Panimula

1.7K 30 0
                                    


You can never walk to a guy and say, "Love me the way I want to be loved." You have to wait for his own will, for his own time, for his own courage. Wait for the moment he will feel the same. That's the saddest part of being a girl.

*****

"Miss Fuentes?"

Agad akong napatayo mula sa swivel chair at lakad takbo na lumapit sa aming department head. Agad nitong inilahad sa harap ko ang malaking papel na nakarolyo.

"Sir?"

"Paki-akyat ito sa Executives office." Anito saka ibinigay sa akin ang papel. "Bilisan mo dahil may meeting sila doon at kailangan na nila iyan."

"Sige po." Bahadya pa akong yumuko bago maliit na humakbang paatras.

"FASTER!" Biglang sigaw nito sa akin dahilan para mapatalon ako sa pwesto.

Natatarantang tinakbo ko na ang pinto palabas ng area namin.

Tsk! Uutusan ka na nga lang sumisigaw pa.

Bubulong bulong na lang ako sa sarili. Hindi naman kasi ako pwedeng mag-reklamo ng harapan. Pasalamat siya at hindi siya ang nagpapasahod sa akin. Hindi naman ako nagtatrabaho to please him. Nagtatrabaho ako dahil kailangan ko. Hmfs.

That bald man.

Napabuga na lang ako ng hangin at mabilis na humakbang. Sakto naman na ng malapit na ko sa elevator, bumukas na iyon. Nagmamadali akong pumasok at sa sobrang pagmamadali ay nabangga ko pa sa balikat yung kasabayan sa pagsakay dun.

"I'm sorry po." Nakayukong paumanhin ko. Sinilip ko ang mukha nito pero hindi ko mahawi ang mahahabang bangs ko. Ang tangkad niya din kasi.

Tsk. Mahaba na ang bangs ko. Dyahe. Kailangan ng ipagupit.

Saglit lang at nakarating ako sa floor na pakay ko. Ibinigay ko sa secretary ang dala ko at umalis na rin agad. Hindi ko na gustong magtagal sa floor na iyon dahil sa pag-aalalang makasalubong ng mga opisyal ng building. Baka mautusan pa ako.

Tsk.

Hindi naman sa tamad akong magtrabaho. Pero minsan para hindi na madamay sa mas komplikadong sitwasyon mas mainam ng umiwas.

I was working for almost five years sa iisang kumpanya. The Naval Realty. Nasa designs department ako... kung saan ang trabaho madalas.... ginagapang. Pero hindi naman ako on the designing work. Sa clerical ako naka-focus. Mabuti iyon dahil sa tagal ko na sa kumpanya at sa pagmamasid ko sa trabaho nila, malamang hindi ko yun kayanin.

Medyo shy kasi ako sa mga tao.

Hindi ko kaya yung may presentation pa sa mga client. May stage fright ako.

Nagpaka-busy ako sa work after. Actually, busy talaga ako.

Napakislot ako sa inuupuan ng may kumatok sa gilid ng aking mesa. Agad akong nag-angat ng tingin.

"Uwian na." Wika nito bago tumalikod at umalis.

Uwian na?

Saka ako napatingin sa nag-iisang orasan sa area namin.

Sa dami ng ginagawa hindi ko namalayan ang oras.

Madami akong nagawa pero feeling ko kulang pa rin ang araw para sa lahat.

Napabuntung hininga na lang ako ng malalim. Tumingin ako sa paligid para makitang ako na naman ang huli at nag-iisa sa working area namin. Hindi ko man lang namalayan na nagsi-alisan na sila.

Haist.

As usual.

Ako ang unang dumadating sa office namin at ako din ang huling umaalis. Kulang na nga lang mag guard na rin ako.

All The Love In The World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon