Page 52
Weird
[Vann]
Bumaba na rin ako sa sasakyan pagka-imbis ni Leia. Ni hindi man lang niya hinintay na pagbuksan ko siya o kaya'y paunahin ako.
Tsk. Nakakainis siya sa totoo lang. Bakita ba kasi sinundo ko pa siya?!
Tahimik ko siyang sinundan habang nauunang maglakad papunta sa office. Sa pagkakataong iyon nagawa ko siyang pagmasdan ng maige.
Tama lamang ang height niya para sa isang tipikal na Pilipina. Slim, curve body. Maputi pero hindi iyong maputla sa kaputian. Mahaba ang buhok niyang itim na itim at ngayon ay nakapusod ng simple sa kanyang likod. May manipis siyang bangs na bagay naman sa hugis ng pa-oblong niyang mukha. Yung suot niyang makapal na salamin ang nagbibigay sa kanya ng mukhang masungit. I wonder kung malabo na ba talaga ang mga mata niya o fancy lamang ang salamin na iyon. Never ko pa namang nakita na hinubad niya iyon.
Well, its been more than a week since we met. Or should I say, since we met again.
Habang papalapit na kami sa office ay nakita ko ang paparating na rin na si Xyrus.
The hell! What is he doing here again?! Napapadalas ang punta ng ugok na ito dito ah.
Nanggaling siya sa loob ng office at ngayon ay naglalakad pasalubong kay Leia. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang nakakalokong ngiti sa labi nito.
"Hi, Leia?" Bati agad ni Xyrus ng husto na silang magkaharapan.
"Hello." Ganting bati ni Leia. Nakatalikod siya sa akin so hindi ko alam kung anong ekpresyon ng mukha niya.
Is she smilin'? Or blushing?
I can still see Xyrus' devilish smile. Lihim akong napapiksi sa sarili. Inilang hakbang ko na yung natitirang pagitan sa amin nina Leia.
"First day?" Nakabaling ang tingin ni Xyrus kay Leia this time.
"Yup. Nagtatrabaho ka rin ba dito?" Medyo naging lively ng tone ni Leia.
Sadya ba yun? Nagpapacute ba siya kay Xyrus?
Tinabihan ko si Leia at pasimpleng sinipat ang mukha nito.
Bahadya naman itong lumingon sa akin then pinagsalubungan ako ng mga kilay. Umiwas ako ng tingin.
"Nope. Hindi ako nagtatrabaho dito." Sagot ni Xyrus sa nabinbin na tanong ni Leia. "Namamasyal lang."
"Anong tingin mo sa hacienda? Park mo?" I gritted teeth. Tinapunan ko ng masamang tingin si Xyrus but he just shrugged his shoulder to me.
"Bakit sabay kayong dumating?" Si Xyrus naman ang nagtanong kay Leia.
"Ipinasundo daw ako ni Senyora sa kanya." Walang anumang sagot ni Leia.
Kung maka-Kanya, toh, parang walang kakwenta kwenta yung ginawa ko.
Napakathankful niya. Sarcastically.
"Bati na kayo?" Si Xyrus pa rin. He then smirk to my side.
"Anong bati?" Pinagsalubungan ko ito ng mga kilay.
Ano yun? Away bata? Natulog lang ay wala na rin agad?
"Hindi naman kami magkaaway." Wika ni Leia na ikinapatigil ko. "But, hindi din kami magkaibigan."
"Oh?" Reaction ni Xyrus. Sabay ngisi.
BINABASA MO ANG
All The Love In The World
Narrativa generaleBabala: Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Maging responsable sa pagbabasa. Salamat po. Godbless. ***** All the Love in the World Sa kaninong part nga ba mahirap ang pagmamahal? Ikaw na...