Page 60
Stay
[Leia]
Pagkalabas ko ng office ay nakita ko agad si Vann na naghihintay. Nakasandal siya sa may haligi ng daan at nakahalukipkip. Nakayuko siya ng mukha at mukhang hindi pa nahalata ang paglabas ko.
Tahimik ko siyang nilapitan at humalukipkip nang nasa harap na niya ako.
"Vann?"
Saka lang siya nag-angat ng tingin. Blanko lang ang face expression niya. Wala akong nabasa na anuman.
"Anong ginagawa mo dito?" Kumunot noo ako.
"Waiting for you." Malamig niyang sagot.
Lalo akong nagtaka. "Bakit?"
Marahas siyang napabuga ng hangin. "Nakalimutan mo bang may usapan tayo?"
Napahinga ako ng malalim. "Tinext na kita 'di ba?"
"Okay lang na hindi ka nakarating ngayong umaga. We can still talk now. Tara na."
"Aalis kami ni Father." Mariin akong napapikit saglit. Hindi ko siya maintindihan.
"Nakausap ko na si Father at pumayag siya na samahan mo muna ako ngayon. You can ask him kung hindi ka naniniwala."
Natigilan naman ako.
Sabay kaming napalingon ng muling bumukas iyong pinto at lumabas si Father Pio. Napatingin ito sa ming dalawa at nagtaka.
"Oh, nandito pa kayo?"
Napaawang ako ng labi.
Ngumiti sa akin si Father. "Leia, ipinaalam ka na muna sa akin ni Vann. May hihingin daw siyang favor sa iyo kaya kung pwede ay samahan mo muna siya ngayong araw. Si Arnel na muna ang isasama ko ngayon."
"Pero---" nabigla na talaga ako.
"Sige na. Mauna na ako kung ganun." Nakangiting sabi nito bago humakbang at lumagpas sa pwesto ko. Sinundan ko ito ng tingin. Nakangiti at magaan niyang tinapik sa balikat si Vann bago tuluyang umalis.
"See?" Boses ni Vann.
Napabuga ako ng hangin. Ano naman kaya ang sinabi ni Vann para mapapayag si Father? May favor daw na hihingin sa kin? Ano naman kaya yun? Mukhang hindi maganda.
Nagtama ang mga tingin namin ni Vann yet wala akong nakita roon o nabasa. Ang weird niya talaga.
"Halika na." Nagpatiuna na siya sa paglalakad at wala akong nagung choice kundi ang sumunod.
Wala naman akong ibang gagawin. Bumuntung hininga ako ng malalim. Nang marating namin ang harap ng simbahan naabutan pa namin sina Yumi at Xyrus na naroon at nag-uusap. Nilapitan namin sila.
"Leia?" Agad akong sinalubong ni Yumi. Ginagap niya agad ang dalawa kong kamay. "Okay ka na ba?"
Pilit akong ngumiti at at tumango. "Yup. Okay na."
"Ano bang nangyari kanina. Nag-alala kami sayo." Wika ni Xyrus sa akin. Mataman niya akong tinitigan.
"Masakit kasi ang ulo ko kanina. Pero okay na naman ngayon." Alanganin akong ngumiti.
Napasulyap si Yumi sa gawi ni Vann. "O, ba't magkasama naman kayo ngayon? Aalis kayo?"
Tumingin ako kay Vann. Kahit ako kasi ay walang ideya kung saan kami pupunta o kung anong gagawin namin.
"Sumama na kayo." Wika ni Vann na nakakipkip ang mga kamay sa mga bulsa.
"Lunch out ba?" Tanong ni Xyrus.
BINABASA MO ANG
All The Love In The World
General FictionBabala: Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Maging responsable sa pagbabasa. Salamat po. Godbless. ***** All the Love in the World Sa kaninong part nga ba mahirap ang pagmamahal? Ikaw na...