Page 23
May chance
Napatingin sa amin sina Em, Bea at Ysmael ng dumaan kami ni Heaven sa salas. Pero walang naka-react sa kanila dahil mabilis lang kaming dumaan.
Binitiwan niya ang kamay ko pagkapinid ng pinto.
"Bakit?" Hindi ko mapigilan ang pagtaas ng tono ko.
Medyo naguguluhan na ako sa mga kilos ni Heaven. Ganito ba talaga siya ka-possessive at territorial sa mga karelasyon niya? Its not like ako ang una niyang karelasyon ah!
"Bakit?" Iritadong balik tanong niya. Tinapunan niya ako ng masamang tingin.
"Ano bang problema?" Pilit kong ipinakalma ang sistema ko.
Humakbang siyang palapit sa akin at hinawakan ako sa braso. "Come."
Ipinaupo niya ako sa gilid ng kama. Saka ko lang napansin iyong mga bagay na nasa ibabaw ng kama niya. May bulak, alcohol ay band aide.
Hinawakan niya ako sa baba at ipinaharap ng tingin sa kanya. Bahadyang itinaas niya ang mukha ko habang yung isang kamay niya ay hinawi ang bangs ko.
"Tsk." Iling niya.
Nagsalubong ang mga kilay ko. Ganun ba kasama ang bukol ko?
"Masakit ba?"
"Malaki ba? Masyado ba talagang halata?" Tanong ko.
"Namumula pa rin hanggang ngayon. Kukuha ako ng ice bag." Akmang aalis na sana siya sa harap ko pero agad ko siyang pinigilan sa braso at hinila pahinto.
"No. Okay lang."
"It doesn't look okay to me." Tiim bagang niya.
Binitiwan ko siya at sinuklay ng mga daliri iyong bangs ko. Inayos ko napatakip sa bukol. "'Di na yan mahahalata."
Sumimangot siya.
"Mag-aalala lang sina Em kapag masyadong pinansin." Tumayo na ako. Hinawakan niya ako sa kamay para pigilan.
"Saan ka pupunta?"
"Tutulungan ko pa si Lawrence."
"Kaya niya na iyon." Bumuntung hininga siya. "Can't you atleast distance yourself to him?"
"Bakit? Kaibigan mo siya." Nagtataka kong tanong.
"Kahit kaibigan ko siya, i just can't risk a moment of you with him. Baka -- baka magkagusto siya sa 'yo."
Napamaang naman ako sa kabiglaan. Siya? Si Lawrence? Magkakagusto sa akin?!
"Nagpapatawa ka ba, Heaven?" Gulat na gulat kong react.
"Mukha ba akong nagpapatawa?" Tumiim bagang siya. "Basta! I don't want to see you close to him again. Understand?"
"Hindi. Hindi ko maintindihan." Iling ko. Hinawi ko ang kamay niyang nakapigil sa akin. Humakbang na ako papunta sa pinto.
"Leia?"
Napahinto ako sa pagbukas ng pinto at nilingon siya.
"Sige na?" Nakikiusap na aniya.
"Bakit?" Humalukipkip ako.
"Just -- just don't."
"Hindi mo nga masabi kung bakit." Umiling ako. "I can't. Kaibigan ko na siya. Hindi ko iyon magagawa." Saka ako tumalikod at lumabas ng silid.
Baka nagalit ko lang siya lalo pero anong magagawa ko? Haist! Bahala na siya sa gusto niyang isipin.
Tahimik kami ni Heaven nang mag-dinner na. Magkatabi kami pero walang umiimik sa amin. Hindi niya ako tinitignan. Sina Bea at Ysmael lang ang maingay sa mesa. After ay naupo kami sa may salas habang naka-open ang malaking LCD TV sa harap at may movie na nagpi-play.
BINABASA MO ANG
All The Love In The World
Ficção GeralBabala: Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Maging responsable sa pagbabasa. Salamat po. Godbless. ***** All the Love in the World Sa kaninong part nga ba mahirap ang pagmamahal? Ikaw na...