Page 82
Dinner
[Leia]
NAPATINGIN ako sa kamay ko na nakapatong sa palad ni Vann. Masuyo nitong pinaglalaruan ang singsing na nasa daliri ko hindi ko tuloy mapigilan ang kilig.
Nakangiti ko siyang sinulyapan. "Gusto mo yung singsing." Bulong ko.
"It fits you perfectly." Bulong niya pabalik.
Napakagat labi ako at pabiro siyang nginitian. "Bili ka ng iyo."
He shrugged and laugh silently.
"Nagtext na ba ang kapatid mo? Wala pa siya hanggang ngayon?" Wika ni Tatay na ikinapalingon ko.
Nakaupo ito sa pang isahang sofa at nakatingin sa TV. Balita ang pinapanuod niya at ngayon ay patapos na iyon.
Lumipad ang tingin ko sa wall clock.
"Tinext ko na po siya. Hindi naman nareply." Sagot ko. Tumingin ako kay Vann. "Hindi ka pa ba uuwi? Late na ah."
Ngumiti siya sa akin. "Mamaya na. I still have time."
"Ba't papauwiin mo pa siya? Dito mo na siya patulugin."
Gulat akong napatingin kay Tatay. "Ho?!"
"Mapili ka ba sa tinutulugan?" Binalingan ng tingin ni Tatay si Vann.
Napakunot noo ako.
"Ahm, hindi naman ho." Sagot ni Vann.
Salubong ang kilay akong napalingon naman kay Vann. "Matutulog ka sa sofa?"
"Matagal akong nakatira sa probinsya. Hindi ako mapili sa lugar." Then he smirk. "Pero kung concern ka. Pwedeng tabi tayo sa kama mo."
Nanlake ang mga mata ko sabay blush. "Huy!! Anong pinagsasabi mo?!" Mabilis kong tinignan si Tatay para makita kung narinig ba nito ang sinabi ni Vann.
Natawa si Tatay at napailing. "Iba na talaga ang kabataan ngayon."
"Ano ba yun? Nagbibiro lang po si Vann." Nahihiyang sabi ko.
"Seryoso --" agad kong tinakpan ng palad ang bibig ni Vann bago pa nito matapos ang sasabihin.
"Shhh...." sansala ko sa kanya.
Mabilis na hinawakan at inalis ni Vann yung kamay ko sa bibig niya tapos ay pinanlakihan ako ng mga mata. "Bakit? Matutulog lang naman. Ang dumi talaga ng utak mo."
"Hala! Panu naging madumi utak ko?!" React ko.
Bigla niya akong kinabig sa baywang papalapit sa katawan niya. "Don't tell me.... you're actually thinking we'll do that." Paanas niyang wika.
"What?!" Lalong nag-init ang mga pisngi ko. "Grabe ka, Vann!"
Natawa si Vann ng malakas.
"Nakakainis ka hah!" Hinampas ko siya sa dibdib.
"Ouch! Ang lakas mo ah." Kunwaring ngumiwi siya.
"Anong oras na. Wala pa rin ang kapatid mo." Boses ni Tatay. In-off na niya yung TV. Tumayo siya at lumapit sa may pinto.
Bahadya akong lumayo mula kay Vann. "Sandali. Tatawagan ko na po si Lana." Inabot ko na yung phone ko at dinial yung number ni Lana. Nagring naman iyon agad.
BINABASA MO ANG
All The Love In The World
Fiction généraleBabala: Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Maging responsable sa pagbabasa. Salamat po. Godbless. ***** All the Love in the World Sa kaninong part nga ba mahirap ang pagmamahal? Ikaw na...