Secret
Busy ako sa pag-usher sa ilang dumating pa na bisita. I think my talent ako sa gawaing ito. Baka kung mawala ako sa Naval dito na lang ako mag-apply kay Em.
Napangiti ako.
"Still busy, lady?"
Napapitlag ako sa pagkakatayo ng may bumulong sa tapat ng tenga ko. Dama ko ang mainit na hiningang tumama sa leeg ko at nakapagpakilabot ito sa akin. Napaatras ako sa gulat at nabangga sa kanyang nasa likod kaya na-out of balance ako. Mabuti na lang at mabilis niya akong sinalo ng isang braso.
Nanlake ang mga mata ko. Nagtama ang mga mata namin at automatic na pinamulahan ako ng mukha.
"Heaven?" Hindi makapaniwalang bulalas ko. Muntik ko pang maisigaw kundi ko lang napigilan ang boses ko. Bawal pa naman ang maingay dito.
"Gotcha!" Nakangising aniya. Inilalayan niya ako na makatayo ng maayos pero nanatili ang palad sa gilid ng aking baywang.
Gumagapang ang kuryente at init sa katawan ko. Lumunok ako at huminga ang malalim.
Parang kinakapos ako ng hangin.
"Hindi ka pa ba tapos?" Mahinang aniya. Hindi niya inaalis ang tingin sa mga mata ko.
"Ah--Ano--?" Umatras ako para makalayo ng konti sa kanya. Bumaba ang kamay niya sa gilid niya at doon napirmi. "Hi-hindi pa."
He pout his lips. "Ganun?"
Kinagat ko ang aking labi para pigilin ang nadadama kong kilig.
"I thought you'd be done by this hour. Matagal pa ba?"
Kumunot noo ako. "Ewan. Ba-bakit nandito ka?"
Natawa siya ng walang sound then tumingin sa painting na nasa harap namin. "I'm here to see the exhibit. Saka baka may mabili din akong painting."
"Oh?"
Mabilis ko siyang pinasadahan ng tingin. He was wearing a black coat at puting t-shirt na pan-ilalim. Black jeans na nakafold sa dulo then black leather shoes.
Hindi ko mapigilan ang paghanga sa kanya.
Bigla niya akong nilingon dahilan para mamula ako ng sobra. Naabutan niya akong nakatingin sa kanya eh.
Ngumiti siya at tumitig sa mukha ko. "Hindi ba ako mukhang nagpupunta sa gantong event?"
"Hah?" Saglit yata akong natulala. "Hindi naman. Nabigla lang ako." Tumingin ako sa paligid namin. "Mag-isa ka lang?"
"I'm with Lawrence. Nasa somewhere lang yun."
"Di ba dapat nasa birthday kayo ni Ysmael?" Nagtataka ko siyang tinignan.
"Mamaya tayo pupunta." Nakangiting aniya.
"Tayo?"
"Tayo. We're here to pick you up."
Natigilan ako saglit. "Bakit?"
"Cause you are invited. Sinisiguro lang namin na makakarating ka."
Suminghap ako at napapilig ng ulo. Akala ko sinabi kong hindi ako pwede.
"Hanggang midnight naman iyong party. Hindi naman aabot ng ganung oras ang exhibit. You can bring your friend if you like." Mataman akong tinitigan ni Heaven.
"Hah? Pa-parang 'di naman tama yun."
"Okay lang. Akong bahala sa inyo." Ngumiti siya.
Mabagal kaming naglakad papunta sa susunod na nakahilerang painting. Pero nag-uusap na lamang kami ng mahina.
BINABASA MO ANG
All The Love In The World
General FictionBabala: Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Maging responsable sa pagbabasa. Salamat po. Godbless. ***** All the Love in the World Sa kaninong part nga ba mahirap ang pagmamahal? Ikaw na...