"Hey."
"Zehra."
Napalingon ako sa tumawag sa akin. Nakilala ko ang mukha ng lalakeng lumapit. Isa ito sa mga kaibigan ni Errol at ni Thauce. Sa bar ko ito nakita noon. Hindi ko lang maalala kung ano ang pangalan. Mukhang hindi naman nabanggit?
"Ngayon na lang ulit kita nakita. I asked Errol about you, hindi ka na pala nagwo-work sa bar niya?"
Nagsimula akong maglakad at sumabay naman siya. Nauna na ang iba na makapasok sa rest house nila Lianna. Ako ay may binalikan lang dito sa sasakyan ni Thauce. Hindi ko pala kasi namalayan na nalaglag ang cellphone ko sa aking bulsa.
"Lumipat ka na ng trabaho?"
Nang hindi ako sumagot sa tanong ng lalake ay napakamot siya sa kaniyang batok.
"Sorry, I forgot to introduce myself. Kit, Kit Driones pala. Nasa kabilang sasakyan ako kasama sina Errol. Kaibigan rin nila ako."
Alam ko naman na kaibigan siya, ang sinabi ni Lianna ang mga makakasama lamang nain dito ay ang mga kaibigan nila.
Huminto ako sa paglalakad ang hinarap si Kit Driones.
"Zehra," sagot ko.
"I know your name. It's beautiful, by the way."
Tipid lang akong ngumiti sa kaniyang sinabi. Nagpasalamat.
"Oh, and I just want to apologize, natakot ba kita sa biglaang paglapit at pakikipag-usap ko?"
"Ah, hindi naman."
Kaunti lang. Nagulat nang tawagin niya ako kanina. Hindi ko rin inaasahan na may mga kaibigan si Thauce na kakausapin ako dito. Lalo pa at... lalake.
"I didn't expect that you would be here also. Sino ang nag-invite sa iyo? I am sure it is Lianna."
Tanong niya ay sagot rin niya. Nang bumuka ang aking bibig para magsalita ay napatingin ang aking kasama sa aming kaliwa. Napalingon rin ako at nakita ko si Thauce na nakahalukipkip at ang mga mata ay nasa akin.
"What took you so long?" iyon ang kaniyang tanong nang makalapit.
Nais kong umirap sa kaniya ngunit hindi ko magawa dahil nga may iba kaming kasama. Lumapit ako kay Thauce at iniabot ko sa kaniya ang susi na hawak ko.
"Mabagal ang naging lakad ko kaya--"
"And what's with you, Kit? bumalik ka sa sasakyan para saan?" baling niya sa kaibigan.
"You were talking with your girl."
"Bro, Sarah is not my girl."
Ano na naman ba ang problema niya? Napailing ako at lalagpas na sana kay Thauce nang bigla niya akong pigilan sa aking braso. Nakita ko na bumaba doon ang mga mata ng kasama namin kaya't kaagad ko rin na binawi.
"Tutuloy na ako sa bahay, pasensiya na kung natagalan ako," sagot ko na lang. Hindi ko nagugustuhan ang tingin ng kaibigan niya sa aming dalawa. Baka kung ano pa ang isipin nito.
"Hey! what are you still doing here, guys? tara na sa loob!"
Isang kaibigan pa nila ang dumating. Medyo malayo sa amin ngunit ring naman ang sigaw. Buti naman dahil mukhang nakuha na ang atensyon non ni Thauce. Nilingon niya ang kaibigan at pagkatapos ay binalikan ng tingin si Kit.
"What's the problem, bro? ngayon lang kita nakita na ganiyan," sabi nito at iiling-iling na nilagpasan si Thauce. Ngunit, hindi pa nakakalayo nang muling lumingon sa amin.
"See you later, Zehra."
Hindi ako sumagot. Pagkaalis ni Kit ay napabuntong hininga ako nang harapin ang masungit na lalake sa harapan ko. Alam ko ang nasa isip niya. Mabuti nang unahan ko kaysa kung saan-saan pa makarating iyon.
BINABASA MO ANG
Three Month Agreement (SELF-PUBLISHED)
RomanceDalawa ang mahalaga sa buhay ni Zehra. Ang kapatid niya at pera. Simula pagkabata ay namulat sya sa hirap ng buhay. Kinailangang kumayod para makakain. Masipag siya, matiyaga at lahat ay papasukin niya para lamang sa minamahal na kapatid. Kaya't na...