Page 69
Invitation
[Leia]
"LEYANG?!"
Agad kong narinig ang malakas at pamilyar na boses na iyon. Lumingon ako at nakita sina Bea at Em na papalapit. Kumaway pa sa akin si Bea na abot tenga ang ngiti.
Lumingon ako sa mga kasama para makapagpaalam. "Mauna na ako?"
Tinignan naman ako ni Eva. Isa sa kasamahan ko. Ngumiti siya ng matanawan sina Em at Bea. "Sige Leia. Kita kits na lang bukas."
Tumango ako. "Okay."
Humalik ako sa pisngi niya at kinawayan ang kasama pa namin na pauwi na rin. Inaayos na lang naman kasi ang pagkakasara ng rollups ng store kaya pwede na kaming maunang umalis.
Muli kong nilingon ang pwesto nina Bea at Em at nakita na nakahinto na sila sa gitna ng kalsada at nag-uusap.
Nag-jog ako papunta sa kanila. "Oi!" Agad akong umangkla sa braso ni Em pagkalapit. "Anong meron?"
Nginitian naman ako ni Em. "Wala naman. Naisipan lang naming magpahangin sa labas. Ta's naalala ka namin kaya ito kami, dinaanan ka."
"Chill tayo. Gusto ko ng sweets." Sabi ni Bea.
Nakangiti akong tumango tango.
Malaki na ang ipinagbago niya sa mga gawi. I mean... sa pamumuhay. Hindi na siya mahilig na mag-bar hopping o magpunta at mag-aya sa mga parties. Iba na ang trip niya sa buhay. Food tripping.
Nangiti naman ako. Mas gusto ko itong pagbabago ni Bea. Atleast, hindi na siya nabibisyo sa masama yun nga lang sa pagkain naman. Pero kahit ang hilig niyang kumain, hindi siya tumataba. Kungsabagay, maintain naman siya sa pag-e-exercise at masusustansyang pagkain.
Binalingan ko naman ng tingin si Em.
Sa itsura. Wala namang nabago sa kanya. She is still pretty and simple. Yun lang, medyo naging pansinin siya ng mga tao. May mga nakakakilala na kasi sa kanya since mapublished ang ilang stories niya na nasulat. Well, hindi naman sikat na sikat pero tamang sikat lang.
"Ikaw, Em hah. Porque na-published na yung stories mo ay nagiging magastos ka na."
"Hah?!" Pinanlakihan niya ako ng mga mata. "KKB ito noh! Ano kayo? Sinuswerte?!"
"Tss. Ang kuripot naman." Piksi ni Bea. "Ikaw ang nag-aya dito ta's ayaw man lang manlibre."
"Excuse me. Ideya mo po ito." Nakangusong sagot ni Em.
"Ideya ko ba? Hindi ko alam." Saka sinundan ng halakhak ni Bea.
Natawa naman ako. "Siya. Gutom na ko. Saan tayo kakain?"
"Santi's na lang." Mabilis na sagot ni Bea.
"Saan yun?" Tanong ko.
"Somewhere. Malapit lang yun. Tara na." Masiglang wika ni Bea.
Magkakapanabay na kaming naglakad sa gilid ng daan. May mangilan ngilan pang stores at shop kaming nadaanan. Marami rin kaming mga nasasalubong sa paglalakad dahil nadadayo naman ang lugar. Kilalang street kasi ito sa mga turista at food lovers. Isa sa mga kainan dito ang pinapasukan ko ngayon bilang cashier. Isang maliit na classic restaurant na kung saan napakasarap ang lutong bulalo at other Pilipino cuisine. Pagmamay-ari iyon nang Tita ni Bea. Si Tita Claro.
Hindi ako nahirapan na mag-apply dahil nga close Tita siya ni Bea. Malakas ang backer ko.
Magaan lang naman ang trabaho ko sa walong oras. Nakaupo. Tagasagot ng tawag sa phone. Taga-reserve ng mga mesa. Ngumiti sa mga walk-in na customers. Ganun lumilipas ang araw ko at okay lang. I mean... it keeps me busy kaya okay lang.
BINABASA MO ANG
All The Love In The World
General FictionBabala: Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Maging responsable sa pagbabasa. Salamat po. Godbless. ***** All the Love in the World Sa kaninong part nga ba mahirap ang pagmamahal? Ikaw na...