Page 29

507 14 3
                                    

Page 29

Friendship lang ang may forever

May nakausap ako na isang staff ng hotel. Nagpatulong na ako na maghanap ng music instrument para sa program mamaya.

Ang alam ko kasi karamihan daw sa ipe-perform ng mga taga ibang department ay sayaw. Eh, solo lang ako. Hindi naman pwedeng sumayaw akong mag-isa atsaka.... hindi ako marunong sumayaw!

Haist.

Pumasok ako sa isang maliit na bar na naroon. Sarado pa iyon pero sabi sa akin ng hotel staff ay may tao naman dun. Lumapit ako sa may bar counter at sumilip.

"Tao po." Mukhang walang nakarinig. Nilakasan ko pa ang boses ko. "TAO PO."

"Ano yun?"

Gulat akong napalingon sa likod ng marinig ang boses na iyon.

Medyo napatanga pa ako dahil sa gulat at pagkamangha. Ang ganda kasi nung girl na nasa harap ko ngayon. Nakaka-amazed.

Napabuntung hininga ako ng malalim.

Almost ka-height ko siya. Petit ang katawan. She was wearing a one piece dark red dress. Na-emphasize ang kaputian niya. Mahaba ang buhok niyang nakabraid at nakahawi sa kanan niyang balikat. May hightlight itong kulay blue green or green sa bandang dulo.

Astig siyang tignan pero angelic ang face.

"Ha-Hi." Alanganin kong bati. "Hinahanap ko ang staff. May itatanong sana ako."

"Nasa labas yung staff kaya ako ang nandito. Baka may maitulong ako sa'yo?"

"Ah," bahadya akong natigilan. "Sana. Itatanong ko lang kung pwede ba akong makahiram ng music instrument. Nagtatrabaho ako sa Naval. Yung may teambuilding na ginagawa ngayon." Inilabas ko yung ID ko at ipinakita sa babae.

Inabot naman niya iyon, binasa't tinignan.

"Kailangan ko kasi ng kahit guitar lang para mamaya. Hindi kasi kami nakapagdala." Napangiwi ako. Biglaan naman kasi ang lahat kaya hindi talaga ako makakapagprepare.

"Ah, okay. Nagets ko." Tumango siya sa akin. "Sige. Ipapadala ko na lang mamaya sa staff yung isa sa guitar na ginagamit dito sa bar."

"Talaga? Ma-maaasahan ko ba iyon?" Alanganin ko siyang tinignan. Hindi ko naman kasi sure kung may posisyon ba siya dito sa Hotel para magpasya. Mukha kasi siyang guest.

Napangiti siya. "Yah. Isa ako sa staff dito sa hotel. Don't worry."

"Ah, ganun ba?" Pilit akong ngumiti. "Pasensya na hah. Medyo kinakabahan kasi ako sa mamaya. Actually, wala akong rehearse na ginawa dahil kanina lang din sinabi sa akin na kailangan kong magperform."

"I see." Nakangiting tango niya. "I think you'll do great."

"Salamat." Tango ko. "Syangapala. Ako si Leiana." Inilahad ko ang aking kamay sa kanya.

"Corin." Saka tinanggap ang pakikipagshake hands ko. "Cousin ako ng may-ari ng hotel so, maaasahan mo mamaya."

Ang lambot ng kamay niya. Ngumiti ako ng malapad. "Salamat. Salamat talaga."

*****

Nakakwentuhan ko pa ng saglit si Corin at ang bait niya. Sobra. Sana mameet ko pa sya sa ibang pagkakataon. Maybe, dapat hiningi ko ang pangalan niya sa Facebook para maiadd ko siya as friends.

Tsk. Ba't 'di ko naisip iyon agad?

Nailing na lang ako sa sarili.

Hindi ko naman inaasahan ang maabutan ko sa corridor papunta sa room namin. Papaliko na ako sa intersection ng daan mula sa elevator nang makarinig ako ng mga boses. Napahinto tuloy ako at napaatras. Mabuti na lang at nakatago ako at hindi nila ako napansin.

All The Love In The World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon