Page 35

482 13 2
                                    

Page 35

Take me back

Halos sabay sabay kaming napalingon nang dumating ang fiance ni Ms. Sarah. Lihim akong suminghap sa gulat at agad napatingin sa pwesto ni Ms. Sarah especiallt kay Heaven.

Maybe he was expected to be here too. Hindi naman nagulat sina Heaven.

Nakangiting lumapit ang soon-to-be-husband ni Ms. Sarah. They kissed and hug, casually, then binalingan din kami ng tingin para batiin.

Nakangiting bumati kami.

Hindi ko maiwasang hindi tignan ang facial expression ni Ms. Sarah. Sobrang ganda ng ngiti niya. She looks so happy, tho.

Tumingin ako sa gawi ni Heaven na tahimik at blanko ang ekpresyon ng mukha habang nakatingin kina Ms. Sarah.

He's in love with her at alam ko yun. Alam ng lahat. Alam din ni Ms. Sarah.

Napalunok ako.

Paano niya nagagawa iyon? Paano niya nagagawang magpanggap na walang nararamdaman kapag nasa harap niya si Ms. Sarah at ang fiance nito? Paano niya nagagawang itago ang sakit? Paano niya nagagawang ngumiti sa kabila ng lahat?

Come to think of it.

Hindi naman pala kami nalalayo ng sitwasyon ni Heaven. In-love siya sa isang taong hindi napapansin ang feelings niya. In-love ako sa kanyang hindi din napapansin ang feelings ko.

Yun lang, nananatili siyang kaibigan sa babaeng mahal niya.

Hindi ko 'ata kaya yun. Hindi ko kaya.

I admire him for still standing there close to them without showing pain. Samantalang ako, napaka-bitter. Iniiwasan ko siya dahil hindi ko magawang itago yung sakit. We are different in that part.

At sino ang mas mukhang kawawa sa amin?

Nanatili na lamang akong tahimik after hanggang sa unang magpaalam para umalis sina Ms. Sarah at ang boyfriend nito.

Nasa tapat kami ng boutique at paalis na rin sana.

"Ihahatid na namin kayo pauwi?" Wika ni Lawrence sa amin ni Em.

Nagpalitan kami ng tingin ni Em.

"I'll be going first." Boses ni Heaven. "Sasabay ka ba Ysmael?"

Napatingin na lamang kami sa kanya.

"Kay Law na lang ako sasabay. Kita na lang sa office bukas." Nakangiting sagot ni Ysmael at tinapik sa balikat si Heaven. "Sige na, bro."

"Okay." Agad tumalikod at nakaalis si Heaven.

Huminga ako ng malalim.

I think this wouldn't work.

Napalunok ako.

*****

Tinakbo ko na yung natitirang ilang hakbang nang makita kong hinila niya iyong pinto pabukas.

"Heaven." Malakas na tawag ko sa kanya kaya natigilan na siya.

Nakita ko ang pagtataka sa mukha niya ng makita ako. Napabuga ako ng hangin nang makalapit na ako ng husto. Medyo napagod ako sa pagsunod.

"Leiana?"

Sandali akong tumitig sa kanya at muling napahinga ng malalim. "Pwe-pwede mo ba akong ihatid?" Lakas loob kong wika. Sinalubong ko ang kanyang tingin.

Nagsalubong ang mga kilay niya at tumiim bagang. "Akala ko ba kay Lawrence ka sasabay?"

"Ano kasi --?" Napakagat labi ako. Ano nga bang idadahilan ko?

All The Love In The World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon