Chapter 60

8.5K 121 1
                                    


Wala na akong kahit anong saplot. Pagkaalis ni Thauce ng pang-ibaba kong kasuotan ay ipinatong niya ang kaniyang noo sa aking balikat, ang higpit ng kapit ko sa mga braso niya nang manatili ang kaniyang ulo na nakasandal doon. Mukhang wala pap siyang balak na maligo talaga dahil hinapit pa nga akong palapit.

"Lumilipas ang oras, Thauce, hindi pa ba tayo maliligo?" tanong ko.

Hindi naman siya sumagot. Hmm lang ang narinig ko sa kaniya. Okay sige, kung sa ganitong pwesto muna siya masaya ay ayos lang.

Hindi rin nanatili ang mga kamay ko sa kaniyang braso. Umangat ang isa paakyat sa kaniyang batok at nang marating ko ang kaniyang buhok ay hinagod iyon ng aking mga daliri. Nabasa ko ang mga labi ko nang maramdaman kung gaano kalambot at dulas ang hibla non. Makapal ang buhok ni Thauce at itim na itim pa. Sa ginawa ko ay tumagilid ang kaniyang ulo at naramdaman ko ang dahan-dahan na paglapat ng mga labi niya sa aking leeg. Inaamoy-amoy rin niya ang parte na iyon. Nakakakiliti, tumataas ang aking balahibo sa tuwing dahan-dahan na dumadampi sa aking balat.

"I like your scent, I really do. It's sweet... so sweet like strawberry."

Napanguso ako. Anong scent kaya ang tinutukoy niya gayong hindi ako mahilig magpabango?

"Wala akong nilalagay na pabango, Thauce. Hindi ko naman ginamit yung mga binigay mo sa akin. Nandoon pa rin sa bahay. Wala akong dinala rito," sagot ko sa kaniya. At nang marinig ko na napatawa siya ng mahina ay nalingon kong tuloy ang mukha niya. Umangat na iyon mula sa aking leeg at idinikit niya ang noo sa akin. Ito na naman ang hirap niyang tingnan kapag ganito.

"I know, baby. I know," sagot niya at ang isang kamay na nasa aking baywang ay inilapat niya ngayon sa aking pisngi. Marahan na kumikilos at humahaplos.

"It was your natural scent and it never left my being since that night you went to my house and we had that... hmm..." malawak siyang napangiti pagkatapos ng paghimig niya na iyon. Talagang ibinitin ang susunod na sasabihin.

"Since we had that steamy kiss on my couch."

"Do you remember that, Zehra Clarabelle?"

Nakagat ko ang aking mga labi. Paano ko naman makakalimutan ay unang halik ko iyon sa buong buhay ko? Gabi iyon nang pumunta ako sa bahay niya para sana kausapin siya na hindi ko na itutuloy ang kasunduan pero hindi ko alam na lasing na lasing pala siya non! at ang akala ay ako pa si Lianna. First kiss ko, eh.

Unang halik na hindi normal ang pakiramdam na idinulot sa akin pagkatapos.

"Natatandaan ko, ang kulit mo non, saka ang hirap kumawala sa iyo kaya hindi ako nakaiwas. Kung makayakap ay parang tuko."

Narinig ko na naman ang pagtawa niya, sa pagkakataon na ito ay buo iyon at nang mapalakas ay nanlalaki ang mga mata ko at agad na tinakpan ng aking mga kamay ang kaniyang bibig.

"T-Thauce! baka may makarinig! ang lakas!" suway ko. Umaalog pa rin ang kaniyang mga balikat, ang mga mata niya ay nakangiti rin sa akin at natuwa talaga siya sa sinabi ko. Nang bumuntong hininga ako at kinurot siya sa tagliran ay nawala ang saya at napalitan ng sakit ang mukha niya.

Mabilis na hinimas ng kaniyang palad ang nasaktan na tagliran pagkalayo ng kaunti sa akin.

"Wag kang maingay!" sita ko.

Simula nang magtapat siya sa akin ay napakarami kong nalamang kapilyuhan na kaya niyang gawin. Akala mo kung sinong hindi man of few words siya noon at sobrang nakakatakot pero may kaharutan rin pala siyang itinatago. Makulit at mapaglarong ugali.

"Should I tell that to you, too?" ngisi niya. Tumaas naman ng sabay ang mga kilay ko nang hindi ko nakuha ang sinasabi niya.

"Ano?"

Three Month Agreement (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon