Chapter 88

5.6K 97 1
                                    


Hindi rin natuloy ang sabay na pagkain namin ni Thauce dahil mayroon biglaan emergency meeting na kailangan siya. Napapadalas 'yon pero kung tutuusin ay maaga pa naman, wala pang oras talaga ng mismong lunch nila. Napatingin ako sa oras at 10:45 am pa lang. Sinabi ni Thauce na huwag ko na siyang hintayin at kumain na ako dahil tiyak daw na aabutin ng higit sa dalawang oras na wala siya.

Sumang-ayon naman ako. Kumakalam na rin ang sikmura ko dahil pancake na iniluto niya lang kanina ang kinain ko. Breakfast from bed. Grabe rin naman ang pagka-sweet ni Thauce.

At habang narito nga ako sa kusina ay patingin-tingin ako sa cellphone ko, nag-reply na pala si Seya sa akin at tatawag na raw siya kaya ito at inaabangan ko. Marami akong gustong itanong, na-miss ko siya talaga. Hindi rin naman kasi kami madalas na magkausap nung nasa isla ako dahil nga hinahayaan ko na siya mismo ang tumawag sa akin at magmensahe.

Paminsan-minsan kapag nami-miss ko ay ako na ang tumatawag pero narealize ko na lang na hindi na nga kami madalas mag-usap.

Bago na rin pala yung Doctor niya, Doktor Ravasko? Hindi ko pa nakikita ang itsura, pero sinabi ni Thauce na magaling rin daw 'yon at isa sa mga nangungunang doctor sa Martinis.

Naalala ko pa yung usapan namin na dalawa.

"Mananatili na dito si Doc. Ariq?"

"He is in the hospital, baby. He's on duty. I don't know if he will come back in Astralia to be Seya's doctor."

Ha? May nangyari kaya?

"Thauce, nagpasaway ba si Seya? Bakit hindi na si Doc. Ariq ang maggagamot sa kaniya?"

Hinapit naman niya ang baywang ko palapit habang pareho kaming nakahiga sa kama. Sinimulan niyang himasin ang buhok ko pataas baba habang nakatingin sa akin.

"Seya is kind just like you. Ariq is just... busy."

Hindi naman ako sumagot, nang muling magsalita si Thauce ay napakarandom non.

"How old is she again, baby? I mean, Seya?"

"Magtu-twenty one na siya sa December 24."

Oktubre ngayon, malapit na ang birthday ni Seya. Ano kaya ang ireregalo ko?

"Oh, okay," sagot naman ni Thauce. Naramdaman ko ang malalim na pagbuntong hininga niya.

"May problema ba?"

"Nothing... nothing, baby," sagot niya naman at pinatakan ng halik ang aking noo. Hindi na doon tumigil ang mga labi niya dahil kiniliti na ako non hanggang sa aking leeg at mga tainga.

Sana nga ay hindi pasaway ang kapatid ko kaya umuwi dito ng Pilipinas si Doc Ariq, pero kung tutuusin naman napakalaking tulong na rin ni Doc sa amin ng kapatid ko, at kahit sinabi ni Thauce na mabait naman si Seya pakiramdam ko talaga ay may ginawa ang kapatid ko.

Nang tumunog na nga ang cellphone ko ay hindi pa 'yon nagtatagal nang sagutin ko. Video Call naman ito, ngumiti ako nang makita si Seya. Nagkalaman na ulit siya, nanunumbalik na yung dating itsura niya. Simula kasi nang magkasakit siya ay talagang bumagsak ang katawan niya, eh. Na malayong-malayo sa napaka-healthy na Seya na alagang-alaga ko noon.

"Seya," tawag ko sa kaniya. Nakangiti siya sa akin, nagsusuklay ng buhok at kaliligo lang. Natutuwa rin ako na makita na hindi na siya takot magsuklay. Dati nang nasa kalagitnaan kami ng pagpapagamot ay ni kahit makita ang buhok niya sa salamin ay ayaw niya. Itinago ko pa ang paglalagas noon ng mga buhok niya at nagpapasalamat naman ako na makita siyang ganito ngayon.

Three Month Agreement (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon