Chapter 77

6.5K 129 16
                                    

Hindi naman mataas ang pangarap ko para sa amin ni Seya. Simpleng buhay lang na kasama siya, may maayos na tirahan, yung mapagtapos ko siya ng pag-aaral at ang maging masaya kaming dalawa na magkasama...

"Ate!"

S-Seya...

Itinaguyod ko siya mag-isa, iginapang kahit ang hirap ng buhay, siya ang naging inspirasyon ko, ang pinaka dahilan noon kung bakit kahit sobrang hirap, kahit hindi ko na alam kung ano ang mangyayari sa amin patuloy pa rin akong nagsusumikap.

"Ate, Zehra!"

"Masayang-masaya ako, ate..."

Napangiti ako nang makita ang mukha niya. Tama... okay na si Seya, nagampanan ko na rin ang tungkulin ko sa kaniya. Masasabi ko na naging mabuti akong ate sa kaniya na lahat... l-lahat ibinigay ko para lamang maging maayos siya.

"Magpahinga ka naman, ate! puro na lang ikaw ang napapagod sa pagtatrabaho, malaki na ako! Huwag mo na akong intindihin!"

Nasa harapan ko si Seya, hawak niya ako sa pisngi habang may luha sa mga mata niya. N-Nananaginip ba ako? nasa ibang bansa siya. Anong...

"Ate Zehra ko... ang napakabuti kong ate..."

Pero bakit ganon? kahit na ang lapit niya mas nagiging mahina ang dinig ko sa boses niya. Sa buong paligid rin wala akong ibang nakikita. Ang dilim kung nasaan ako, walang kahit anong liwanag, wala akong makita. Sinubukan kong itaas ang kamay ko pero hindi ko magawa, sinubukan ko rin kumilos pero kahit mga daliri ko hindi ko maigalaw.

"S-Seya..."

"Nagpapakahirap ka na naman sa trabaho, magpahinga ka rin, ate!"

Nang marinig ko ang mga sinabi niya ay napahikbi ako. Pahinga... g-gusto ko ng pahinga. Pagod na pagod na ako lumaban, a-ang gusto ko na lang sumaya kasama niya. Mabuay kami ng magkasama.

"S-Seya... pagod na rin a-ako..."

Tumingin siya sa akin, nakangiti siya. Lahat naman na ginawa ko, nagampanan ko ang responsibilidad ko sa kaniya bilang ate, a-at maayos na rin siya ngayon. N-Nagpapagaling...

"Pagod na pagod n-na ako..."

Ipinikit ko ang mga mata ko, naramdaman ko ang pagtulo ng mga luha ko sa aking mga pisngi pero hindi ko maiangat ang mga kamay ko para palisin ang mga 'yon. Hindi na rin ako nakarinig pa ng mga salita kay Seya.

Magiging makasarili ba ako kung pipiliiin ko na... m-magpahinga na lang? a-alam ko naman na nasa maayos na kalagayan na siya...

Ang h-hirap... napapagod na ako.

Kahit gaanong paglaban ko pala para sa aming dalawa, para s-sa sarili ko na lumigaya ay darating yung punto na isusuko ko rin ang sarili ko.

"S-Seya... pasensiya ka na..."

Ngunit bago ko pa muling ipikit ang mga mata ko ay may mga kamay na humaplos sa aking pisngi. May mga bisig na nag-angat at ikinulong ako sa isang mainit at may pag-iingat na yakap.

"Z-Zehra Clarabelle... Zehra, baby, d-do you hear me?"

Anong...

  Para akong nagising sa isang mahabang panaginip nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon. Ang pamilyar na hawak, ang init. Sinubukan ko na kumilos at idilat ang mga mata ko pero hindi ko magawa, at katulad kanina kahit ang mga kamay ko ay hindi ko maingat.

  "Damnit..."

  Parang kinurot ang puso ko. Bakit... b-bakit ko ba nakalimutan? Na bukod kay Seya, may isang tao pa akong gustong makasama. Bakit ko naisip sumuko agad g-gayong sabi ko hihintayin ko siya?

Three Month Agreement (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon