Chapter 58

8.3K 115 4
                                    


Mas naging makulit si Thauce nang mga nakaraang araw pagkatapos na muntik na kaming mahuli na dalawa sa pool. Ang loko rin pala niya. Akala ko noon ay iyong pagiging seryoso at nakakatakot lang ang ugali niya pero hindi pala. Bago sa aking mga mata at pakiramdam ang lahat ng ipinapakita niya ngayon.

Ngayon na may relasyon na kaming dalawa.

"Ate, kanina pa po kita kinakausap hindi ka na sumasagot. May problema ka ba? may sakit ka?"

Napatikhim ako nang marinig sa kabilang linya ang boses ni Seya. Narito ako sa silid ko at alas diyes na ng umaga. Kausap ko siya ngayon, ilang minuto pa lang ang nakalipas.

"Sorry, sorry, Seya. Ano nga ulit iyong sinasabi mo? saan iyong pinuntahan ninyo ni Dr. Ariq?"

Nawawala ako masyado sa focus kapag naaalala ang mga huling kaganapan sa pagitan namin ni Thauce. Paano ba naman na hindi? mas sanay ako sa pagsusungit niya, hindi sa malambing, mapaghanap at palaging nakahalik na si Thauce. Mabuti nga at hindi kami nahuhuli.

Iyon pa ang isang ikinakakaba ko lalo at ang tingin nila ay may namamagitan sa amin ni Errol. Kahit na nagkaroon ng lamig sa pagitan namin ay hindi iyon pansin ng mga kaibigan nila, akala ay may espesyal talaga kaming pagtingin sa isa't-isa. Bagay na ikinaiirita ni Thauce. Hindi ko alam kung hanggang saan pa aabot ang pasensiya niya lalo at tingin ko... tingin ko ay may ideya na si Errol sa relasyon namin ni Thauce.

"Ate, pupuntahan pa lang po. Hindi pa napupuntahan. Naku, si ate. Masyado ba maganda ang lugar na iyan at parang nawawala ka na sa sarili? o may hindi ka sinasabi sa akin na nagpapawala sa focus mo?"

Nasundan ng mahabang ayie ang mga sinabi na iyon ni Seya. Pumasok agad sa isipan ko ang mukha ni Thauce, sandali rin tumaas ang balahibo sa aking mga braso nang maalala ang mainit na tagpo sa pagitan namin. Zehra, masyado kang nadadala.

Mabuti na lang talaga at sa tawag lang kami magkausap dahil kung sa video call ay baka mas tinukso niya ako.

"W-Wala naman."

"Ang obvious mo, ate! pero sige, hindi kita pipilitin ikwento iyan nasa isip mo. For now, mag-relax at enjoy ka muna riyan, ha? nagsend si Ate Lianna ng pictures mo at nakita ko na masaya ka diyan, ate. Iyon rin ang dahilan kung bakit hindi ako madalas na tumawag. Deserve mo rin ate magpahinga, magsaya. Sa dami ng pinagdaanan mo na hirap sa akin sa mga nakaraang buwan."

Nakaramdam ako ng kirot sa aking puso. Sa mga alaala sa pagitan namin ni Thauce nitong mga nakaraang araw, bigla iyon napalitan ng mga naganap na pagsubok sa amin ng kapatid ko. Ang paghihirap, ang pagkawala ko sa sarili at ang pagkapit sa patalim para lamang mailigtas si siya. Para lamang muling mabuhay at makasama ko pa.

"Seya, maaari naman akong mag-enjoy kahit madalas kang tumawag. Saka, alam mo na mas pipiliin ko marinig ang boses mo at malaman ang mga nagaganap sa iyo riyan. Ang layo-layo mo kaya..."

At miss na miss ko na siya. Ang tagal niyang hindi makakauwi, kapag nga binibilang ko ang araw ay para bang mas humahaba ang panahon na hindi kami magkikita. Napabuga ako ng hangin, mukhang naramdaman ni Seya ang lungkot sa aking ginawa dahil tinawag niya ang pangalan ko.

"Ate Zehra..."

Mahirap mawalay sa kaniya, eh. Pero alam ko na mas ito ang makabubuti, mas masisigurado na tuluyan siyang gagaling at makakawala sa nakamamatay na sakit na iyon.

"Magtatrabaho ako ng magtatrabaho, sigurado sa paraan na iyon ay hindi ko mamamalayan ang mga taon na hindi kita kasama dito."

At ayan na nga, hindi pa ako nakakapagpaliwanag ay umangal na siya.

Three Month Agreement (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon