Page 43
Bago
[Em's POV]
Tatlong katok ang narinig ko sa may pinto dahilan para matigil ako sa ginagawang paghahanda ng tanghalian.
Tumingin muna ako sa may pinto ng kwarto pero nakapinid pa rin iyon. Siguro ay tulog pa rin si Bea.
Pinunas ko sa dulo ng suot na tshirt ang aking kamay atsaka lumapit sa pinto. Pagbukas ko niyon ay sumalubong sa aking paningin ang mukha ng aming landlady. Nakangiti ito.
"Aling Salome? Bakit po?" Nagtataka kong tanong.
Agad niyang inabot sa akin ang isang puting sobre. "Dumating itong sulat kanina lang. Para sa iyo."
"Ahh... salamat po." Sabi ko. Akmang isasara ko na sana yung pinto pero pinigilan niya ito.
"Hindi pa ba siya bumabalik?"
Gulat akong napatingin muli. "Ho?!"
Ngumisi ito ng konti. "Hehe... ito naman. Alam ko na hindi pa rin nagpapakita si Leia hanggang sa ngayon. Wala pa ba kayong balita."
Lihim akong napabuga ng hangin. Gusto ko na sana itong paalisin kaya lang kabastusan naman sa nakakatanda iyon.
"Hindi mo pa ba alam ang dahilan kung bakit siya umalis?"
"Wa-wala pa po akong balita." Bahadya kong ngiwi.
"Hmmm...." humalukipkip pa ito sa harap ko. "Hindi kaya nabuntis na siya ng boyfriend niya at ayaw siyang pakasalan. Kaya siguro nagtatago."
Nag-init ang magkabila kong pisngi sa narinig. May bumangong inis at pagkairita sa loob loob ko pero pinipigilan ko na lang. Grabe sila!
"Alam mo. Hindi naman sa pinangungunahan ko kayong magkakaibigan pero yun kasi ang usap usapan dito sa atin ngayon."
"Aling--"
"Aling Salome!" Biglang may boses na nagmula sa likod ko. Si Bea.
Bahadya tuloy akong natigilan.
"Para sabihin ko po sa inyo. Hindi ho ganung klase ng babae si Leia. Wag po kayong maggawa ng sariling pagti-tsismisan." Pagalit na sabi ni Bea.
Mabuti na lang at nasa pagitan nila ako.
"Aba!" Tumaas ang kilay ni Aling Salome. "Hindi ko gawa gawa iyon. Iyon talaga ang usap usapan ng mga kapit bahay."
"Kung ganun! Mali po ang usap usapan na iyon! Iyon po ang ikalat niyo na tsismis sa mga ka-tsismisan niyo rin! Umalis lang ho si Leia kasi may inaasikaso siya sa probinsya nila. Wag niyo na ho yung gawan ng iba pang issue."
"Bea?" Mahinang bulong ko.
Halatang medyo nagulat si Aling Salome sa mga narinig. Hindi ito agad nakapagsalita.
"Aling Salome. Salamat po sa pagtanggap ng sulat ko. Sige po." Hindi ko na hinintay yung sasabihin nito. Isinara ko na ng marahan iyong pinto.
Napamura naman si Bea. "Mga tsismosa! Walang magawa sa buhay! Letse!!" Padabog siyang naglakad papunta sa may sofa at doon naupo.
Huminga ako ng malalim at sumunod sa kanya.
Nakita ko siyang bumuntung hininga at napapikit ng mga mata.
"Gusto mo ng gamot?" Tanong ko. Alam ko na may hang over pa siya. Nag-inom na naman kasi kagabi.
"Nope. Nakainom na ko." Nakapikit pa rin ang mga matang wika niya. "Kanino galing sulat?"
BINABASA MO ANG
All The Love In The World
Ficção GeralBabala: Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Maging responsable sa pagbabasa. Salamat po. Godbless. ***** All the Love in the World Sa kaninong part nga ba mahirap ang pagmamahal? Ikaw na...