"Sa gitna raw tayo manananghalian, Lianna. Doon sa malaking kubo. Tutulong ako maghanda kila Tristan. Ikaw? dito ka ba muna?" tanong ko.
Katatapos ko lang magtali ng buhok. Mahangin kasi. Siya naman ay simula makapasok kami dito nahiga na sa kama, nakatulog pagkatapos niyang sabihin na inaantok raw siya. Kaya naman yung mga gamit niya ay ako na ang naglagay sa cabinet.
"Hmm... anong oras na ba?" garalgal pa ang boses na tanong niya. Tumingin ako sa orasan sa loob ng kubo.
"Alas diyes."
Mag-iihaw sila ng mga bagong huli na isda at ibang mga seafood. May baon rin kaming cooler at naroon ang mga manok na minarinate pala nila Wayne kagabi. Pinlano nila ito talaga at wala rin naman kaming alam. Nang lumabas ako sandali kanina para kuhanan ng larawan ang paligid ay binati ako ni Wayne at sinabi niya na puro kami na lang daw ni Liannna ang nag-aasikaso kaya sila na ang nagplano sa last day ng bakasyon.
Iyon rin siguro ang dahilan kung bakit sila umalis kagabi, at hindi totoo na uminom kagaya ng sinabi ni Kit.
"Ang bilis naman ng oras..." parang hinang-hina na sabi niya. Pinagmasdan ko si Lianna hanggang maglakad siya papunta sa cr. Namumutla naman siya ngayon.
"Okay ka lang ba?"
Kanina napakasigla niya pa.
"I am okay. Mukhang ngayon ko naramdaman yung hilo sa bangka kanina. Magalaw kasi masyado."
Parang hindi naman?
"Oh, gosh. Wait lang, Zehra," sabi ni Lianna at dali-dali siyang pumasok sa loob ng banyo. Pero nang tatalikod na ako at itutupi yung kumot na ginamit niya ay narinig ko ang pagduduwal niya sa loob ng banyo.
Napabalik ako ng tingin. Nagtagal ang mga mata ko sa pinto ng banyo at bigla kong naalala iyong mga araw na nakita kong nagsuka rin si Lianna. Ang ilang beses na paghahanap niya rin ng pagkain at ang pagiging magana.
"Kailan ko pa ba 'to napansin?"
"Haaa. I am so sorry, Zehra. Hindi talaga ako okay kapag malikot masyado ang bangka and hindi ko naman nararanasan ko yung effect agad non."
"G-Ganoon ba, candy gusto mo? mayroon ako sa bag," tumalikod ako, hinanap ko ang bag ko pero dala ko sa isipan ko ang mga pagbabago na napansin ko kay Lianna. Pati ang ilang beses na bigla siyang dumuduwal.
"It's okay, Zehra! I am okay now, lalabas na muna ako para makakuha ng tubig, wala pala tayo diitong dala."
"Ako na... dito ka na lang," sagot ko agad. Nang matitigan ko ulit siya ay mas napansin ko ang pagkaputla niya.
"Saka kung inaantok ka pa, matulog ka na lang ulit. Kung hindi rin maganda ang pakiramdam mo ay magsabi ka agad, ha? pwede na bumalik na tayo ng resthouse. Andiyan lang naman rin yung driver ng bangka at hindi aalis."
Umiling agad siya sa mga sinabi ko.
"Ay, no! I am okay. Ayoko naman masira ang huling araw ng bakasyon natin dahil lang nagloloko ang tiyan ko. Don't worry, dahil lang to sa byahe natin. Medyo malayo rin kasi."
Iyon nga ba talaga ang dahilan? o may mas mabigat pa?
Ngumiti ako ng tipid kay Lianna, naupo na siya sa gilid ng kama at kinuha ang cellphone niya. Pinagmamasdan ko siya habang nagtitipa.
"Wala ka bang... ibang nararamdaman?"
Umangat ang tingin niya sa akin. Inosente ang mukha na parang nag-isip siya at nang wala ay umiling naman.
"Wala naman. Okay naman ako. Don't worry about me, Zehra! it's just because of the ride, ito oh, wala na nga. I am fine now!"
Pero ang putla pa rin niya.
BINABASA MO ANG
Three Month Agreement (SELF-PUBLISHED)
RomanceDalawa ang mahalaga sa buhay ni Zehra. Ang kapatid niya at pera. Simula pagkabata ay namulat sya sa hirap ng buhay. Kinailangang kumayod para makakain. Masipag siya, matiyaga at lahat ay papasukin niya para lamang sa minamahal na kapatid. Kaya't na...