Page 11
Now i know
Nagising ako kinabukasan na masakit na masakit ang ulo. Mabuti na lang at Sunday, walang pasok.
Binigyan ako ni Em ng gamot at hinayaan na makapagpahinga. Bea was still sleeping sa bed niya. Tulog mantika lang o dahil lasing na lasing siya kagabi.
Lumabas ako ng silid nang medyo nagsubside na yung migraine ko. Naupo ako sa sahig at nakasandal sa sofa. Lumapit si Em at inabot sa akin ang isang bowl na may mainit pang lugaw.
"Nagluto ka?" Tanong ko habang inilapag iyon sa lamesitang nasa harap.
"Binili ko yan sa labas. Hindi ko na rin kinayang mag-luto." Aniya habang naupo na rin at nakabaling ang pansin sa mangkok din niya ng lugaw. "First time mo sa ganung klase ng party?"
Tumango ako.
Epic ang nangyari. Halos hindi ko nga malaman kung totoo ba iyon o hindi. Yung confrontation sa pagitan namin ni Heaven... yung dirty dance.... yung kiss.
Yung kiss.
It was my first kiss. I can't believe si Heaven ang first kiss ko. Napakatagal ko ng gustong mangyari iyon at nangyari na nga. Palagi akong nag-i-imaginge ng kung ano anong scenario sa kung paano ang magiging first kiss, kuno, namin ni Heaven.
Kunwari, isang romantic date. Candle light dinner. May wine at sweet music na pumapainlalang sa paligid. Intimate and private.
Gusto ko sana yung mala-fairytale na first kiss. Pero totoo pala na ang fairytale ay fairytale lamang. Malayong malayo ito sa katotohanan.
My first kiss. Naganap ....
Hindi as date.... kundi sa isang party.
Hindi candle lighted.... pero dim lights and disco lights balls.
Walang wine.... hard drinks naman.
Hindi sweet music.... kundi pang-bar na tugtugan.
Intimate and private.... pero maraming nakakita.
Kabaligtaran lang ang lahat ng nangyari sa pinapangarap ko.
Huminga ako ng malalim.
"Okay ka lang?"
Napatingin ako kay Em ng magsalita siya. Spacing.
"Anong balak mo ngayon? Gusto mo pa rin ba si Heaven?"
Napalunok ako. "Wala akong balak." Tumitig lamang ako sa lugaw na nasa harap ko. "Si Heaven ay si Heaven. Gusto ko siya but i don't know what to feel for him anymore. Masaya na ako na napansin niya ang presence ko pero ngayong higit pa yung binibigay niyang atensyon, natatakot ako. Alam kong hindi totoo. Alam kong may mali. Pero may part sa puso ko na nagsasabing gusto ko yung nangyayari. Masyadong magulo."
"Alam mo, hindi kita papayuhan na ipagpatuloy mo yang feelings mo kay Heaven. Pero gusto kitang makitang masaya. Habang pinipigilan mo ang feelings mo kay Heaven lalo kang natatakot at nasasaktan."
Nagkatinginan kaming dalawa.
"Kung matatakot ka lang hindi ka magiging masaya, 'di ba? It's better to love than never learn to love at all." Ngumiti si Em. "Ano mang maging desisyon mo just know that we are always here for you. Kapag sinaktan ka niya, kami ang reresbak para sa'yo."
Napangiti ako ng maluwang. "One for all. All for one?"
"Always." Tango ni Em.
Biglang bumalibag pabukas iyong pinto ng silid namin at sabay kaming lumingon.
BINABASA MO ANG
All The Love In The World
General FictionBabala: Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Maging responsable sa pagbabasa. Salamat po. Godbless. ***** All the Love in the World Sa kaninong part nga ba mahirap ang pagmamahal? Ikaw na...