Page 83
Life
[Leia]
TAHIMIK AKO habang nasa biyahe na kami ni Vann pauwi. Ihahatid niya ako sa apartment bago umuwi sa condo unit niya. It was almost past nine ng gabi.
Naging maganda naman ang resulta ng dinner namin with his family. Atleast... Nakilala ko na rin yung bunso niyang kapatid na si Ysabelle. Sky Ysabelle E. Buenaventura. Mas popular na kilala bilang Ysa. Sikat kasi siya dahil nagmo-model siya ng mga damit sa clothing line na hawak ng Daddy nila noon. Bukod pa roon ay may banda siyang kinabibilangan na unti unti ng sumisikat sa OPM scenes ngayon.
Madalas ko pala siyang makita sa magazines. Who would have thought na may kapatid palang sikat si Vann. Kaya pala hindi ko ito nakita noon sa Hacienda. Masyado palang busy.
Buntung hininga.
"May problema ba?" Tanong ni Vann.
Nilingon ko siya at naabutan ang mabilis niyang pagsulyap sa akin. Umaandar kasi ang kotse so kailangan niyang magfocus sa pagda drive.
"Ahm.... wala naman." Umiwas ako ng tingin. "Hindi ko alam na sikat pala ang kapatid mo."
"I don't want to brag about it. Buhay niya iyon. Pero kahit ganun, masakit pa rin sa ulo."
"Bakit naman?"
"Well, noong hindi pa siya sikat, madalas siya sa Hacienda at lagi ko siyang nakikita pero nagbago iyon simula ng magbanda siya. Lagi na siya dito sa Manila. Laging may out of town at hindi na namin siya nakakasama ng madalas. Worst, dumami ang suitors and fans niya kaya kinailangan pa naming maghire ng sariling bodyguard to secure her protection. Hindi lang siya ang hinahabol ng fans kundi pati ako. Kaya nag-stay na lang ako sa Hacienda for good."
Napangiti ako sa mga sinabi niya. "You're not bragging about it hah? Bakit pati ikaw hinahabol ng fans?"
"Well, kuya ng sikat eh. Atsaka.... pang-Model din naman ang kagwapuhan ko." Tumawa siya pagkatapos.
"Grabe! Ang yabang mo talaga." Bumungisngis ako.
"Ba't 'di ka naniniwala?" Mabilis niya akong sinulyapan.
"Haist." Ismid ko. "Sige na. Kayo na lahi ng mga magagandang tao. Escaner ba naman. Lalong naging malayo ang estado ng buhay ko sa iyo."
"Hey!"
Nagulat ako ng hawakan niya yung kamay ko. Agad niya iyong ni-lock hands.
"Vann! Nagdadrive ka!"
"Okay lang." Without looking. "Wag mong isipin ang pagkakaiba ng mga pamilya natin. Hindi iyon ang sukatan sa pagmamahal ko sa'yo. Saka mas mayaman ka na sa kin ngayon."
"Ba-bakit?"
"Kasi pagmamay-ari mo ang buong mundo."
"Hah?" Nagtataka ko siyang tinitigan.
"Pagmamay-ari mo ang buong mundo ko." Saka mabilis na sumulyap sa kin at nag-wink.
Nagblush ako at mahinang hinampas siya sa braso ng isang malayang kamay ko. "Adik."
Humalakhak naman siya. "Aminin. Kinikilig ka."
"Mukha mo!" I pouted at him then napangiti na ko.
Aminin ko man o hindi. Totoo naman ang sinabi niya. Kinilig ako.
Ngumiti na lang ako. We keep our hands locked at hindi ko mapigilan ang aking saya.
BINABASA MO ANG
All The Love In The World
General FictionBabala: Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Maging responsable sa pagbabasa. Salamat po. Godbless. ***** All the Love in the World Sa kaninong part nga ba mahirap ang pagmamahal? Ikaw na...