Page 72

477 10 3
                                    

Page 72

Hindi naman

[Leia]

"Excuse me."

Sabay kaming napalingon ni Bea nang may hindi pamilyar na boses na nagsalita sa likod ko.

Napasinghap ako at napaawang ang labi sa pagkagulat.

"Would you mind if I asked you for a dance?"

Tsk. Nag-summersault ang puso ko sa pwesto.

Why?!

He was the masked guy na nakakuha ng bid sa painting ni Sky. Katulad nang maraming kalalakehan sa party ay naka-black suit and tie siya. Tila may kakaiba nga lang sa datingan niya at tindig. He was emitting different kind of authority. At tila pamilyar siya sa akin.

Para siyang isang tunay na prinsipe. It made my heart pound.

Bakit siya nandito? Kelan pa siya nakalapit?

Napatingin ako sa kamay niyang nakalahad sa harap ko.

Lunok uli.

What is this?

"Pwede ba?" Aniya in a very husky and light voice. Para siyang minamalat.

Tumingin ako kina Bea at Ysmael and they seemed to be puzzled by the situation.

Huminga ako ng malalim at muling tumingin sa masked guy. Mukha siyang pamilyar pero parang hindi. Ewan ko.

"Si-sige." Mahinang sagot ko. Marahan kong ipinatong ang sariling kamay sa nakalahad na palad ng lalake at dahandahan niya akong inalalayan na makatayo.

Pinanlamigan ako ng pakiramdam. Bumilis din ang pintig ng aking puso. Para itong nakikipagsabayan sa lakas ng tugtog nang musika sa paligid. May mumunting boltahe ng kuryentenv biglang gumapang sa bawat sa ugat ko.

Take my hand
Touch my heart
Hold me close
You were always there

By my side
Night and day
Through it all
Maybe come what may

Iginiya niya ako sa gitna ng dance floor at sa gitna ng lahat. Para akong lutang sa nangyayari. Sumusunod lamang ako sa bawat kilos niya.

Hawak niya ang kaliwa kong kamay at ang kanan ay kanyang iginiya para ipatong sa kanyang kaliwang balikat. His gentle hand was on my waist after.

Lihim akong suminghap.

Hinapit niya ako ng konti palapit. Gentle lang at naglean ng mukha pababa upang ilapit sa aking tenga. He whisper. "Relax."

Then he pulled me closer again. Halos magdikit na ang aming mga katawan. Napakapit ako sa kanyang balikat.

He was towering me. Matangkad siya. Siguro kung hindi ako nag-heels ngayong gabi ay hindi man lang ako lalampas ng kahit konti sa kanyang balikat.

He then guided me to a slow phase of steps. Huminga ako ng malalim at mahaba as we started. Hindi ko maialis ang mga mata ko sa kamay kong nasa kanyang balikat. Kinakabahan ako. Ni hindi ko matignan ang kanyang mga mata.

This love is unbreakable
Its unmistakeable
And each time I look in your eyes
I know why

This love is untouchable
I feel in my heart just can't deny
And each time i look in your eyes
Oh, baby
I know why
This love is unbreakable

Sumasabay lamang ako sa mabagal niyang kilos. But my heart keep on throbbing too fast. Natatakot tuloy akong marinig niya ang pintig ng puso ko. Masyado itong malakas.

All The Love In The World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon