Page 6

706 17 0
                                    

Wrong Signal

"Take out!" kulang na lang ay isigaw iyon ni Heaven.

Napakunot noo ako ng malalim. Problema nito?

"Two hundred ninety-five lahat." Patay malisya lang yung staff at tumingin sa akin. "May promo kami. May libreng macaroons kapag worth three hundred."

"Macaroons?" Nanlake pa ang mga mata ko sa narinig. Sh*t! I love macaroons. "'Pag nagdagdag ba ko ng five bibigyan mo ko ng free macaroons?" Sabi ko dun sa staff.

Matiim itong tumitig sa akin. "Hindi noh."

Napaawang ang bibig ko para mag-protesta kaya lang naunahan ako...

"Nag-offer ka pa?" Biglang singit ni Heaven sa usapan. Pagalit ang tono niya.

Shocks! I almost forgot.

Napatingin ako kay Heaven at nakita ang masama nitong pagtitig dun sa staff.

"Promotional lang Sir." Sagot nung staff.

Nagulat ako ng iabot ni Heaven ang isang credit card. "Dagdagan mo ng isang order ng macaroons. Yung gusto niya. Hindi yung promo."

Ngumiti iyong lalakeng staff. "Yes Sir."

Hinawakan ako ni Heaven sa palapulsuhan at hinila papunta sa isang bakanteng mesa. Nasa bandang gitna iyon ng shop. Naupo kami na magkatapatan.

"You know that guy?" Napasapo siya sa noo niya at umiling.

Tumango ako ng mahina. "Si Kuya Lemuel. Nagtrabaho kasi ako dito noon."

"What?" Gulat na nilingon ako ni Heaven.

"Bago pa lang ito noon. Isa ako sa pioneer workers ganun din si Kuya Lemuel bago ako napasok sa Naval. Saka madalas kami dito ng Bff's ko. Favorite hang out namin dito." Napangiwi ako ng mapansin ang pagtitig niya akin habang nagsasalita ako. Nagblush tuloy ako. "Sorry."

Huminga siya ng malalim. "Sorry for what?"

"Ahm..." napapilig ako ng ulo. "Hindi naman mahalagang bagay iyon."

"That was important facts Leiana." Hindi niya kinalas ang pagtitig sa akin.

Napalunok ako at lalong na-tense.

Shocks!

"Frappe with cream. Macaroons." Bahadya siyang naglean sa mesa papalapit sa akin. "Your favorite hang out place. Its all important facts to me."

What?! Natameme na lang ako.

"So you don't like coffee?" Nagbaba siya ng tingin at tumango.

"Gusto ko din ang kape. Yung Three in one coffee." Sabi ko.

Tumingin siya then natawa ng mahina. "Okay."

"Nadagdagan pa yung utang ko sa'yo."

"We'll settle that some other time."

Kumunot noo ako. "Kelan?"

"When i feel like it."

"Nakakahiya naman sa 'yo. Lagi mo na lang akong pinagbibigyan."

"Ayokong makabayad ka na. Kung wala kang utang sa akin alam ko na hindi ka na sasama pa uli, tama?" Ngumisi siya ng konti.

Natigilan naman ako.

"Leiana?"

Sabay halos kaming napalingon ng may tumawag sa akin. Napatayo ako at lumapit ito sa akin.

All The Love In The World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon