Page 62
You are
NAPAAWANG AKO ng labi habang nakatingin kay Xyrus. Nasa tubig pa rin siya. Nakasampa ang mga braso sa balsa at nakangiti.
Isang malaking revelation iyong sinabi niya sa kin.
Kainis! Naniwala talaga ako kay Vann na patay ni si Sky?
"Alam mo naman ang fascination ni Lola Alva sa langit, 'di ba?" Natawa siya ng mahina. "Kung sabagay, iilan lang naman talaga ang nakakaalam sa sikretong yun ni Vann. Medyo mahiyain din kasi yun."
Ohw? Umarko ang mga kilay ko.
Tumingin siya sa akin at natawa sa nakitang reaction ko. "Hindi talaga obvious na mahiyain siya."
Nailing ako at nangiti ng konti.
"Hindi ako makapaniwalang sinabi niyang patay na si ...... Sky. Which is him too. Pinatay na niya agad ang sarili? Tsk. He's so childish."
"Bakit naman kasi sinabi ni Vann na ... patay na .... patay na si Sky tapos siya pala yun?" Kumunot noo ako.
Sandaling nag-isip si Xyrus. Huminga siya ng malalim at lumingon sa pwesto ni Vann kanina.
Napalingon din ako dun pero nakita kong wala na doon si Vann. Saan kaya nagpunta yun?
"Bata pa lang naman talaga ay mahilig na sa arts si Vann. Magaling siya. Pero hindi iyon ang pinili niyang profession."
"Bakit?" Curious ko uli na tinignan si Xyrus.
"Wala lang. Gusto niya." Sabay kibit balikat.
Ahh..... weird niya talaga.
"Actually, hobby lang naman niya ang magpaint. Noon hindi niya iyon isinasali sa mga exhibit just years ago ng maisipan niya. Isang tao ang nag-udyok sa kanya na subukan na isali sa exhibit ang gawa niya. Sa ganun nag-umpisa ang career niya sa Arts."
"Yung tao na iyon?" Bahadya akong kumunot noo.
"His ex-Bride-to-be. Si Melissa." Magaan lang na sinabi iyon ni Xyrus. Walang emosyong kalakip o anuman.
Melissa pala?
"Tulad mo ay bakasyunista si Melissa ng dumating dito. Sa umpisa, i thought hindi sila magkasundo ni Vann. Isang common friend ang nagpakilala sa min kay Melissa. Si Trina."
Ah, yung masungit na ka-choir ni Rico.
"Hindi naman sila magkaaway but hindi rin magkaibigan at lagi silang nag-aasaran. Ganun. Hindi ko in-expect na by that ay madedevelop sila sa isa't isa. You know. The tipikal. Inabot din sila ng almost two years sa relasyon nila."
"Xyrus?"
Napatingin siya sa mukha ko.
"Okay lang ba na ikwento mo sa akin ang tungkol sa past ni Vann?"
"I think, okay lang naman." Ngumiti siya sa akin. "Wag kang mag-alala."
Huminga ako ng malalim at pilit na ngumiti. "Okay."
"You want to know Sky right? Then you must know Vann."
"May kinalaman ba yung pang-iiwan ng ex ni Vann kaya nasabi niya na patay na si Sky?"
"Si Mel ang unang naging fan ni Sky. Siya ang naging inspirasyon niya. Kaya siguro nang iwan siya ni Mel, feeling niya namatay na rin si Sky."
Tumingin ako sa tubig, paiwas mula kay Xyrus.
BINABASA MO ANG
All The Love In The World
General FictionBabala: Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Maging responsable sa pagbabasa. Salamat po. Godbless. ***** All the Love in the World Sa kaninong part nga ba mahirap ang pagmamahal? Ikaw na...