon pa lang.

Una dahil may minamahal siya. Si Lianna.

Pangalawa ang estado sa buhay. Walang-wala ako at napakayaman niya.

"Ikaw ba ay wala pa rin kasing kasintahan? walang nanliligaw?" pag-iiba ko na ng usapan dahil sa akin na nakapokus ang kwentuhan. Iyon rin naman kasi na tungkol sa relasyon ko kay Thauce ang pinakagusto ko sabihin bukod sa pangungumusta at wala naman nang iba.

"Hmm... mayroon na akong boyfriend."

Aba! natuwa naman akong bigla sa sinagot niya.

"Talaga ba?" tumango naman si Lea sa akin. Kunwaring may inipit pa siyang buhok sa gilid ng tainga at pangisi-ngisi.

"Gwapo rin, matangkad, matipuno saka hmm... yummy..."

Ay kita mo, parang sa tunog niya pa kanina ay kung makakomento siya akala mo single. Hindi naman pala.

Three Month Agreement (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon