Page 53
I'm sorry
[Leia]
"Kailangan muna nating humanap ng ibang venue para sa mga bata. Wala akong maisip." Bagsak ang balikat na naupo sa tabi ko si Yumi.
Nasa park kami. Nakaupo sa isang bench. Katapat lamang ng simbahan iyong park kaya nakikita namin yung mga lalakeng nag-aayos at nagkakabit ng mga banderitas sa paligid.
Ngayon masasabi ko ng malapit na talaga ang Fiesta. Isang buwan na lang.
"'Di ba okay naman na sa simbahan tayo nagpa-praktis? Bakit bigla 'atang binawi?" Nagtataka kong tanong. Sumipsip pa ako ng konting inumin sa binili namin kanina na softdrink. Ipinaplastic na namin iyon.
"Oo. Noong una. Noong wala pang nagtatanong. May ibang choir kasi na biglang nagtanong bakit daw tayo pinayagan." Sumimangot si Yumi.
Nailing na lang ako.
"Well, ano pa nga bang magagawa natin kundi ang maghanap ng ibang lugar. Saan pwede?" Tanong ko. Suko na ko sa issue na yun. Kailangan naming mag-adjust.
"Hindi pwede sa 'min kasi may sakit ang matanda. Ayaw niya ng maingay." Lola niya ang tinutukoy sa matanda. Laking lola kasi si Yumi.
"Umm...." nag-isip pa ako. "Sa ampunan?"
Umiling siya agad. "Walang space. Kapag doon tayo magugulo at madidistract lang ang mga bata. Ipapagawa pa kasi yung event hall. Nasira yung kisame nung nagdaang bagyo."
Ilang buwan na ang nakakalipas sa bagyong yun ah?!
"Sa bakuran ng bahay ko." Yun na lang.
Napatingin sa akin si Yumi.
"Mas mapapalayo nga lang yung mga bata." Kibit balikat ko.
"Hindi. Actually may short cut way nga mula sa ampunan papunta sa bahay mo eh. Kaya lang dadaan sa hacienda." Sabi niya.
Napatingin ako sa kanya. "Talaga?"
"Oo naman." Ngumiti siya't tumango. "Dito ako lumaki so alam ko."
"Okay." Tango ko. "Pero kailangan nating magpaalam sa taga-hacienda. Baka magtaka sila kung makita yung mga bata. Kung sakali."
"Madali lang yun. Kausapin natin sina Madame." Ngiti niya.
"Isa pa. Wala akong keyboard." Naaalala ko bigla yung mahalagang bagay na iyon.
Saglit nag-isip si Yumi. "Try nating manghiram kay Rico." Saka napangiti.
Hindi na ako umimik.
Pumayag naman si Rico na ipahiram iyong personal nitong keyboard sa amin. Then ipinaalam din namin kina Madame Carmen at Senyora Alva yung tungkol sa mga bata. Um-okay naman sila.
Ang naging problema ko lang ay iyong lugar ko.
Wala kasi akong mga upuan na pangmaramihan. May nakita ako na isang lumang kawayan na upuan sa isang bahagi ng bahay pero kailangan nun ng major repair. Isa lang ang available kong pahabang upuan or bench.
Isa yun sa iniisip ko kaya hindi ko namalayan na may nakatayo na pala sa tabi ko. Nasa beranda ako ng office sa hacienda at nakatitig sa malawak na lupain sa harap pero ang layo naman ng naiisip.
"Ehem..." malakas na sadyang tikhim ng kung sino sa tabi ko ang umagaw sa pansin ko.
Saka ako natauhan at biglang lumingon. Nagulat pa ako ng makita sina Xyrus at Vann.
BINABASA MO ANG
All The Love In The World
Ficción GeneralBabala: Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Maging responsable sa pagbabasa. Salamat po. Godbless. ***** All the Love in the World Sa kaninong part nga ba mahirap ang pagmamahal? Ikaw na...