Page 33
The thing is
Hindi ko alam kung nagpa-function pa ba ng maayos ang utak ko. After nang mga sinabi ni Ms. Sarah sa akin sa may elevator i am now confused.
Bakit ganun?
Ako ba yung nanloko? Ako ba yung may problema? Parang nung last time na i-check ko ay masakit pa ang puso ko dahil sa katotohanang ginamit lang ako ni Heaven para sa isang pustahan. But then.... parang bumaliktad ang mundo.
Bakit galit sa kin si Ms. Sarah?
Wala naman akong ginawang masama ah. Nagmahal lang ako at magpakatanga. Problema niya ba yun?
Tsk.
Huminga ako ng malalim at napasandal ng noo sa mataas na rack na nasa harap ko. Nananakit na naman ang ulo ko. Parang iniipit ng dalawang bato, sobrang sakit.
Sandali akong nanatili sa ganung posisyon habang nakapikit ang mga mata. Nasa loob kasi ako ng file room sa dulong bahagi ng aming floor. May ipinakukuha sa akin na file pero hindi ko agad iyon matagpuan.
Well, paano ko naman matatagpuan kung iba iba ang naiisip ko?
Ayy, naku!
Umiling iling ako.
Get yourself together Leia! Focus!
Nagulat ako at bahadyang napatalon sa pwesto ng marinig kong may pumasok sa pinto. Napalingon agad ako dun at nakita ang isang pamilyar na mukha ng isa sa ka-officemate namin.
Anjo nga ba ang pangalan.
"Leiana?" Parang nagulat ito sa tono pero yung ekpresyon ng mukha naman niya parang hindi. Na-confused ako dun.
"Ah, may kukunin lang ako." Agad akong nag-iwas ng tingin. Parang may gumapang na kilabot sa katawan ko nang makita kung paanong humagod ang tingin niya sa kabuuan ko. Kumakabog ang puso ko ng kakaibang kabog. Kinakabahan ako. Ewan ko ba.
In-scan ko ng tingin iyong mga binder na nasa tapat ko at nakita yung pakay ko na files. Siguro kung kanina pa ako naghanap ay nakaalis na ako mula rito. Kasi naman... kasi naman.... Agad ko iyong hinila at pumihit paharap sa pinto.
Napalunok ako.
Nakita ko kasi na nananatili sa may tapat ng nakasarang pinto si Anjo. Nakatingin siya sa akin at hindi ko talaga maisip kung anong klase ng pagtitig ang ginagawa niya sa akin.
Pakiramdam ko ay nababastos na ako sa paraan ng pagtingin niya. Pakiramdam ko may maling nangyayari dito. Pinilit kong huwag makipag-eye to eye contact sa kanya.
Humakbang siya papalapit at napaatras naman ako ng isang beses. Muli akong lumunok at sa totoo lang.... yung kilabot ko kanina ay unti unti nang nawawala at napalitan na nang takot.
Okay. Fine. Yung humor na aloof ako sa boys. Siguro ngayon aaminin ko ng totoo iyon. Ayokong naiiwan sa isang awkward moment kasama ang isang tao na stranger sa akin. Lalo na at lalake! PorDyosPorSanto!
That was very different feeling when it comes to Heaven. Pati kina Lawrence at Ysmael.
"Aalis ka na ba agad?" Mahinang wika nito at humakbang pa uli papalapit.
Oh no!
Nagpanic na talaga ang utak ko. Nagyuko ako ng mukha at humakbang paabante. Nasa harap ko siya at walang ibang way para umiwas kundi ang mabunggo siya. Bahala na talaga. Pikit mata akong humakbang. Umurong siya patagilid at hinayaan akong makalagpas ng konti pero pinigilan niya ako sa isang braso.
BINABASA MO ANG
All The Love In The World
General FictionBabala: Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Maging responsable sa pagbabasa. Salamat po. Godbless. ***** All the Love in the World Sa kaninong part nga ba mahirap ang pagmamahal? Ikaw na...