Page 44

485 13 5
                                    

Page 44

Yung........

[Leia's POV]

NAGING maayos ang biyahe namin pabalik ng bayan. Medyo sumakit ang ulo ko pero kaya pa naman. Hinatid ako ni kuya Arnel pabalik sa bahay kasi marami iyong ipinadalang gulay sa akin ni Tatay.

"Iiwan ko na dito, Leia." Boses ni kuya Arnel mula sa maliit na kusina ng bahay.

Lumabas ako ng kwarto at sinalubong siya habang papalabas naman ng kusina.

"Salamat po kuya Arnel. Naabala ko po kayo ng husto." Nakangiti kong wika.

"Okay lang." Aniya atsaka ngumiti pabalik. "Ibinilin ka sa akin eh. O, panu? Aalis na ako."

"Wait po." Mabilis kong pigil dito. "Mag-uwi po kayo ng mga gulay, kuya. Para sa pamilya nyo po." Mabilis akong nagtungo sa kusina at sumunod naman ito.

Ako na ang naglagay ng ilang gulay sa isang malaking supot na plastic. Pinili ko ng mabilis iyong magagandang klase.

"Nakakahiya naman. Ipina-uwi sa 'yo yan ng Tatay mo."

Umiling ako. "Mag-isa lang po ako dito kaya hindi ko po ito mauubos lahat. Kesa naman po masira." Nakangiting bumaling ako sa kanya at inabot yung supot. "Magdadala din po ako sa simbahan."

"Salamat, Leia." Nakangiting anito.

"Salamat din po." Nakangiting tango ko.

Hinatid ko pa ito papunta sa pinto then nang naiwan na akong mag-isa, iyong katahimikan naman ang lumukob sa akin.

Malalim akong bumuntung hininga at umupo sa pahabang plastic na sofa na nasa gilid ng bahay.

Mag-isa lamang ako dito.

Hindi tulad dati.

Maliit lamang ang bahay na tinutuluyan ko ngayon. Halos kasing laki ng apartment namin noon. Gawa sa bato't semento ang haligi nito at one floor lamang. May isang maliit na kusina na dining area na rin, isang kwarto, at maliit na CR na malinis at maayos naman.

Sapat lamang ang laki ng bahay para sa isang tao o sa maliit na pamilya. Malayo pa ito sa mga karapit bahay. As in, lalakarin ng ilang minuto bago pa ang susunod na bahay. Ang kagandahan lamang nito para sa akin ay ito na ang pinakamalapit na bahay papunta sa may parokya ng bayan. Nasa likod lamang ito at ang lupa ay sakop pa ng simbahan.

Inilibot ko ang paningin. Iilan lamang ang gamit na naroon. May TV na hindi ko din nagagamit dahil walang signal itong nakukuha. Iyong portable radio lamang ang napapakinabangan ko. Walang gas stove dito ng dumating ako kaya bumili muna ako kasabay na rin ng ilang gamit katulad ng manipis kutson at dalawang unan para sa kwarto. Bumili din ako ng maliit na desk fan. Mabuti na lang talaga at may kuryente sa lugar na ito. Iilan lamang ang dinala kong damit kaya sapat lang ang naabutan ko sa naroon na maliit na drawer. Nilinis ko pa nga iyon bago ko nagamit. Nang dumating talaga ako sa bahay na ito ay napakalaking pagbabago ang nangyari sa akin. In instance..... mag-isa na lamang ako.

In instance.... nalayo ako sa mga taong pinakamamahal ko.

Haist. Malalim akong bumuntung hininga.

Nami-miss ko na sina Bea at Em. Yung dalawang bestfriend ko na iyon na laging nanlilibre ng pizza kapag araw ng sweldo. Sobrang hindi ako nagugutom kapag kasama ko ang mga iyon. Lagi kaming nanunuod ng mga movies at drama nang magkakasama. Minsan last full shows pa sa sinehan.

Nakakamiss ang mga araw na magkakasabay kaming kumakain sa iisang mesa. Sabay sabay kaming aalis ng apartment at papasok sa kanya kanyang trabaho. Nakakamiss ang tawa nila.... ang ingay.... yung mga tampuhan.... iyong mga maliliit na bagay na hindi namin napagkakasunduan pero in the end ay napag-uusapan naman.

All The Love In The World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon