Page 5

657 20 0
                                    

Take out

"Miss Fuentes?"

Agad akong sinalubong ni manong guard pagkadating ko sa building namin. Ngumiti agad ako.

"Miss, hindi po kayo nakapasok kahapon?" Nag-aalalang wika nito.

Natouched naman ako kay Manong.

"Opo. Nagsick leave po ako kahapon. Hindi ko po kinaya eh." Nakangiting wika ko.

"Naku, hija. Dapat hindi mo pinupwersa ang sarili mo kapag ganung may sakit ka na. Baka mapaano ka pa."

"Okay lang po. Malakas pa rin naman po ako kahit payatot."

Dumeretso ako sa department namin after at katulad ng dati ay nauna ako. Naupo agad ako sa pwesto at nagstretch ng katawan para mag start sa work. Parang wala lang nangyari. Natigilan lang ako ng mapansin ang isang sticky note na nasa gilid ng mesa ko. May nakasulat na 'For You'

Napakunot noo ako ng sobra.

"May nag-iwan niyan para sa'yo kahapon."

Nagulat ako ng may magsalita sa tabi. Nalingunan ko agad si Tina. Kadarating lang din.

"Para sa akin?" Nagtataka kong tanong.

"Coffee yan kaya lang nilanggam na kaya itinapon ko na." Kibit balikat niya.

"Coffee? Kanino galing?"

"Ewan."

Lalo naman akong napakunot noo.

Tumingin siya sa akin. "Nagkakasakit ka pala?"

Napaarko ang kilay ko. "Hah?"

"Akala ko hindi nagkakasakit ang mga cartoon character."

Ngumiti na lang ako. I get it. "Namiss mo si Dora?"

"Nakakamiss din pala." Walang emosyong aniya saka naupo.

Natuwa na lang ako sa sarili ko.

At dahil wala ako kahapon, tambak ang trabaho ko. Pero may something awkward sa office namin ngayon. May napi-feel ako pero hindi ko mapin-point.

"Wala ka pala kahapon?" Wika ni Boss Louie habang naglalakad kami sa corridor. Isa ito sa matataas na executive ng kumpanya. Papunta kami sa isang meeting at ewan ko ba kung bakit ako na naman ang isinama ni Boss Louie at wala na naman ang secretary niya.

Nagresign na ata yun.

"Nag-sick leave po ako." Bahadyang nanlake ang mga mata ko ng makita na may mga taong nakatayo sa tapat ng elevator.

Hindi ko kailangang mag-isip ng matagal. Sina Heaven at Ysmael iyon. They are very recognisable kahit malayo.

Napalunok ako.

Nauuna sa akin si Boss Louie kaya hindi nito nakikita na kinakabahan na ako.

"I heard." Huminto kami sa tabi nina Heaven.

Si Ysmael ang unang napalingon sa amin. Pinasadahan niya ako ng tingin then bahadyang napangiti.

"Good morning Sir Louie." Masiglang bati ni Ysmael kay Boss Louie.

Napalingon na rin si Heaven. Blanko ang mukha niyang tumingin kay boss Louie pero ng makita ako ay medyo nabigla.

Umiwas ako ng tingin.

"Good morning Sir." Boses ni Heaven.

"Good morning." Matipid na sagot ni Boss Louie sa dalawa. Ganun siya katipid sa salita. Medyo terror talaga ito dahil isa sa senior ng kumpanya.

All The Love In The World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon