Page 75

456 10 3
                                    

Page 75

Trust

I THROW him dagger look saka umirap sa hangin. Sobrang naiirita ako sa kanya.

Mabagal akong humakbang papalabas ng CR at siya, nakaupo na sa may kama. Nasa gilid siya at nakasandal sa may headboard, pikit ang mga mata.

Naku! Kung mulat mga mata niya, napatay ko na siya.

Naubos ang lakas ko sa pinaggagawa niya eh. I mean... sapilitan ba? Kaloka!

Nagmulat siya ng mga mata at tumingin sa akin. Ngumisi siya at automatic naman akong nag-blush. Bwisit!

Pinagtaasan ko siya ng kilay at huminto sa paghakbang. Sinamaan ko uli siya ng tingin.

Lalong lumapad ang ngiti niya habang pinapasadahan ako ng tingin.

"Sige! Tumitig ka pa. Dudukutin ko yang mata mo!"

Humalakhak siya ng malakas. As in tawang wagas.

Nag-init ng sobra ang mukha ko. Umismid ako at napapadyak ng paa sa sahig. Nakaka-bwisit siya!!

"Bahala ka nga dyan!" Sigaw ko. Tumalikod ako at humakbang ng mabilis papunta sa pinto ng kwarto.

Dinig ko agad iyong mabilis niyang kilos at agad niya akong napigilan sa kanang braso. Hinila niya ako paharap.

"Hey! Joke lang! Ito naman, napaka-pikon." Hinapit niya ako baywang at yinakap ng mahigpit. "Hmm... ang bango ah."

Buong lakas ko siyang itinulak palayo. "Uuwi na talaga ako!!"

"Bakit ba? Ang sungit nito!" Pinanliitan niya ako ng mga mata. "You think hahayaan kitang umuwi ng ganyan ang suot? Gusto mong makulong ako?"

Tinitigan ko siya ng galit sa mga mata pero ako din yung unang sumuko. Humalukipkip ako.

I was wearing his shirt. As in white shirt na abot hanggang hita ko lang. Then board short na kanya din. Sobrang luwang. Mukhang ewan lang kaya hindi ako komportable. Though, infairview naman, ang bango ng damit niya at ang lambot ng tela. Hindi lang talaga ako sanay na magsuot ng damit ng iba.

Nagtalo pa kami ni Vann kanina bago niya napasuot sa akin ito. Gusto ko na ngang umuwi pero sapilitan niya akong ipinasok sa kwarto at pinagbibihis. Nang sinubukan kong tumakas sa room hinuli niya lang ako, parang sako ng bigas na binuhat uli at ipinangko sa kama. Pinagkikilitin niya ako sa tagiliran at naubos talaga ang lakas ko dahil dun.

In the end, talo ako. Lalo na at napunit niya pa ata yung gown ko. O ako yung nakapunit dahil grabe yung pagkakiliti niya sa kin. Nakakainis. Alam na alam niya na ang kahinaan ko.

"Gusto mo na bang matulog? Baka gusto mo ng makakain?" Yumuko siya'y ipinilig ang ulo para dungawin ang mukha ko.

Pairap akong umiwas ng tingin. "Gabi na."

"Midnight snacks. Pwede ding manuod tayo ng movies sa laptop."

"Ang dami mong naiisip gawin. Ikaw na lang. Matutulog na ko."

"Sige. Sige. Matutulog na." Tumatangong aniya.

"Saan?" Bigla ko siyang tinignan.

"Saan? E, di sa kama ko." Ngumisi siya. "O!" Sabay turo sa'kin. "Wala akong iniisip na masama ah. Matutulog ka malamang sa kama."

Sinimangutan ko siya. "Alam ko. Pero saan ka? Kung sa kama ako, saan ka?"

"Sa kama ko din."

"Magtatabi tayo? Huwaw!" Sarcastic tone.

All The Love In The World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon