Page 61

434 12 2
                                    

Page 61

Iisa lang


[Leia]

SISIGAW NA sana ako para malaman kung may tao sa loob ng bahay kaya lang nahiya naman ako. Napakatahimik naman kasi ng buong bahay at ng buong paligid. Nakakahiya naman sa mga ibon na natutulog at yung nga kuliglig na natutulog pa at mamyang gabi pa mag-iingay. Tss. Parang wala namang tao. Nakaka-kaba tuloy.

Huminga ako ng malalim at inangat ang isa kong kamay para kumatok. Pero hindi ko rin nagawa half way.

Bagsak ang balikat akong umatras.

"Pinapunta niya ko rito ta's wala naman pala siya!" Himutok ko.

Nandito kasi ako ngayon sa tapat ng pinto ng villa house na tinutuluyan ni Vann. Mag-isa. Sabi niya kasi daanan ko daw siya dito. Nagkasundo kasi kaming apat nina Yumi at Xyrus na magpunta sa talon ngayon. Actually, si Vann ang nagsabi nun na sinang-ayunan namin.

Pero anong oras na? Mukhang wala naman dito si Vann.

Tumingin ako sa paligid. Tahimik naman. Mukhang umalis yata siya.

Napakamot ako ng batok sa pagkayamot.

Kung pwede nga lang iwan ko na si Vann kaya lang naalala kong hindi ko pa pala kabisado ang daan papunta sa talon. Ano nga bang tawag nila sa lugar na yun? Uragon. Ang alam ko maganda ang meaning nun eh.

Anyways.

Malapit na akong maubusan ng pasensya sa paghihintay kay Vann.

Kumatok na ako ng isang beses. Tapos dalawa. Wala akong narinig na anuman mula sa loob.

Mukhang tama ang hinala kong wala si Vann.

Hinawakan ko yung seradura ng pinto at tin-check kung nakalock ba. Hindi ko naman in-expect na bubukas yun.

Natulala ako ng ilang sandali nang magbukas iyong pinto pagkapihit ko.

What the!?!

Napakunot noo ako at dahan dahang itinulak paloob ang pinto. Bukas nga talaga.

Nagtataka ako ng sobra sa nangyayari. Bakit naman hahayaan ni Vann na naka-open ang pinto ng bahay niya? E, sa ugali nun, ayaw ayaw nga nun sa strangers.

Wait lang. Napahalukipkip ako. Baka naman kasi sa akin lang talaga siya ganun.

Baka sinadya niyang iwanang bukas. O, baka may pinuntahang emergency kaya nakalimutang ilock yung pinto?

Bakit kaya?

Tahimik akong pumasok sa loob. Dahan dahan ang hakbang.

Maluwang at malinis na salas ang sumalubong sa akin. Maluwang dahil hindi ito masyadong decorated. Naaaninag ko pa naman yung mga gamit sa loob kahit nakasara yung mga bintana. Kahit paano ay may liwanag. Katulad ng villa sa hacienda, makinis at well-polished na kahoy ang sahig ng bahay. Gawa sa bato ang haligi samantalang ang mga bintana ay may design na parang pang-panahon ng mga Kastila.

Maaaliwalas at organized ang mga gamit.

Malaya kong iginila sa kabuuan ng bahay ang mga mata ko.

Mukhang well-maintained ang bahay na ito ah.

"Vann? Tao po?" Iniikot kong muli ang tingin sa paligid. Walang sumagot sa tawag ko kundi katahimikan. Napahinga ako ng malalim. "Okay. Wala siya." Sabay kibit balikat.

Pumihit na ako patalikod at paalis then bigla akong natigilan nang mapatingin sa isang naka-open na pinto sa kanang bahagi ng salas.

Maliwanag doon.

All The Love In The World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon