Page 54
Gusto kita
[Leia]
Wow! I didn't see this coming.
Matagal na magkahinang ang mga mata namin ni Vann at wala akong ibang nakikita sa kanya kundi, seriousness, sincerity.
Hindi ko tuloy alam ang irereact ko. Pero mga ilang sandali lang naman yun.
Umiwas ako ng tingin at natawa ng pilit. All of a sudden, i feel awkward.
"Nakaka-gulat ka naman." Wika ko at muling tumingin sa kanya. "Seryoso ka?"
"Kung ayaw mo. Okay lang. Gusto ko lang na maging maayos na ang pakikitungo natin sa isa't isa." Sumandal siya sa inuupuan at humalukipkip. "I am admitting my faults kaya nagso-sorry ako. Well, kung ayaw mo naman, okay lang. Atleast, I apologized."
Medyo napangiwi ako sa sarili. Feeling ko napipilitan pa siya sa lagay na toh.
"Well......" ako. "Sino ba ako para hindi tanggapin ang sorry mo? Kung ang Diyos nga ay madaling magpatawad, sino pa ako? Sige na. Apology accepted."
Tumango siya at wala ng sinabi.
Huminga ako ng malalim. Lalong naging awkward yung feeling. Bakit naman ganun?
Muli siyang bumaling sa kinakain, ako naman ay tahimik na tumingin lamang sa kanya.
"Bakit bigla yatang dito na kayo mag-papraktis? Hindi na sa simbahan?" Tanong niya habang bahadyang nakatungo ang ulo.
"Hah?" Medyo natigilan ako bago nakasagot. "Ewan. Bigla na lang kasing kinuwestyon ng ibang choir yung pagpapraktis namin sa simbahan."
Nag-angat siya ng tingin. "Sinong nagkuwestyon?"
"Hindi ko din alam. Basta sa ibang choir. Pero okay lang yun."
"Para sa fiesta naman ang pinapraktis niyo, di ba?"
Tumango ako. "Oo naman. Alam naman nila yun."
Tumahimik siya at tila nag-isip. "Sa ampunan? Bakit hindi doon na lang kayo magpraktis?"
Mahina akong umiling. "Walang magandang space dun eh. Saka baka ma-distract yung ibang bata na nandun."
"Ganun ba?"
"Nakita ko yung ampunan. Nasira ng bagyo yung event hall nila at hanggang ngayon, hindi pa sila nakakalikom ng sapat na budget pampagawa. Siguro kapag nanalo ako sa lotto pagagawa ko yun ta's pagagawa ko sila ng bagong building at may practice room. Magaling kasi yung mga bata. Sayang ang talent nila."
"Tumataya ka ba sa lotto?"
"Hindi din eh." Saka ako ngumiti.
"Tumaya ka muna." Umiling siya't bahadyang napangiti.
"Magandang ideya yan." Tango ko saka ngumiti uli.
Ewan ko ba kung bakit tipid na tipid siyang mag-smile. Ang gwapo naman nya. Chooss.
"Hindi ka ba kakain?" Puna niya sa kin.
"Kumakain ako kanina. Patikim tikim."
"Parang wala namang nabago." Aniya. "Yang salamin mo ba may grado o fancy lang?" Mataman niya akong tinignan sa mukha.
"Hah?" Hinawakan ko yung salamin ko sa mata. "May grado toh noh. Try mo." Hinubad ko pa yun at inabot sa kanya.
Hindi naman niya isinuot kundi sinipat lang ng tingin. Bahadyang naningkit ang mga mata niya habang sinisipat iyon.
BINABASA MO ANG
All The Love In The World
General FictionBabala: Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Maging responsable sa pagbabasa. Salamat po. Godbless. ***** All the Love in the World Sa kaninong part nga ba mahirap ang pagmamahal? Ikaw na...