Chapter 38

9.3K 176 3
                                    


Hindi naging madali para sa akin ang magdesisyon na sundin ang mga gusto ni Thauce para sa kapakanan ng kapatid ko. Hindi lang ang pagkuha sa atensyon ni Errol, hindi lamang ang paibigin ito dahil mas nadagdagan ang mga nais ni Thauce na gawin ko para sa kaniya.

Nang magsisi ako sa pagtanggap ng kasunduan ay huli na, wala rin sa aking isipan na mahuhulog ang loob ko sa taong ang tingin ko una pa lang ay masama na. Lahat, lahat ng nangyayari ngayon ay kailanman hindi sumagi sa aking isipan.

Ang gusto ko lang ay maging ligtas si Seya, mawala ang malubhang sakit niya kahit pa ang kapalit ay ang sarili ko. Kahit pa manloko ako ng ibang tao. Ngunit hindi nagtagal ay napagtanto ko na mali na gumamit ako ng iba para lamang sa pansariling dahilan ko, naging makasarili ako at hindi na inisip pa ang kapakanan ni Errol at ang nararamdaman niya para sa akin.

Siya na simula umpisa nang magkasakit si Seya ay nariyan para damayan ako.

"Kung... kung tinanggap ko ba ang alok na tulong ni Errol? makakaligtas ba si Seya? n-nasa ganitong sitwasyon ba ako ngayon na sobrang naguguluhan sa akto ni Thauce at nasasaktan dahil sa kasunduan namin? magiging malapit ba kami sa isa't-isa?"

Napahinga ako ng malalim. Kahit ang mga salita sa isipan ko ay gulo-gulo. Buhol-buhol. Nagbalik sa aking isipan ang unang beses na nakita ko si Thauce. Hindi sa may pageant, kung hindi sa daan nang muntik na akong masagasaan ng kanilang sinasakyan.

Una kong napansin ay si Errol, ang kabutihan niya, ngunit ang mga tingin ni Thauce ang nakakuha ng aking buong atensyon noon. Limang taon na ang nakalipas, pero sa aking isipan ay parang kahapon lang nangyari.

Mas naging sariwa ang alaala nang magkalapit kaming dalawa.

"Magmamahal ka na rin iyong tao pa na hindi mapapasaiyo. Tigilan mo na iyan, Zehra."

Nailapat ko ang aking palad sa tapat ng aking dibdib. Matagal-tagal akong mamamalagi dito, pero desidido ako na hindi na muling mapalapit pa kay Thauce at tama na rin na sumang-ayon ako na makasama si Errol sa iisang kwarto.

Nais kong kalimutan ang nararamdaman ko kay Thauce at habang narito sa Palawan, sa lugar mismo ni Lianna ay sisiguraduhin ko na makakalimutan ko siya habang sinusunod ang aming kasunduan. Iyon naman talaga ang dahilan kung bakit narito ako.

"Mas makakatulong ang pagkalimot kung makikita ko sila palagi na magkasama... pero... alam ko rin na magiging masakit iyon para sa akin ng sobra."

Sa gitna ng aking pag-iisip ay bumukas ang pinto. Napatingin ako sa bagong pasok.

Si Errol...

"Zehra."

Tumayo ako at lumapit naman siya akin. Nakangiti siya ng tipid. Ano kaya ang pinag-usapan nila ni Lianna? sa klase ng tingin nito sa akin kanina ay alam ko na hindi siya sang-ayon sa ideya na magkasama kami ni Errol sa iisang silid. Halata naman.

At... at bakit hindi magkasundo si Thauce at Errol ngayon? ano ang nangyari sa kanilang dalawa?

"You can sleep on the bed. Diyan ako sa sofa, malaki naman."

Napabaling ako nang ituro niya ang sofa na nasa aking likuran. Malaki nga, parang kama na rin pero sa kaniyang tangkad ay sa tingin ko lalagpas ang paa niya doon. Pero kung ako ang mahihiga ay tiyak na sakto lang.

"Kahit ako na, Errol," sabi ko at naglakad ako palapit sa sofa. Naupo ako at hinimas ko iyon.

"Ako na lang dito. Mas kasya ako dito kaysa ikaw. Saka, baka mahirapan ka rin sa pwesto mo dito."

"Zehra," naglakad siya palapit sa akin at iniluhod niya ang isang tuhod.

"Do you really think I will let you sleep here?"

Three Month Agreement (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon